CHAPTER 4

950 78 43
                                    

Aiden Azrael

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aiden Azrael

NAGHALO-HALONG takot, kaba at pangamba ang aking nararamdaman sa mga nakikita ko na laman ng pulang box at may maliit na papel sa gilid kaya kinuha ko ito saka binasa ngunit mas lalo akong kinabahan sa aking nabasa.

"Bakit niya gi--" natigil ang aking sasabihin ng bigla akong tawagin ni Inay.

"Anak bumaba ka na diyan dahil nakapaghanda na ako ng pagkain natin!" pasigaw na sambit ni Inay.

"Sige po Inay pababa na po ako!"sambit ko kay Inay. At agad kong tinakpan at inilagay ang pulang box sa ilalim ng kama ko sinigurado ko munang hindi ito makikita nila Inay o Itay man.

Nagbihis na ako ng damit at pumanhik papunta sa lamesa, naabutan kong nakaupo na si Inay at nilalagyan ng kanin ang aking plato.

"Oh anak maupo kana, ayos ka lang ba anak parang napapansin ko kanina ka pa namumutla, may masakit ba sayo o masama ba pakiramdam mo nak?" nagaalalang tanong ni Inay sa akin at lumapit sa akin upang hipuin ang aking noo kong may lagnat ba ako.

Di ko napigilan ang damdamin ko kaya yumakap ako sa bewang ni Inay at naiyak habang nakasubsob ang mukha ko sa tiyan ni Inay, pakiramdam ko sobrang ligtas ako.

"Oh anak bakit ka umiiyak? may problema ka ba anak? pwede mo kausapin si Inay makikinig ako anak. Wag mo sarilinin iyan anak nandito kami palagi ni Itay mo para makinig at tulungan ka sa lahat."Mahabang lintaya ni Inay kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap ko kay Inay parang ayaw ko na bumitaw.

"Wala ito Inay sobrang nagiging emosyonal lang talaga ako. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa Diyos at sobrang saya ko lang po dahil kayo ang naging magulang ko di ko po alam ang gagawin ko kapag wala kayo ni Itay sa tabi ko. Kayo lang po ang nagbibigay ng lakas sa akin. Kaya pangako ko po Inay na gagawin ko din po ang lahat para sa inyo ni Itay." wika ko kay Inay habang umiiyak.

"Anak di kita pipilitin na sabihin mo sa akin. At bilang magulang ramdam ko na may mabigat kang dinadala dahil dugo't laman kita anak at kung sino man ang mas nakaka-kilala sayo ay ako yun anak. Kapag may problema ka anak di ako manhid para di yun maramdaman ngunit hinihintay lamang kita na ikaw mismo ang magsabi sa akin sa kadahilanan na ayaw kita pangunahan sa mga desisyon mo. May tiwala ako sayo anak. Kaya bilang magulang mo nandito lang ako para makinig at tumulong hanggang sa makakaya namin ng Itay mo." mahabang pagpapaliwanag ni Inay, parang gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinasabi ni Inay.

"Maraming salamat po Inay. Wag ka po magalala talagang ayos lang po ako. Tara na nga po Inay kumain na tayo, tama na po ang kadramahan ko." wika ko kay Inay habang pinupunasan ang mga luha ko. Tumayo ako saka niyakap at hinalikan si Inay sa pisngi at ganun din ang ginawa niya sa akin. Sobrang sarap sa pakiramdam na may magulang kang handang damayan ka sa lahat.

" Basta lagi mong tatandaan anak na nandito lang kami ni Itay mo para sayo at mahal na mahal ka namin higit pa sa buhay namin. O siya tara kain na tayo pinapaiyak mo ako anak eh." napangiti nalang kami ni Inay. Parang medyo nabawasan ang pangamba at takot ko, iba talaga magcomfort ang mga Nanay.

Nagumpisa na kami kumain ni Inay habang nagkwekwentuhan ng mga masasayang nakaraan at mga pinag-gagagawa ko noong bata pa ako.

"Naalala ko nga anak sa sobrang kakulitan mo dati talon ka ng talon tapos bigla kang nalaglag sa kanal kasi di mo at hindi ko din napansin na malapit ka sa kanal." natatawang wika ni Inay, kaloka si Inay sa dami ng ikukwento yung nalaglag pa talaga ako sa kanal.

"Nay naman kaloka ka sa dinami-dami pa ng sasabihin mo yan pa pong nalaglag ako sa kanal." nakasimangot na sambit ko ngunit si Inay tawa lang ng tawa.

"Tayo-tayo lang naman anak eh saka may isa pa akong naalala na nakakatawang nangyari sayo anak, yung umakyat ka sa puno pero di naman ganun kataas tapos tumalon ka, pagkatalon mo sumabit short mo kaya pagbagsak mo yung short mo naging palda na, nakita pa nga mickey mouse mo na brief nak eh." tumatawang wika ni Inay kaya napatawa nalang tuloy ako, jusko naman to si Inay pati brief ko sinabi pa.

"Inay naman nakakaloka mga kwento mo porket wala akong alam sa mga pinag-gagagawa mo noong bata ka pa po ginaganyan mo po ako." nakasimangot kong wika kay Inay na ngayon ay tawang-tawa sa itsura ko.

"Naku anak tigilan mo nga ang ganyang itsura mo, kasi nagmumukha kang Chinese na nalugi sa katinko business." natawa nalang kaming dalawa ni Inay sa mga sinasabi namin.

"Ahy nga pala Inay nasaan na yung dala kong pagkain kanina yung nasa paper bag?" tanong ko kay Inay.

"Ah inilagay ko muna sa refrigerator nak, bakit nak gusto mo kuhanin ko?" Sagot ni Inay sakin.

"Mamaya nalang po Inay." wika ko naman kay Inay.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagpresenta upang maghugas ng plato syempre si Inay na nga ang nagluto siya pa ang maghuhugas nakakahiya naman, baka mamaya magliparan ang plato namin, biro lang hindi naman ganun si Inay.

Natapos na ako naghugas ng plato kaya pumanhik na ako sa sala at naabutan ko si Inay na nanonood ng telebisyon, kaya nagpaalam na muna ako na magpapahinga muna ako sa kwarto ko.

"Inay magpapahinga lamang po ako sa kwarto ko." wika ko kay Inay habang ang mata niya ay nasa telebisyon pero maya-maya tumingin siya sakin.

"Sige anak magpahinga ka muna mukhang kailangan mo yan, basta nandito lang si Inay ha, magsabi ka lang." kaya lumapit ako at humalik sa pisngi ni Inay ganun din ang ginawa niya sakin. Pumanhik na ako sa kwarto ko at pagkasara ko ng pinto ay naglakad ako patungo sa kama, binagsak ko ang katawan ko sa kama, hanggang ngayon tumitindi ng tumitindi ang aking pangamba para sa pamilya ko at sa ibang tao dahil mismong ako ay walang karapatan sa sarili ko. Kaya siguro kailangan ko ng umiwas sa ibang tao lalo na sa mga lalaki pero di naman maiiwasan iyon.

Naalala ko nanaman ang laman at ang sulat na nabasa ko na nanggaling sa loob ng pulang box. Dahil ito ay may lamang manika na kamukha ko, hubo't hubad, nakatali ang kamay at paa, may mga aparatong nakalagay sa ibat-ibang parte ng katawan nito. At ang malala pa ay may malaking bagay na nakapasok sa butas niya na malaking bagay parang hugis ari ng lalaki at sa ari naman ng manika ay parang may manipis na bagay na nakapasok o nakatusok doon.

Syempre sino ba naman ang hindi matatakot na kamukha mo ang manika tapos ganun ang kalagayan ng manika papano pa kaya kapag ako na yun jusko sana hindi naman. Isa pang nagpakaba sa akin ay ang nakalagay sa sulat.

"Subukan mo pa akong mas galitin pa Aiden Azrael at ikaw na ang papalit sa manika na yan. Be careful my bunny, one wrong move and you're dead."
-BB.

Talagang walang balak tumigil ang taong ito na takutin at pagbantaan ako. Kaya sa lalim ng pag-iisip tapos sobrang pagod ng isip at katawan ko hindi ko na namalayan na nilamon na ako ng antok.

______________________________________
Hello po mga kaungol pasensiya na kayo kung sabaw ang aking update po. Sana po magustuhan niyo parin po. Maraming salamat po pala sa mga votes at follow niyo po sakin. Keep safe and stay healthy everyone.

📍Plagiarism is a crime
Please follow and vote💕
@Jayjaymoan😻

El Monstruo [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon