Aiden Azrael
"Tatawagan ka nalang po namin Mr. Azrael." yan ang paulit-ulit kong naririnig sa bawat kompanyang aking ina-applayan at pakiramdam ko parang may mali kasi tuwing binabasa nila ang application form ko bigla-bigla nalang may tumatawag at bigla nalang nababalisa ang nagaassist sakin, di ko alam baka napa-paranoid lang talaga ako.
Ako ngayon ay naglalakad-lakad nanaman upang humanap muli ng mapag-aapplayan, tinignan ko ang oras sa keypad ko na cellphone at magaalas dose na pala kaya nagkakagulo na ang mga bulate ko sa tiyan. Kaya naghanap muna ako ng makakainan na karenderya kasi kakaunti lamang ang pera ko.
At dahil di ako nakatingin sa harapan ko bigla na lamang ako nabunggo sa isang poste kaya napaupo ako "Aray! sakit naman nun, bakit kasi may malaking pos--." di ko na natuloy ang sasabihin ko ng may naglahad ng kamay sa harapan ko.
"Mukha ba akong poste and sorry di kita napansin, come on take my hand I will help you." napaangat ang tingin ko at jusko nakakasilaw ang kagwapohan, di ako kaagad nakareact natulala ako parang may bumabang Anghel mula sa langit.
"Tititigan mo na lamang ba ako? hmm." nagising ako pagiisip ko kaya agad kong inabot ang nakalahad niyang kamay at napayuko, grabe nakakahiya parang ang harot ko namang bakla neto.
"Ahmm sorry po kasi di ako nakatingin sa dinadaanan ko saka di po kita tinitignan yung langit po yun, ngayon ko lang po narealize na ang gwapo ay este ang ganda po ng panahon, sorry po ulit." namumulang sambit at pagda-dahilan ko sa aking kaharap na parang tuwang-tuwa pa sa nakikita niya sakin.
"It's okay and btw are you fine did your butt hurt?" may pag-aalalang tanong niya sakin.
"Ayos lang po ako di naman po ganun kalakas ang pagkabagsak ko kaya don't worry po I'm fine." nakangiting sambit ko habang natingin sa kanya para ipahiwatig na ayos lang talaga ako pero ang totoo medyo masakit parin.
"Okay sabi mo eh, ayaw mo ba dalhin kita sa doctor para makasigurado tayo?" lintaya niya.
"Naku wag na po ayos na po talaga ako promise po." nakangiti at parang batang nakataas pa ang kanang kamay.
Kaya natawa lamang siya sa itsura ko, napasimangot naman ako hmmp tinatawanan niya ako kung hindi lang siya gwapo ewan ko nalang.
"Okay okay sabi mo eh para kang bata diyan and btw parang may hinahanap ka kaya di ka nakatingin sa dinadaanan mo." nakangiting wika niya kaya kitang-kita ko ang pang artistahing ngipin niya parang endorser ng colgate.
"Grabe ka naman po sa bata 20 years old na po ako di na po ako bata, saka opo naghahanap po sana ako ng karenderya na makakainan eh kasi nagugutom na po ako eh." nahihiyang sabi ko sa kanya kaya napangiti na lamang siya sa itsura ko, aba'y loko to mukha ba akong clown at tawa siya ng tawa o baka may saltik ang isang ito naku po gwapo nga baliw naman talagang walang perpekto sa mundo.
"Ah ganun ba, so if you don't mind can I join you and don't worry my treat para makabawi din ako sa pagkabangga ko sayo ang laki ko kasing poste eh." parang nahihiyang sambit niya habang nagkakamot ng batok niya, kaya dahil sa medyo mabait naman ako kaya pumayag na lamang ako pero jusko mukhang yayamanin to baka di ito kumakain sa karenderya.
"Ahmm sige ikaw po ang bahala basta sabi mo po treat mo ah." pagpayag ko habang nakangiti kaya napangiti na lamang din siya.
"Sure! ahmm what's your name little cutie?" tanong niya kaya namula naman ako sa sinabi niya.
"My name is Aiden Azrael not little cutie saka malaki na po ako." nahihiyang pagpapakilala ko.
"Oww such a beautiful name and btw I'am Connor Constance, nice meeting you Aiden." sabay lahad ng kanyang kamay kaya tinanggap ko ito at nakipag-shake hands kay Connor.
"Nice meeting you too po Connor saka di po ako maganda lalaki po ako, correction gay po ako." nakayukong pagpapaliwanag ko baka mamaya homophobic siya at magalit sakin, dahan-dahan akong nag- angat ng tingin at nakita kong walang pandidiri o nagbago man sa ekspresyon niya parang alam niya na una palang na bakla ako.
"Come on Aiden wag ka yumuko diyan I know na you're gay at alam ko din na kakaiba ka sa mga baklang nandiyan sa tabi-tabi, sobrang special mo, kahit bakla ka wala akong pakialam at I'm not homophobic kung yan ang iniisip mo." mahabang lintaya niya at mas lalo siyang kuminang sa paningin ko dahil sa mga sinabi niya.
"Halika na Cute Aiden nagugutom na din ako." saka niya hinawakan ang kamay ko at hinila papunta kung saang kainan kami kakain di na ako nakapalag pa, ngunit habang naglalakad kami bigla akong nakaramdam ng sobrang kaba yung pakiramdam na may taong nagbabanta sayo na tigilan mo ang ginagawa ko parang ganun ang nararamdaman ko ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang ito.
At maya-maya ay pumasok kami sa isang mamahaling kainan jusko wala pa naman ako pambayad kapag nagkataon na iwana ako ni Connor dito.
"Ahmm Connor di po ba masyadong mahal ang pagkain dito wala ako pambayad pang-karenderya lang ang dala kong pera ehh." pabulong na sambit ko kay Connor sabay hatak koo ng kamay ko sa pagkakahawak niya dahil pinatitinginan kami ng mga tao.
"Don't ya worry cute Aiden sagot kita, kaya hanap muna tayo ng mauupuan para makapag order na tayo ng ating kakainin." Napatango na lamang ako at sumunod sa likuran niya.
Nang makahanap na kami ng ma-uupuan ay naupo at tinawag na ni Connor ang waiter, maya-maya pa ay may lumapit na waiter at binigay ang kanilang Menu grabe mga bakla nakakaloka butas bulsa ko sa mga presyo nila kaya di ako makapili.
"One Greek Tzatziki Pasta Salad and Mango Lassi, Ahmm Aiden ano nakapili kana ba? wag mo pansinin ang presyo treat ko ito sayo." napatingin naman ako sa kanya. Napaka-galante naman neto manlibre.
"Ah kung ano ang inorder mo yun nalang din ang akin." nakangiti kong sabi sa kanya at tumingin naman siya sa waiter na kanina pa kinikilig sa kanya sabagay gwapo nga naman talaga tong isang to kaya ano pa ba ang ipagtataka ko.
"Dalawang order ng Greek Tzatziki Pasta Salad and Mango Lassi." sabi niya sa waiter at tumingin sa akin.
"Wala ka na bang gustong idagdag Aiden, pili ka pa." Tanong ni Connor sa akin."Naku Connor tama na po yun baka mamulubi ka pa ako pa ang magkakasalanan wala pa naman akong pambayad." Natatawag lintaya ko sa kanya na ikinatawa niya na lamang din, nagpaalam na ang waiter upang maisaayos na ang order namin kaya nagpasalamat na lamang kami at naghintay.
At habang naghihintay ay nakwe-kwentuhan kami ng mga bagay-bagay nang biglang nagvibrate ng nagvibrate ang aking cellphone
kaya dinukot ko ito sa aking bulsa sa pagaakalang ang mga magulang ko ito ngunit nilukob ako ng kaba at takot sa aking mga nababasa sa text, mukhang galit na galit ang taong ito parang gusto niya na akong kainin ng buhay.099*******4
" Diba binalaan kita na wag na wag kang makikipaglandian kahit kanino, talagang ginagalit mo ako Aiden Azrael unting-unti nalang, ready yourself at kapag nahawakan kita sisiguraduhin kong kahit dila mo ay di ko papalagpasin. Wag mong ubusin ang natitira ko pang pasensiya di ako nagpapatawad. Layuan mo ang lalaking yan o baka gusto mo makita kung papano ako magparusa ng mga hindi sumusunod sa akin."
-BB.Agad kong tinago ang cellphone ko sa bulsa ko at tumingin sa paligid ko sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko. Ano ba ang gusto ng taong nagtetext na ito hindi ko naman siya kilala.
______________________________________
Hello po mga kaungol maraming salamat po sa inyong mga suporta at sa mga magagandang feedback na nababasa ko po super appreciate ko po dahil kung wala po kayo ay useless po itong aking ginagawang akda. Maraming salamat po.❤📍Plagiarism is a crime
Please follow and vote💕
@Jayjaymoan😻
BINABASA MO ANG
El Monstruo [BxB]
Fiksi RemajaEl Monstruo: On-going| Rated 18 | Bl | Mpreg "Ang akin ay akin lang, walang kahit sino mang magmamay-ari sayo maliban sa akin." -Braxton Barrette🍁 @Jayjaymoan😻