CHAPTER 12

895 71 27
                                    

Aiden Azrael

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aiden Azrael

ILANG ORAS na akong nag-aarange ng mga documents at kahit papano ay naka-kalahati ko na din ang mga ito ngunit di ko namalayan na lunch break na pala kaya naisipan kong bumaba muna upang kumain sandali dahil medyo kumakalam na din ang aking sikmura.

Pagkatapos ko ayusin ang mga gamit sa lamesa ko para pagbalik ko di na ako malito sa dami neto jusko baka kapag nagkagulo-gulo pa ito ma-iiyak na talaga ko ang hirap kaya sobrang dami ba naman neto.

Lalakad na sana ako patungo sa pinto ni Sir Braxton upang mag-paalam nang bigla itong bumukas at iniluwa nito si Sir na bitbit ang kanyang suit habang diretsong nakatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang dominanteng mga tingin niya.

"S-s- Braxton magpapa--" di ko natatapos ang aking gustong sabihin nang bigla itong sumabat gamit ang ma-awtoridad niyang boses.

"Hindi ang sagot ko sa sasabihin mo, you will go with me for our lunch date little bunny." sambit ni Sir Braxton kaya napatingin ako sa kanya ngunit may sinabi siya sa huli pero di ko naintindihan. Pero ano namang trip ni Sir kanina galit ngayon naman may pa-lunch pang nalalaman.

"Ah B-braxton h-hindi na po makaka-abala p-pa po ako diy--" hindi pa natatapos ang paliwang ko ng sumabat ulit si Sir Braxton.

"Do you hear and understand what I said?" kalmado ngunit may diin ang bawat salitang kanyang binitawan.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang hablutin ang aking braso at naglakad palabas, hindi naman masakit ang pagkaka-hawak niya pero syempre nakakahiya naman na hawak-hawak ako ng isang CEO kaya pilit kong tinatanggal ang pagkaka-hawak niya ngunit sadyang mas malakas siya kumpara sakin, naramdaman kong medyo hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa akin.

"Don't try to escape because I won't allow you." sambit niya habang patuloy parin kaming nagla-lakad at diretso lamang ang kanyang tingin sa aming dina-daanan.

"S-sir Braxton hindi naman po ako t-tatakas nakakahiya po kasi dahil pinagti-tinginan na po t-tayo ng mga ibang e-empleyado mo po eh." may utal na wika ko ngunit nagulat ako nang bigla siyang tumigil at humarap sa akin ng sobrang seryuso ang ekspresyon ng mukha.

"Who cares mi conejito they can stare at us until they get bored." lintaya ni Sir Braxton in his serious tone kaya wala na akong nagawa at nag-paubaya na lamang ngunit di ko naintindihan yung mi corneto ba yun kaloka to si Sir ginawa pa akong ice cream.

Hanggang sa makarating kami sa parking lot ng kompanya grabe ang luwag din at halata talagang mamahalin ang mga sasakyang naka-park dito. Siguro para sa mga VIP ang parking lot na ito.

Tumigil kami sa isang itim at napaka-gandang sasakyan pero masasabi mong di lang ito simpleng sasakyan na makikita mo lang kung saan. Talagang namangha ako sa aking nakikita napaka-yaman naman talaga ni Sir Braxton.

"Close your mouth you're already drooling, this is Bugatti La Voiture Noire but not too expensive." wika ni Sir kaya namula naman ako sa kahihiyan tapos sinubukan ko punasan ang bibig ko pero wala namang laway, nantri-trip lang pala ito.

Bugatti La Voiture Noire(Cttro)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bugatti La Voiture Noire
(Cttro)

Grabe siya sa not too expensive pagbalik ko mamaya search ko nga kung magkano talaga itong Bugatti La Voiture Noire wala curious lang. Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Sir Braxton.

"Pasok na what are you waiting for, nagugutom na ako so move fast Aiden come on." medyo may inis na sabi niya pero naga-alangan ako kasi baka mamaya magasgasan o kaya madumihan ko itong sasakyan ni Sir grabe mukhang mas mahal pa ito sa buhay ko.

"Braxton magco-comute nalang ako sabihin mo nalang kung saan yung lugar." pagtanggi ko sa kanya pero mukhang mali ata ang ginawa ko kasi sobrang sama na nang aura niya.

"Sabi ko nga po sasakay na po ako." nakapeace sign na may nag-aalinlangang ngiti kaya para walang gulo ay pumasok na ako syempre sinigurado ko na walang dumi ang sapatos ko.

Pagkapasok ko ay pumasok na din si Sir at nagulat ako ng unti-unting lumapit si Sir sa akin kaya napasiksik ako sa aking kinakaupuan.

"What are you doing and why are you squeezing yourself into your seat, I'll just fasten your seatbelt, I want to do something to you but not now." lintaya niya kaya namula naman ako sa kahihiyan parang gusto ko ng lamunin ako ng kinauupuan ko. Pero ang hilig lagi ni Sir mag-bulong di ko nanaman naintindihan.

Di na ako kumibo hanggang sa naramdaman ko nalang ang pag-andar ng aming sinasakyan pero di ko akalain sa sobrang bilis naman niya magpatakbo kaya napakapit ako kung saan pero nagulat ako nang may narinig ako napunit at pagtingin ko kay Sir ay nanlaki ang mga mata ko.

Ang nakapitan ko pala ay ang polo ni Sir, mukhang napalakas ang pagkakahatak ko at napunit ang braso ng polo ni Sir at natanggal ang dalawang butones jusko ano ang ginawa ko. Biglang itinigil ni Sir ang sasakyan kaya kinabahan ako baka kung ano ang balak gawin ni Sir sa akin.

"If you want to undress me just tell me, don't surprise me like that." mapang-asar na wika ni Sir kaya nanlalaking mata ko siyang tinignan at ang loko nakangisi pa.

"Sobrang bilis po kasi ng pagpapatakbo niyo di ko naman po alam na polo mo po ang nakapitan ko saka wala po akong balak na hubaran ka po." sambit ko grabe naman itong si Sir anong akala niya gusto ko siya, ayaw ko sa kanyan kahit gwapo pa siya ang panget naman ng ugali. Pero siya nakangisi lang at parang tuwang-tuwa pa sa mga nangyayari.

"You say so but you're cute when you blush mi conejito." nangaasar na wika niya kaya di ko mapigilang mapatakip sa aking mukha dahil sa kahihiyan pero mas mabuti na ito kaysa naman magalit itong loko-lokong ito.

"Hindi po ako namumula ganyan po talaga pisngi ko." lintaya ko habang sa ibang direksiyon ako nakatingin.

Naramdaman ko na parang may ginagawa si Sir kaya tinignan ko siya pero muli akong napatakip sa mata ko dahil nagbibihis pala siya ng polo at kitang-kita ko ang napakalaking katawan niya, sobrang ganda ang hubog parang pang Greek God ang pangangatawan halatang batak sa gym.

"So adorable mi conejito, don't worry I will not drive that fast when I'm with you." narinig kong sambit niya ngunit parang natatawa ang tono pero di ko na pinagtuunan ng pansin dahil sa kahihiyan na nagawa ko.

At naramdaman ko nanaman ang pagkabuhay ng makina at umandar na ang aming sinasakyan pero hindi na ganoon kabilis katulad kanina kaya nakahinga ako ng maluwag. Isang nakakahiyang araw.

______________________________________
Hello po mga kaungol kamusta po kayo? Sana po magustuhan niyo po itong chapter na ito. Maraming salamat po sa inying lahat mga kaungol. Ingat po palagi, stay positive lang po pero wag lang po sa COVID. Enjoy po mga kaungol!

📍Plagiarism is a crime
Please follow and vote💕
@Jayjaymoan😻

El Monstruo [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon