Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Braxton Barrette
KANINA pa kaming dalawa ni Aiden nandito sa kusina, tapos na kanina pa ang niluluto ni Nay Sol pero ako ay hindi pa dahil pang-limang beses na ulit ko na itong niluluto ko sa kadahilanang hindi tuma-tama sa panlasa na gusto ni Aiden.
Paiba-iba ang panlasa niya kaya nahihirapan akong magluto dahil kapag hindi niya nagustuhan ay kinukurot at hinahampas kung saan man ako tamaan. Sobrang pinapahirapan niya ako, buti nalang kahit papano nakakapagtimpi pa ako ng inis ko.
Kaya hindi ko dinadamihan ang niluluto ko dahil ipapaulit niya din sa akin kapag di niya nagustuhan ang lasa at kulay ng pagkain na pinapaluto niya, kahit na masarap na sa panlasa ko pero sa kaniya matabang o kaya maalat.
Katatapos ko lang ilagay sa mangkok ang sopas, kumuha din ako ng platito para sa carbonara, tahimik lamang siyang nakaupo at naghihintay sa niluluto ko, si Nay Sol naman ay lumabas muna at may gagawin daw sandali.
Kung itatanong niyo kung saan napupunta ang mga niluto ko na hindi niya nagustuhan, nasa tiyan ko na dahil gusto niya na ako ang kumain kahit na ayaw ko ay napipilitan ako dahil nandito si Nay Sol sigurado magagalit yun sa akin.
"Mi conejito come on tikman mo na ito, sana naman ngayon pumasa na sa paningin at panlasa mo." wika ko sabay dala ng mga niluto sa harapan niya.
"Hmmp akala ko ba marunong ka magluto, bakit hindi naman masarap mga luto mo, kahit kindergarten na bata hindi yan papatulan na kainin." tugon niya pero kinuha naman niya ang inaabot ko na kutsara at tinidor saka tinikman ang luto ko.
"I know how to cook mi conejito, pero paiba-iba kasi ang panlasa mo." sagot ko naman sa kaniya, inirapan niya lang ako.
Pinanood ko lang siyang kumain, hindi na siya muling kumibo dahil mukhang nagustuhan niya na ang niluto ko. Napabuntong hininga nalang ako saka napailing-iling, grabe sobrang ganado niya kumain.
Maya-maya pa ay natapos na siya kumain. Tumingin siya sa akin saka nagsalita.
"Hindi ka talaga masarap magluto ~burp~." wika niya pero natawa ako dahil dumighay siya pagkatapos niya magsalita. Namula ang pisngi niya saka tumingin ng masama sa akin.
"Halata ngang hindi ka nabusog at nasarapan sa luto ko." natatawang sambit ko.
Nagulat ako nang pulutin niya ang kutsara saka ibinato sa akin at dahil hindi ako nakailag ay tumama ito sa aking sintido. Napahawak ako sa sintido ko.
"Aghh--rrayy! namumuro kana Aiden ha! nagtitimpi lang talaga ako sayo!" bulyaw ko sa kaniya. Hindi ko napipigilan ang inis ko kapag nasaktan ako.
Nakatingin siya sa akin habang namumuo ang akniyang mga luha sa mata. Bigla akong natauhan sa ginawa kong pagsigaw. Biglang pumasok si Nay Sol halatang nagmamadali siya saka ito sa kinauupuan ni Aiden.