Aiden Azrael
KASALUKUYAN kaming kumakain ng hapunan dahil sa totoo lang hindi ko manlang naramdaman ang takbo ng oras. Ngunit hindi ko maiwasang magtaka sa kaunting pagbabago ni Braxton simula kanina. Hindi ko naman hawak ang isip niya para malaman ko kung ano ang balak niya o kung ano ang dahilan kung bakit siya naging maingat ngayon sa akin.
Pero sabagay lagi namang pabago-bago ang ugali ng isang ito, hindi ko alam kung ilang katauhan ba ang meron ang lalaking ito. Ngunit wala na akong balak na makita at malaman pa ang ibang katauhan niya dahil nasisiguro ko na ako lang din ang kawawa.
Tahimik lamang akong kumakain kaso nga lang kapag paubos na ang kinakain ko nilalagyan naman agad ni Braxton. Busog na busog na ako. Kung hindi ako nagkakamali pang-apat na lagay niya ito sa aking plato. Kaharap namin si Nay Soledad na tahimik ding kumakain at nakamasid saamin.
Tumingin ako kay Nay Soledad at saktong napagawi din ang kaniyang mga mata sa aking pwesto. Gusto ko magsabi kay Nay Sol na tulungan ako magsabi kay Braxton na busog na ako, natatakot ako na baka kapag ako ang magsasabi ay biglang mag-iba ang timpla ni Braxton, ang awra niya ngayon ay maihahalintulad mo sa isang karagatang tahimik at payapa. Ngunit mukhang malakas talaga ang pakiramadam/radar ni Nay Soledad at parang nakuha ni Nay Sol ang pinapahiwatig ng aking mga mata kaya napangiti siya saka bumaling ang tingin kay Braxton na abala sa paghihimay ng ulam na ilalagay nanaman niya sa aking plato.
Tama ang nababasa ninyo na hinihimayan niya ako ng ulam kahit hindi naman isda ang ulam namin, ang ulam namin ay adobo at mechado medyo malalaki ang hiwa ng mga karne pero ewan ko parang may sapi ang isang ito at naisipan na himayin pa ang mga iyon. Noong una tumutol ako sa ginagawa niya kaso tinignan niya ako ng matalim kaya heto wala akong magawa kundi ang sumang-ayon na lamang.
"Iho Braxton baka naman masobrahan na ang kain ni Aiden, tignan mo napapangiwi na sa sobrang busog." natatawang wika ni Nay Sol kaya napa-angat ang tingin ni Braxton saka tumingin sa akin na nakakunot ang mga noo na parang tinatanong kung busog na ba talaga ako.
"Ah-eh kasi ang dami ko na nakain Braxton, hindi ko na kaya pa ubusin iyang ibibigay mo." medyo utal na wika ko saka pilit na ngumiti.
"Why didn't you tell me right away, then you really should eat a lot so that you can gain weight, but I still want your body mi conejito, sexy." sabi niya gamit ang baritonong boses niya at parang biglang nag-init ang mga pisngi ko sa huling salitang sinabi niya ngunit pabulong. Sinipa ko ng mahina ang hita niya, nakakahiya siya baka mamaya nadinig iyon ni Nay Sol. Ngumisi lamang sa akin si Braxton, baliw talaga ang isang ito.
"Ahemm! Nadinig ko iyon mga apo, matanda lang ako pero hindi pa mahina pandinig ko mga iho." natatawang wika ni Nay Sol kaya mas lalo akong napayuko. Napatingin ako sa gawi ni Braxton nang madinig ko ang pagtawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
El Monstruo [BxB]
Novela JuvenilEl Monstruo: On-going| Rated 18 | Bl | Mpreg "Ang akin ay akin lang, walang kahit sino mang magmamay-ari sayo maliban sa akin." -Braxton Barrette🍁 @Jayjaymoan😻