CHAPTER 21

697 49 28
                                    

Aiden Azrael

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aiden Azrael

HINDI niya ako namalayan dahil kausap niya sila Inay, walang tigil ang bawat patak ng aking luha. Walang mapagsidlan ang aking kagalakan dahil sa taong nasa aking harapan. Napatakip na lamang ako ng aking bibig upang di marinig ang mga hikbi na lumalabas sa aking mga labi.

Humarap ito sa akin kaya dinamba ko ito kaagad ng yakap. "Bestie ayos ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ni Braxton?" tanong ko kay Dariel pero tanging iling lamang ang kaniyang sinagot.

Naramdaman ko ang higpit ng yakap niya sa akin at ramdam ko ang pagyugyog ng kaniyang mga balikat, umiiyak siya kaya niyakap ko din siya ng mahigpit saka ko hinimas-himas ang kaniyang likuran.

Tumahan na siya kaya iniangat ko ang kaniyang mukha upang mapagmasdan siya saka pinunasan ang kaniyang mga luha at kita ko ang namamaga niyang mata, mukhang puyat din siya't medyo nanghihina.

"Kamusta ka Bestie maayos ka lang ba dito, inaalagaan ba kayo ng nagbabantay sa inyo." tanong niya sa akin.

Hindi ko sinagot ang tanong niya bagkus ay tinanong ko din siya. "Ikaw ang nagligtas at tumulong sa amin?" tanong ko sa kaniya kaya yumuko siya saka tumango.

"H-humingi ako ng t-tulong kay Connor Bestie." sagot niya sa akin.

Ang ipinagtataka ko ay bakit naman ako tutulungan ni Connor eh kaibigan niya si Braxton dapat yung kaibigan niya ang tinutulungan niya para mahanap at makuha ako.

"Kasi Bestie nung nalaman ni Braxton na nakatakas ka nagwala siya doon sa Restaurant halos lahat ng gamit sa loob ay winasak niya, at kahit subukan nila siya pigilan parang wala siyang nararamdaman, halos mawasak ang mukha nang mga pumigil sa kaniya, hindi siya tao Bestie pag nagagalit siya." pagkukwento ni Dariel sa akin kaya pinaupo ko muna siya sa sofa saka tumabi sa kaniya.

"Sinakal niya ako noong naabutan niya ako sa banyo't hindi ka kasama pero dumating si Connor kaya pinakawalan niya ako pero pinagbantaan niya ako na papatayin niya ako kapag hindi ka niya nakita." pagpapatuloy na kwento niya. Napatakip ako ng aking bibig dahil sa sinabi niya.

"P-patawad Bestie nailagay ka sa ganyang s-sitwasiyon, napahamak ka dahil sa akin." sambit ko habang umiiyak at nakahawak sa kamay niya.

"Kaibigan kita kaya pinapahalagahan kita Bestie, halos buong buhay ko hindi ako nagkaroon ng kaibigan na katulad mo Aiden." humi-hikbing wika niya. Kaya niyakap ko siyang muli.

"Maraming salamat dahil nandiyan ka Bestie, kung wala ka baka ngayon ay hawak na ako ni Braxton." lintaya ko habang yakap-yakap ko parin siya.

"Natakot na kasi ako Bestie noong pagkatapos niya nagwala ay nanlilisik ang mga mata niya, tinawagan niya din ang mga tauhan niya para hanapin ka at kunin ang mga magulang mo, sinabihan niya din si Connor na tulungan siya at dahil kaibigan niya iyon ay pumayag si Connor." patuloy na kwento niya sa akin, tahimik lamang akong nakikinig habang pinupunasan ang kaniyang mga luha.

"Wala na akong choice Bestie kaya pagka-alis ni Braxton sa Restaurant upang hanapin ka ay nagmaka-awa ako kay Connor sa una ay ayaw niya dahil matalik na kaibigan niya si Braxton pero kalaunan nagbago din ang isip niya pero--" pagkukwento niya pero kita kong nanghihina na siya at di niya na natuloy ang sasabihin niya.

"Bestie ano nangyayari sayo, Bestie!" pagyugyog ko't sabay tapik sa kaniyang pisngi pero wala na bigla na lamang siyang bumagsak sa balikat ko, kaya napasigaw ako upang tawagin sila.

"Inay! Itay! Kuya Rico! tulong nahimatay si Dariel." sigaw ko dahil nasa kusina sila, iniwan nila kami kanina upang makapagusap kami ng maayos.

Nagmamadali silang lahat na lumapit sa akin, binuhat siya ni Kuya Rico upang dalhin na muna sa aking kwarto, inilapag niya si Dariel sa kama.

Hinawi ko ang buhok na humaharang sa mukha niya kaya kita ko buong mukha niya pero mahahalata mo ang sobrang pagod. Hinimas ko ang kaniyang noo at may nabigla ako dahil may sinat siya.

"May sinat siya, Inay makikisuyo sana ako na pakikuhaan naman po ako ng planggana na may tubig upang mapunasan ko siya." wika ko, kaya tumalima naman si Inay upang kumuha.

"Anak ano ang maitutulong namin ni Rico?" tanong naman ni Itay sa akin.

"Wala na po, ako na po ang bahala kay Dariel mayroon naman pong gamot sa lagayan ko, magpatuloy na lamang po kayo sa pagkain, tatawagin ko na lamang po kayo pag-kailangan ko ng tulong." sambit ko kaya tumango na lamang sila saka sabay lumabas.

"Anak ito na ang planggana na may tubig saka ito pampunas mo, jusko ano ba nangyari sa batang iyan, kanina ko pa napapansin na nanghihina siya." lintaya ni Inay habang pinagmamasdan si Dariel.

"Kaya nga po Inay eh, ako na lamang bahala sa kaniya Inay, tatawagin ko na lamang kayo kapag kailangan ko ng tulong." sambit ko kay Inay kaya tinapik na lamang niya ang aking balikat sabay lakad palabas ng kwarto.

Nabalik ang tingin ko kay Dariel. Lumapit ako sa kaniya upang tanggalin ang kaniyang damit upang mapunas ko siya ng maayos. Wala naman problema sakin  kahit amkita ko ang katawan niya dahil kung anong meron siya ay mayroon din ako.

Ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti si Dariel mukha pala talaga siyang babae pero pansin ko din ang pamamaga at sugat sa labi niya, anong nangyari sa kaniya, may hindi ba siya sinasabi sa akin, tanong ko sa aking isipan.

Pagkahubad ko ng damit niya ay tumambad sa akin ang napakaraming marka sa kanyang katawan, hindi ako pwedeng magkamali ang mga nakikita ko ay mga hickey at kagat ng ngipin ng isang tao. Naawa ako sa kalagayan ng kaibigan ko, hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko, sino ang may gawa sa kaniya nito.

Tinuloy ko ang pagpunas sa katawan niya at hanggang sa mga hita niya ay may mga marka, hindi ko mapigilang maiyak habang pinagmamasdan ang kabuuhan niya. Mga sariwa pa ang ibang marka.

"Bestie ano ba nangyari sayo? Akala ko ba ayos ka lang." umiiyak na wika ko kahit na alam ko na hindi siya iyon masasagit dahil sa sitwasiyon niya ngayon, sobrang nakakaawa siya.

Pagkatapos ko siyang punasan ay kumuha ako ng pwedeng ipam-palit sa kaniya na magiging komportable siya. Kumuha din ako ng pulbo upang maging mas maginhawa ang pagpapahinga niya dahil halatang di siya nakakatulog ng maayos at hindi ko alam kong ano ba ang tunay na nagyari sa kaniya pero malalaman ko din iyan paggising niya.

"Sana mali ang iniisip ko Dariel sa kung sino ang may gawa sayo niyan. Hindi ako magdadalawang isip na harapin siya." sambit ko habang nakaupo sa tabi niya't hawak ang kaniyang kamay, naramdaman ko ang ilang butil ng luha na kumawala sa aking mga mata.

Inihiga ko ang aking ulo sa kamay ni Dariel (Bestie), ayaw ko siyang iwan sa kalagayan niya ngayon, alam kong may kinalaman ang pagtulong niya sa amin sa sinapit niya ngayon.

Hindi niya dapat nararanasan ito kung hindi niya lang ako tinulungan, sana tahimik ang buhay niya, sana hindi siya makakaranas ng ganitong pang-aabuso.

"Patawarin mo ako Bestie, patawad." lumuluhang wika ko. Hanggang sa lamunin na lamang ako ng antok dahil sa kakaiyak ko. "Patawad." huling bulong ko.

______________________________________
Hello mga kaungol😊Kamusta po kayo? Sana ayos lang po kayong lahat. Sana po magustuhan niyo po itong chapter na ito. Maraming salamat po. Enjoy reading po mga kaungol.

📍Plagiarism is a crime
Please vote and follow💕
@Jayjaymoan😻

El Monstruo [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon