Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Aiden Azrael
NAKAUWI na kami sa bahay/mansyon ni Braxton at kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa dito sa kaniyang sala. Kanina habang nasa byahe kami hindi matanggal ang kaniyang mga ngiti sa labi, halos mapunit na ang kaniyang bibig sa abot tenga niyang ngiti.
Hindi din niya ako binibitawan simula kanina, nakahawak lamang siya sa kamay ko o kaya naman sa aking bewang, panay din ang halik niya sa labi, leeg at kung saang parte ng katawan ko ang kaniyang mapagtripan. Oo alam ko nakakairita ang ginagawa niya pero kung ano ang gusto niyang gawin ay talagang gagawin niya, kahit tinatakot ko siya na babawiin ko ang sinabi ko pero ang tanging tugon niya lamang ay nasabi ko na daw kaya wala na akong karapatan na bawiin iyon. Ngunit ang mga ngiti niya ay nanatili lamang na nakaukit sa kaniya mga labi.
Nadadala din ako sa kaniyang mga ngiti dahil ngayon ko lamang siya nakitang ngumiti ng makatotohanan, palagi kasi siyang galit at mainit ang ulo.
"What are you thinking mi conejito? May ibang lalaki ka bang iniisip ha?" may inis na tanong niya sa akin kaya nagising ako sa malalim ko na pag-iisip at napatingin sa gawi niya na nanlalaki ang mata.
"Mr. Braxton sobra-sobra ka naman mag-isip, anong akala mo sa akin mahilig pumantasya ng mga lalaki, baka gawain mo yan kaya natatakot ka na gawin din sayo." naniningkit na mga mata kong nakatingin sa kaniya. Nakita ko na parang natauhan siya biglang umamo ang kaniyang ekspresyon at lumabi na parang bata, aba may paganyan-ganyan na ang damuhong ito.
"That's not what I mean mi conejito I know you're a decent person, that's why you got my attention and you became the apple of my eye mi conejito." may bahid ng pagka-seryusong wika niya sa akin, ngumiti siya ng matamis saka niya hiwakan ang kamay ko at dinala ito sa kaniyang mga labi.
Bigla namang nag-init ang aking mga pisngi dahil sa kaniyang ginawa, akala ko puro lang galit ang alam gawin ng isang ito eh pero ngayon nakikita ko ang soft at cute side ng isang Braxton Barrette.
Bigla akong napaisip kasi mukhang ayos naman na kami ni Braxton baka pwede naman na ako magsabi sa kaniya na makita ko ang mga magulang ko. Siguro hindi naman siya magagalit kasi wala naman ako balak takasan siya kasi hindi din naman ako makakatakas sa kaniya. Nami-miss ko na ang mga magulang ko, alam ko nag-aalala na sila sakin, bigla-bigla nalang kasi akong kinuha ni Braxton.
Ngayon nakatuon na ang atensiyon ni Braxton sa aming pinapanood, naramdaman ko ang pagpasok ng kamay niya sa loob ng malaki kong damit, nangilabot ang aking mga balat nang maramdaman ko ang magaspang at malapad niya kamay na humawak sa may dibdib ko. May umusbong na init sa aking buong katawan dahil sa marahan at maingat niyang paghaplos.
Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Braxton dahil sa kakaibang pakiramdam na aking nararamdaman sa mga oras na ito. Sa mga haplos pa lamang niya ay sobrang bumibigay na ang katawan ko. Dumapo ang kaniyang kamay sa kaliwang utong ko kaya mas lalong uminit ang pakiramdam ko, napapikit ako dahil pinpigilan ko na maglabas ng anumang tunog mula sa aking bibig. Ngunit biglang bumalik sa aking ala-ala ang ginawa ni Braxton sakin kaya napadilat ako at naitulak ko siya ng malakas. Gulat siyang tumingin sa akin kaya natakot ako baka nagalit nanaman siya.
"Ah-ahm- brax-ton--" hindi maibigkas ng aking bibig ang nais kong sabihin, napayuko ako at naramdaman ko ang pagdaloy ng aking luha mula sa aking mga mata.
Naramdaman ko ang presensiya niya sa aking harapan, hindi ako kumilos sa aking pwesto. Hinawakan niya ang aking mukha saka ito iniangat upang iharap sa kaniya.
"Don't cry mi conejito, I won't force you if you don't want to, I'm sorry because I did that to you, I hope you can forgive me Aiden." malungkot na saad niya habang pinupunasan ang aking luha. Nilapit niya ang aking noo sa kaniya at naramdaman ko ang kaniyang labi na lumapat sa aking noo, napapikit ako sa kaniyang ginawa, nakaramdaman ako ng kaginhawaan. Kinulong niya ako sa kaniyang mga bisig.
"B-braxton-ahm- pwede ko na ba makita ulit mga magulang ko?" mahinang wika ko habang nakatuon ang aking tingin sa kaniyang dibdib. Nadinig ko ang isang buntong hininga niya.
"Pero kung ayaw mo--" naputol ang aking sasabihin nang biglang siyang nagsalita.
"All right, we'll go to them but next week, it's not because I don't want you to see them mi conejito, it's because I'm scared I know they hate me because of what I did." ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses. Saka sino ba naman kasi ang hindi magagalit at matatakot sa kaniya sa ganung mga gawain niya.
"Sino ba naman kasi may sabi sayo na gawin mo ang mga ganung bagay ha, magagalit talaga sila sayo asahan mo na iyon pero marunong naman makinig ang magulang ko sa kung ano man ang paliwanag mo." pagpapagaan ko ng loob niya.
"Hindi naman ako ganun katigas na tao, madali lang kunin ang loob ko pero ewan ko sayo kung bakit napaka-rahas ng paraan mo, ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang Braxton Barrette na walang kahit 1% na pasensiya." napapailing na wika ko kita ko ang pag-iling ng ulo niya.
"Sana hindi mo na ulitin ang mga ginawa mo Braxton kasi aaminin ko sobrang natatakot ako sayo, hindi ako taong magaling magtanim ng sama ng loob ngunit lahat ay may hangganan, ayaw ko maging pusong bato dahil hindi ako ganun pinalaki ng mga magulang ko. Lumaki ako na hindi mayaman pero naging sapat na sakin ang pagmamahal na binibigay ng aking mga magulang para masabi ko na sagana ako." may pagsusumamong sambit ko, inangat ko ang aking tingin at sinalubong ang kaniyang magagandang pares ng mata.
"Hindi ako hihiling sayo ng mga materyal na bagay Braxton, pero may isa akong kahilingan kung ayos lang sayo." tumigil ako sandali upang malaman ang magiging tugon niya.
"Tell me what it is mi conejito, just don't ask me to let you go because I can't give it." malumanay na saad niya saka sinuklay ang aking buhok gamit ang kaniyang kanang kamay.
"Alam ko na yan, kahit na siguro umiyak ako ng dugo o maglupasay ako sa labas habang buhay, iyan ang hiling na hinding-hindi matutupad, alam ko na alam mo kung saan patungo itong nararamdaman natin sa isa't-isa, ang nais ko lamang sana na kung dumating yung time na tuluyan na akong malulunod sa nararamdaman ko sayo, sana ingatan mo Braxton, wala na akong ibang kahilingan sayo kundi iyon lamang." lintaya ko sa kaniya. Oo aaminin natatakot ako na baka dumating din yung time na mahuhulog ako ng sobra tapos bigla akong bibitawan parang pakiramdam ko hindi ko na kaya pang umahon.
"If people ask me what I like about you, I like everything, especially your kindness and your heart full of love, I am very lucky because you are mine, I do not regret taking and claiming you. I promise I will take care of your heart but I can't promise I won't hurt you especially in bed, you know me already mi conejito." wika niya saka ngumisi sa huling sinabi niya kaya pinandilatan ko siya ng mata sa kabaliwan niya. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis sa sinabi niya.
"May tanong ako sayo Braxton." saad ko saka dumistansya ng kunti upang humarap sa kaniya. "What is it mi conejito?" tanong niya.
"Bukod sa pagiging baliw, may lahi ka din ba ng manyak, second chance pa lamang ang binigay ko sayo pero kung ano-ano na lumalabas diyan sa bibig mo ha." natatawang tugon ko sa kaniya.
"May lahi akong maniac and it comes out when I see you." nakangisi niyang saad at nagtataas baba pa ang kaniyang mga makakapal na kilay. Napailing nalang ako sa kahibangan niya.
______________________________________ Hello po mga kaungol☺️ kamusta po kayong lahat? Medyo matagal din po ako nawala dito kasi naloloka na po ako sa mga school works ko eh, pero ito po handog ko sa inyo, sana po magustuhan niyo. Medyo lagyan naman po natin ng kunting kasweetan si Daddy Braxton. Maraming salamat po. Enjoy reading po mga kaungol. ❤
📍Plagiarism is a crime Please vote and follow💕 @Jayjaymoan😻