Aiden Azrael
TATLONG-ARAW na ang nakakalipas at hanggang ngayon umuusbong parin ang takot sa aking dibdib dahil sa pinadala sa akin ng baliw na Mr. BB na iyon. Kaya napag-desisyunan ko na pumirmi mo na dito sa bahay dahil nangangamba parin ako para sa magulang ko ayaw ko silang madamay, hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanila.
Nandito ako ngayon sa kusina upang ipagluto sila Inay at Itay ng tanghalian dahil sabi nila uuwi daw sila. Nagluluto ako ngayon ng ulam namin na Menudo at naghiwa-hiwa din ako ng talong kanina saka ko prinito syempre hindi mawawala ang saw-sawan na bagoong na maanghang ito ang paborito naming tatlo kahit iyan lang ang ulam naku ubos ang kanin.
Pagkatapos ko magluto ng kanin at ulam namin, pumunta muna ako sa sala upang magpahinga sandali bago ako maligo dahil amoy usok na ako ng kalan. At habang nagpapahinga ako may nagdoorbell ay charot wala pala kaming doorbell, may kumatok sa pintuan kaya dali-dali ako tumayo upang tignan kung sino ang kumakatok.
At nagulat ako sa taong nakikita ko, siya ay naka-sumbrero at may takip ang mukha tanging mata lamang ang nakikita ko at binasa ko ang nakasulat sa kanyang suot, napalaki ang mata ko sa nabasa ko "Food Panda", napaisip ako hindi naman ako nagpadeliver ng pagkain.
"Ahm Ma'am dito po ba nakatira si Miss. Aiden Azrael." sabi ni Manong habang titig na titig sa akin.
"Opo Manong ako po si Aiden Azrael at hindi po ako Miss lalaki po ako Manong." nahihiyang wika ko kay Manong, ganun na ba talaga ako kaganda.
"Ahy sorry po Ma'am ay este Sir Aiden, may delivery po kayo." sabi ni Manong sa akin at parang nahihiya pa.
"Sorry po Manong pero hindi po ako nagpadeliver ng pagkain saka keypad nga lang po cellphone ko kaya papano po ako makakaorder online." natatawang wika ko kay Manong. Kaya napakamot nalang ng batok si Manong.
"Napag-utusan lamang po ako na ideliver po ito sa inyo." paliwanag ni Manong sa akin.
"Kanino po galing Manong? mamaya po baka ibang Aiden po yan." nagtatanong na wika ko kay Manong.
"Bawal po sabihin kung kanino po nanggaling eh, malalagot po ako Sir Aiden pag-nagkataon. Saka sure po ako sa iyo po talaga ito, diba sabi mo po ikaw si Sir Aiden Azrael eh ayun po ang full name na nakalagay po dito eh kaya ikaw po iyon. Pakipirmahan na lamang po ito, baka kapag nagtagal pa ako dito sa hukay na ang bagsak ko jusko." mahabang paliwanag ni Manong ngunit parang may ibinulong si Manong pero pinabayaan ko na lamang kasi mukhang balisa na si Manong kaya pumirma nalang ako doon sa cellphone niya kasi yun ang inabot niya, sobrang high tech na talaga ngayon.
Pagkatapos ko pumirma ay inabot sa akin ni Manong ang tatlong karton ng cupcakes (Salted Caramel Starbucks Cupcakes) na mula sa Starbucks at tatlong inumin din ( Strawberry Crème Frappuccino) mula sa Starbucks, nakakaloka yaman naman ng nagpadala neto.
Nagpaalam na si Manong kaya sinarado ko na ang pintuan saka dinala ang mga cupcakes at inumin sa kusina. Binuksan ko ang isang karton ng cupcake at may nakita akong maliit na papel ito ay mag nakalahad na maikling sulat.
"Kainin mo yan at don't you dare to throw it, saka if iniisip mo na may lason yan sini-sigurado ko sayo na wala, take care my beaitiful bunny."
-BB.Kinabahan naman ako, so ibig sabihin alam niya talaga kong nasaan ako. Nagdadalawang isip naman ako if ipapakain ko din ito kila Inay at Itay pero sabi naman niya walang lason pero pano naman ako maniniwala eh tinatakot at lagi niya akong pinagbabantaan. Tinago ko na lamang ang sulat sa bulsa ko.
Pero bahala na, tinikman ko ang cupcake aba ang sarap naman neto, saka uminon din ako ng inumin aba strawberry isa sa paborito ko sarap naman, sabagay Starbucks ito ano pa nga ipagtataka ko.
Pero habang busy ako sa pagkain nagulat ako nang nagsalita si Inay di ko man lang napansin ang pagdating nila dahil ang sarap ng kain ko.
"Oh anak saan galing ang mga iyan, nagpadeliver ka ba anak? Napakarami naman niyan nak."
Tanong ni Inay sa akin habang nagaayos ng mga gamit niya at ganun din si Itay na nakatingin sa akin na nagtatanong."Naku Inay saan naman ako kukuha ng pangbili at pangorder ko diyan saka papano po ako makakapagorder online eh keypad lang ang phone ko. Nagulat na nga lang ako Inay na may nagdeliver niyan dito eh, ayaw din sabihin sakin kung sino ang nagpadala po eh." pagpapaliwanag ko kay Inay at tumango na lamang sila. Kaya naghanda na lamang ako ng plato namin upang makapag-umpisa na kaming kumain dahil alam kong pagod sila sa trabaho.
"Baka naman anak may secret admirer ka o kaya naman manliligaw di mo lang sinasabi sa amin ng Inay mo." biglang sabi ni Itay habang nakain kami, kaya para akong nabulunan sa sinabi niya, uminom muna ako ng tubig bago sumagot para kasing nabarahan ang lalamuna ko.
"Itay naman alam mo naman po na hindi yan ang priority ko saka kapag mayroon man agad-agad kong sasabihin sa inyo ni Inay, kaloka ka naman Itay." natatawang sambit ko, napatawa nalang kami.
Pagkatapos kumain sinunod naman namin kainin ang cupcake at binigay ko din sa kanila yung dalawang inumin para lahat kami makakatikim at nasarapan din sila, nagtanong pa nga si Itay kung may gayuma ba daw iyon ngunit sagot ko ay hindi ko din alam.
At pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagpresentang maghugas sabi ko sa kanila ay magpahinga na muna sila doon sa sala at manood ng telebisyon. Natapos na ako naghugas kaya pumanhik na ako patungo sa sala at naabutan ko sila Itay at Inay na magkatabi at magkayakap ang sweet naman nila kaya pumunta ako sa kanila at sumiksik sa gitna nila kaya natawa naman silang dalawa.
"Naku may isang naglalambing na kuneho at talagang sa kasarapan ng yakapan namin ng Inay mo pa." wika ni Itay habang tumatawa.
"Pabayaan mo na yung kuneho atleast maganda at cute na kuneho." natatawang sambit ni Inay.
"Hmmp di niyo na po ako love saka di naman po ako kuneho eh." kunwari nagtatampong sabi ko, kaya natawa naman sila saka nila ako niyakap dalawa at hinalikan sa ulo, kapag ganito sobrang payapa ng pakiramdam ko parang lahat ng pangamba ko ay nawawala.
Nasa ganun kaming pwesto ng biglang tumunog ang aking cellphone ngunit akala ko ay text lang pero may tumatawag pala, kaya tumayo ako upang kunin ang cellphone ko sa tabi ng telebisyon. Ngunit ng tignan ko kung sino ang tumatawag pero numero lamang ito, napatingin ako kila Inay at Itay pero tumango lamang sila kaya sinagot ko ito at umupo sa tabi ng magulang ko.
"Goodafternoon! We want to talk to Mr. Aiden Azrael?" tanong sa kabilang linya.
"Hello po, ako po si Aiden Azrael."sagot ko.
______________________________________
Hello mga kaungol sana po magustuhan niyo at sorry dahil pabitin po ako lagi. Nagpapasalamat po ako sa mga patuloy na sumusubaybay sa kwento ko, sa mga nagvovote at nagfofollow sa akin.
❤📍Plagiarism is a crime
Please follow and vote💕
@Jayjaymoan😻
BINABASA MO ANG
El Monstruo [BxB]
Fiksi RemajaEl Monstruo: On-going| Rated 18 | Bl | Mpreg "Ang akin ay akin lang, walang kahit sino mang magmamay-ari sayo maliban sa akin." -Braxton Barrette🍁 @Jayjaymoan😻