CHAPTER 28

683 55 11
                                    

Aiden Azrael

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aiden Azrael

NAGISING ang diwa ko nang may nahihimigan akong dalawang taong nagsasalita sa malapit sa akin at sa tingin ko ay ako ang kanilang pinaguusapan kaya marahan kong minulat ang aking mga mata.

"How is he?" tanong ng pamilyar na baritonong boses.

"Ayos naman na po siya Mr. Barrette kailangan niya na lamang ng tamang pahinga and please be gentle next time if you did that thing Mr.Barrette." wika ng taong kausap pala ni Braxton at nang umayos ang aking paningin ay natanaw ko ang isang naka-bihis Doctor. Kausap ang matipunong halimaw na ngayon ay natuon na ang atensiyon na sa akin.

"I understand, you can go now." wika ni Braxton sa Doctor.

Tumango ang Doctor tapos balingan ng ako tingin at kita ko ang awa sa kaniyang mga mata kaya ngumiti ako saka nagpasalamat.

"S-salamat po Doc." mahinang sambit ko pero sapat na upang marinig niya.

"Magpahinga ka lang Mr. Aiden para makabawi ka ng lakas, mauuna na ako." wika ng Doctor saka yumuko at lumabas ng kwarto.

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid ngunit nabasag ito nang biglang nagsalita si Braxton.

"What do you want to eat? Dalawang araw kang tulog you need to eat para makabawi ka." bigkas niya na nagpagulat sa akin grabe naman dalawang araw na pala akong tulog.

"A-ahmm kahit ano nalang." mahinang sagot ko sa kaniya kaya nagsalubong ang makakapal niyang mga kilay.

"Sa tingin mo may ganung pagkain ba na kahit ano ang panagalan mi conejito." naiinis na sabi niya, pinaglihi talaga ata to sa sama ng loob ang bilis mainis.

Saka sa mga ginawa niya sa akin hindi manlang siya humungi ng tawad, masasabi ko talagang ito ang taong walang pakiramdam at puso. Tapos ngayon siya pa ang may gana na mainis samantalang kung di niya ginawa ang ganung bagay sa akin eh di sana hindi ako nakaratay dito.

"Ang ibig ko na sabihin ay kung ano man ang meron diyan ay yun nalang." paliwanag ko sa kaniya, ang laki-laking tao ang liit ng utak para umintindi.

"Sige magluluto muna ako, magpahinga ka na lamang diyan." sagot niya, lalakad na sana siya papalabas ng pigilan ko siya.

Nakakahiya naman kasi baka maging utang na loob ko nanaman sa kaniya ito kaya tutulong nalang ako. Hindi naman na sobrang masakit ang katawan at pang-upo ko kaya ayos lang na kumilos-kilos na ako.

"Tutulong nalang ako." wika ko sabay upo ng dahan-dahan.

"You don't need to help me, I can do it by myself." bigkas niya pero di ko siya pinakinggan at tumayo na ako upang makababa na kami.

"I said I don't need you help!" sigaw niya kaya napa-atras ako sa takot.

Ngunit nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang makita akong takot na takot nanaman at nagbabadyang bumagsak ang mga luha. Huminga ito ng malalim at saka pumikit parang pinapakalma niya ang sarili niya.

"Okay come here, I'll help you to walk going downstairs but I'm not saying that I'm allowing you to help me." mahinahon na sabi niya kaya tumango nalang ako saka yumuko at lumakad ako palapit sa kaniya kahit na kinakabahan ako.

Hinawakan niya ang bewang ko kaya magkaagapay kaming bumaba ng hagdan papunta sa kaniyang kusina. Mabagal lamang ang lakad namin.

Nakarating na kami sa kusina, pina-upo niya ako sa maalpit din sa kaniyang paglulutuan.

"Stay there don't make me mad, don't be a hard headed mi conejito." tila stress na sambit niya kaya medyo natawa ako kasi para siyang buntis na di nakain ang pagkain na gusto niya.

"Opo Sir Braxton." hindi ko alam pero yunang lumabas sa aking bibig dahil natawa ako sa itsura niya.

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa direksiyon ko. "What did you say?" tanong niya kaya umiling ako saka ngumiti ng alanganin.

"Sabi ko uupo lang ako dito at di magpapasaway." sambit ko sa kaniya na may kasamang alanganin na ngiti.

"That's good, I want to say that you look so damn sexy mi conejito." nakangisi niyang sabi kaya napababa ang tingin ko sa aking kasuotan. Namula naman ako jusko naka-malaking damit at brief lang pala ako. Hindi ko yun napansin grabe nakakahiya.

"Namumula ka what happen? may nararamdaman ka ba?" pahabol na tanong niya saka lumapit sa akit at sinapo ang aking noo. Oo may nararamdaman ako kahihiyan sabi ko sa isip ko.

"W-ala ayos l-lang ako, b-babalik muna a-ako sa kwarto m-magpapalit lang a-ako." nagkanda utal-utal na wika ko.

"No, you will not going to change your clothes." pagpigil niya aangal pa sana ako pero tinignan niya lamang ako nang nagbabanta kaya tumahimik na lamang ako.

Akala ko aalis na siya sa harapan ko pero nagulat ako nang bumaba ang ulo niya patungo sa may parte nang leeg ko at ramdam ko ang kaniyang hininga, saka ako pinatakan ng mumunting halik sa leeg kaya napaigtad ako ng kaunti.

Lumayo na siya at nagumpisa na siyang maghanda nang kaniyang mga gagamitin sa pagluluto. Hindi na ako kumibo at pinanood lamang ang bawat galaw niya.

Siguro kung ibang bakla o babae ang nasa kalagayan ko sure ako matutuwa sila dahil kahit di ko man sabihin ay talagang napakagwapo ni Braxton tapos mayaman pa, nasa kaniya na ang lahat ngunit hindi naman yun ang habol ko ang gusto ko ay totoong pagmamahal.

Sa ngayon wala na akong magagawa pa, nakuha niya na ang lahat ng meron ako. Ang tangi ko lang magagawa siguro ay sumunod sa kaniya. Baka papatakasin o itatapon niya din ako kapag nagsawa na siya sa akin. Parang biglang kumirot ang puso ko sa isiping iyon. Dapat maging masaya ako sa pagkakataon na iyon.

"Are you thinking of another man?" tanong niya na nakapagpabalik sa aking malalim na pag-iisip. Nangunot ang noo ko sa pinagsasabi netong lalaki na ito.

"Oo iniisip ko ang manliligaw ko, hindi kami natuloy sa date namin dahil sumingit ka at kinidnap mo ako." pagsisinungaling ko, alam ko nanaman magagalit ito, kung ano-ano kasi ang pinagsasabi nakaka-inis.

"Alam kong walang kahit sino ang magtatangka na manligaw sayo." nakangisi niyang sabi kaya mas nainis ako.

"Akala mo lang wala, I meet him in a dating app, lagi nga niya akong hina-halikan tapos pinakita niya pa nga yung---" hindi ko pa natatapos ang aking sabihin nang makita ko na nagpupuyos na siya sa galit. Asar talo talaga ito. Kinabahan tuloy ako sa itsura niya ngayon.

"Hindi yan totoo, at sa tingin mo makakapayag ako na makakita ka nang ibang hotdog, hindi." wika niya habang nakangisi na ngayon pero mahihimigan mo parin ang inis.

"Bastos ka, hindi hotdog ang lagi niyang pinapakita sa akin kundi pagmamahal niya." pambabara ko din sa kaniyang sinabi. Napaka-bastos talaga ng taong ito.

______________________________________
Nandito nanaman po si author. Kamusta po kayo mga kaungol. Sana po ay inyong magustuhan ang aking handog. Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa. Enjoy reading mga kaungol.

📍Plagiarism is a crime
Please vote and follow💕
@Jayjaymoan😻

El Monstruo [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon