CHAPTER 6

885 82 56
                                    

Aiden Azrael

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aiden Azrael

"Tama po ba ang naririnig ko saka pano po ako ----." naputol ang sasabihin ko ng biglang nagsalita ang babae sa kabilang linya.

"Yes po Sir Aiden tama po ang naririnig niyo na you're already hired at yes di ka po nagapply but yung isang company na inapplayan niyo ang nagtransfer ng iyong application form dahil we have an urgent hiring of secretary." paliwanag ng babae sa kabilang linya.

"Ah ganun po ba, maraming salamat po dahil kailangan na kailangan ko po talaga ng trabaho. Ahm Ma'am kailan po pala ako magsisimula?" pagpapasalamat ko at tanong ko sa kanya. Grabe di ko expect na mapapansin nila ang application ko sobrang hirap pa naman maghanap ng trabaho. Kaya di ko sasayangin tong pagkakataon na ito para sa pamilya ko.

"Pwede kana daw po magsimula sa Lunes Sir Aiden. At isesend ko nalang po sa iyo ang mga info na dapat mong malaman po. Maraming salamat po at have a blessed day po sa iyo." sagot ng sa kabilang linya at nagpaalam na.

"Ahm Ma'am wait lang po, pwede po ba sa text mo nalang po ipadala ang mga information na kailangan ko po malaman kasi po keypad lang po cellphone ko eh if ayos lang po sana Ma'am." pagpigil ko dahil babaan na sana ako ng tawag.

"Ah no worries Sir Aiden ako na po ang bahala at wala pong problema. Mayron ka pa po bang request Sir?"
Sagot at tanong ng babae sa kabilang linya.

"Ahm wala na po Ma'am maraming maraming salamat po talaga at have a good day din po sa iyo Ma'am." pagpapaalam at pagpapasalamat ko sa kanya.

"Have a good day too Sir Aiden! Bye po." paalam ng kabilang linya at namatay na ang tawag. Kaya napatingin akong naluluha kila Inay at Itay na nakatingin din sa akin. Bigla ko silang niyakap dalawa.

"Nay! Tay! magandang balita po natanggap na po ako sa trabaho at makakatulong na po ako sa inyo. Promise ko po gagalingan ko po at di ko sasayangin tong chance na ito po para maging magaan na din ang buhay po ninyong dalawa. Para po sa inyo ito Inay at Itay." naluluha kong lintaya sa kanila habang yakap-yakap din nila akong dalawa at hinalikan ang aking ulo.

"Naku wag mo isipin yan anak, madami ka ng naitutulong sa amin, nakikita ka lang namin na lumaking mabuting anak ay sobra laking bagay na sa amin yun anak at tatandaan mo anak na hindi kami humihingi ng kapalit sa lahat ng ginagagawa at ginawa namin para sayo dahil kami bilang magulang hindi matatapos ang responsibilidad namin sayo hangga't kami ay nabubuhay. Ikaw ang nagbigay ng kulay sa mundo namin ng Itay mo, ikaw ang buhay namin anak at kaya namin gawin lahat para lamang sayo dahil anak ka namin, mahal ka namin sa kahit anong sitwasyon ikaw at ikaw lang ang pipiliin namin kaysa sa buhay namin dahil kung wala ka walang saysay ang buhay namin ng Itay mo." madamdaming paliwanag ni Inay sa akin habang hinahalikan ang ulo ko kaya mas lalo pa akong yumakap sa kanila, sobrang swerte ko dahil sila ang naging magulang ko at lagi ko din silang pipiliin kaysa sa sarili ko dahil kung wala sila wala din ako. Magulang ko ang lakas at kahinaan ko.

"Tama ang lahat ng sinabi ng Inay mo anak kaya wag mo isipin ang ganyan dahil kung ano lang ang kaya mong ibigay sa amin ay sapat na at kahit wala kang maibigay sa amin ay walang problema dahil ikaw lang sapat na para sa amin, ang makita kang lumaking mabuting bata ay sobrang sapat na para maging masaya kami ng Inay mo." sambit naman ni Itay.

"Maraming salamat po Inay at Itay basta lahat po ng ginagawa ko ay para sa ating lahat dahil hindi naman po kayo bumabata kaya syempre kailangan po natin na makapagipon- ipon para sa future po natin." wika ko sabay halik sa kanilang dalawa at ganun din ang kanilang ginawa.

"Ahm anak ano nga pala pangalan ng kompanya na pagtra-trabahuhan mo?" tanong ni Inay.

Kaya kinuha ko ulit ang phone ko kung may sinend na ba sa akin ng information na need ko malaman. At ayun nga mayron na kaagad siguro sinend kaagad nung babae habang nagdradramahan kami nila Inay at Itay.

"Ang nakalagay po dito sa sinend po sakin ay magiging secretary of the CEO po ako pero wala naman nakalagay na pangalan ng CEO po nila kaloka naman neto, sana naman po mabait tong CEO na ito po, at sa lunes pwede na daw po ako magstart, ang name ng kompanya po ay A. B. Company."Sambit ko sa mga information na nakalagay pero nakanote na sa Lunes ay mayroon daw magaassist sa akin.

"Ahm di ka ba mahihirapan diyan anak?" tanong ni Itay sa akin.

"Naku Itay wag ka po mag-alala kayang-kaya ko po ito saka sayang din po ito, oppurtunity na po ang lumalapit aayaw pa po ba ako." nakangiti kong sabi sa kanila dahil alam ko naman na nagaalala sila sa akin.

"Basta anak alam mo ang sitwasyon mo kaya dapat magiingat ka at iwas-iwas ka din para sayo din itong sinasabi namin anak." pagpapa-alala ni Inay sa akin.

"Nay! Tay! wag po kayong magalala dahil di ko po kinakalimutan ang lahat ng paalala niyo sa akin lagi po iyang nakatatak sa utak ko po." nakangiti kong wika sa kanila sabay yakap upang pagaanin ang loob nila na talagang ayos lang ako at iingatan ko ang sarili ko.

"Sige anak basta kapag may di magandang ginawa sayo doon kahit sino pa yan sabihan mo lang ako iitakin ko talaga ang ulo." nakangiting sambit ni Itay kaya napatawa nalang kaming tatlo.

Pagkatapos ng aming kwentuhan ay napagpasyahan ni Inay na magluto ng pansit para daw may kaunting celebration para sa pagka-hired ko, sabado ngayon kaya wala kaming masyadong ginawa kundi nag-bonding lang. Kahit na simpleng pamumuhay lang, di mayaman sa materyal na bagay o pera pero sobrang yaman naman namin sa pagmamahal na kahit sino ay di makakanakaw.

At ang bilis ng oras at gabi na nga kaya ako ay narito na sa aking kwarto dahil katapos lang namin kumain at sabi ni Inay siya na daw ang maghuhugas at magpahinga na daw ako, kaya katapos ko lang maglinis ng katawan at habang naghahanap ako ng pajama na susuotin ko bigla na lamang tumunog ang phone ko. Nagmadali akong nagbihis baka kasi importanteng mensage iyon galing sa kompanya na pagtratrabahuhan ko.

Pagkatapos ko nagbihis at nagsuklay ng buhok ay naupo na ako sa kama at kinuha ang phone ko para tignan kung sino ang nagtext ngunit parang bigla nanamang bumalik ang kaba sa aking dibdib dahil sa aking nabasa.

"I can't wait to ravish that f*cking lips of yours, see you very soon my little and beautiful bunny."
-BB.

Di ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Talagang ayaw niya akong tigilan. Baliw ba talaga ang isang ito at sa dami-dami ng babae ako pang bakla ang napagtripan niya.
Humiga na ako hanggang sa nilamon na ako ng antok. Siguro magsasawa din yan bulong ko sa isip ko bago ako lamunin ng kadiliman.

______________________________________
Hello po mga kaungol pasensiya na po at ngayon lang ako nakapagupdate. Sana po magustuhan niyo po at maraming salamat po sa nagfofollow at nagvovote sa aking story. Keep safe po sa inyong lahat.

📍Plagiarism is a crime
Please follow and vote💕
@Jayjaymoan😻

El Monstruo [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon