CHAPTER 22

760 51 91
                                    

Aiden Azrael

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aiden Azrael

"Tama na ~hik~ hindi ko ~hik~ na kaya, parang awa ~hik~ mo na, tama na ~hik~." nagising ako dahil sa naririnig kong umiiyak si Dariel habang tulog kaya ginising ko siya.

"Bestie gising! Bestie nanaginip ka, gumising ka." wika ko habang tinatapik ng mahina ang kaniyang pisngi.

Dumilat ang kanyang mga mata tapos biglang tumayo at yumakap ng mahigpit sa akin. Humagulhol siya ng iyak, naawa ako sa kaniya. Nang medyo kumalma na siya ay bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin saka nagpunas ng kaniyang mga luha.

Nakayuko lamang siya at hindi tumitingin ng diretso sa akin. Nabalot lamang kami ng katahimikan kaya ako na mismo ang bumasag at tinanong siya.

"Sino may gawa sayo niyan? Ano ba talaga ang nangyari sayo? Huwag mo nang itago pa sa akin kaibigan mo ako diba. Dahil ba ito sa pagtulong mo sa akin kaya ka nagkaroon ng mga iyan?" sunod-sunod na tanong ko sabay tinuro ko ang kaniyang mga marka sa katawan. Hindi siya kaagad nakasagot tanging mga hikbi niya lamang ang aking naririnig.

"Si Connor ba ang gumawa sayo niyan?" tanong ko pang muli, dahan-dahan siyang tumango kaya napatayo ako. "Hay*p siya, parehas lang sila nang kaibigan niya." Maglalakad na sana ako nang bigla niya akong pigilan.

"S-saan ka p-pupunta Aiden?" tanong ni Dariel sa akin habang naka-hawak ang aking kamay.

"Haharapin ang taong may gawa niyan sayo Dariel, hindi niya dapat gawin iyan sayo." galit na wika ko pero ang luha ko ay tumutulo na.

"Huwag Bestie pabayaan mo na siya, wag mo siyang harapin pa, please Bestie." pagma-makaawa niya sa akin kaya nalahilamos nalang ako ng aking mukha.

"Pabayaan nahihibang ka na ba Dariel ha, gusto mo pabayaan kita na ganyan ang gagawin sayo, gusto mo pabayaan kitang mag-dusa samantalang niligtas mo kami." sambit ko kahit patuloy na nag-uunahan ang mga luha ko sa pagbagsak.

"Huwag na Bestie nagma-makaawa ako sayo, sasabihin ko lahat pero mangako ka na hindi mo siya haharapin Bestie." nagsusumamo na wika ni Dariel saka niya inilapit ang aking kamay sa kaniyang mukha.

"Sige nangangako ako na hindi ko siya haharapin pero di ko maipa-pangako sayo na hindi ako sasabog sa galit dahil sa ginawa niya sayo." sambit ko kaya tumango siya saka ako hinila paupo muli sa kina-uupuan ko kanina.

"Sige ngayon sabihin mo sa akin lahat, wala kang itatago, nagkakaintindihan ba tayo Bestie." wika kong muli kaya tumugon siya sa pamamagitan ng pagtango.

"Nagma-kaawa ako kay Connor na tulungan ka dahil sa takot ko na anong gawin sayo Braxton at sa mga magulang mo, sa una ay ayaw niya sa kadahilanang matalik na kaibigan niya si Braxton, ngunit nagbago ang isip niya tutulungan niya daw ikaw pero sa isang kondisyon." pagkukwento niya, ako ay tahimik lamang na nakikinig sa kaniya at ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin.

El Monstruo [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon