CHAPTER 20

740 51 16
                                    

Aiden Azrael

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aiden Azrael

DALAWANG LINGGO na ang nakakalipas simula noong tumira kami dito sa bahay na tinitirhan namin ngayon. Maayos naman ang naging pamumuhay namin dito sa nagdaang mga linggo.

Kasama namin si Kuya Rico at siya ang umaalalay sa amin. Siya din ang lumalabas upang bumili ng mga kailangan namin sa bahay, nakakahiya nga dahil wala kaming binibitawan na pera.

Binigyan din ako ni Kuya Rico ng bagong phone na magagamit ko daw, ayaw ko sana tanggapin dahil mamahalin ang phone sabi ko kahit iyong keypad nalang pero pinilit niya ng pinilit kaya kinuha ko na lamang para tapos ang usapan.

Naiwan ko nga pala mga gamit ko sa bahay ni Braxton. Wala ako kahit isang singkong duling manlang sa bulsa ko noong tumakas ako. Nakalimutan ko nga din nagbayad sa jeep na sinakyan ko noong nakaraan dahil na din sa pagmamadali ko na makauwi.

Naipaliwanag ko na din kila Inay at Itay ang lahat kung bakit ganito ang nangyari kaya nagulat sila at nagalit kay Braxton sa kaniyang ginawa sa akin. Kaya hanggang ngayon ay hindi nila ako pinapayagan na lumabas ng bahay kahit si Kuya Rico ay pinag-bawalan din ako kaso nahihiya na ako ng sobra dahil wala manlang akong mai-ambag sa araw-araw.

Narito kaming lahat ngayon sa hapag at kumakain ng tanghalian. Nang biglang nagsalita si Kuya Rico.

"Aiden mamayang gabi pala may darating dito dahil gusto kang kamustahin at makita." sambit ni Kuya Rico.

Kinabahan ako sa kaniyang sinabi, sana hindi naman si Braxton iyon. Hindi ko kayang mapuntang muli sa mga kamay niya.

"Sino ang darating na iyon iho?" tanong ni Inay kay Kuya Rico. "Kung si Braxton iyan, aalis na kami ngayon din, hindi na namin maaatim na muli niyang makuha pa ang aming anak." sabat naman ni Itay habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao.

"Akala namin ay mabait na tao si Braxton ngunit isang demonyo pala ang nakakubli sa kabaitang ipinapakita niya sa amin. Wala manlang kami nagawa para sa anak namin." naluluhang wika ni Inay kaya nilapitan ko siya saka niyakap.

"Huwag niyo na isipin yun Inay ang mahalaga ligtas kayo ni Itay, ligtas na tayo." sambit ko naman pero ang totoo hindi parin kampante ang aking loob.

Delikado pa sa delikado si Braxton pero sa nagdaang linggo wala na akong senyales na nakikita at nararamdaman mula sa kaniya. Siguro ay narealize niya na hindi lahat makukuha niya, baka naisip niya na hindi talaga ako para sa kaniya, sana nga ganun.

"Makaka-sigurado po kayong hindi si Braxton iyon kaya huwag na po kayo mag-alala dahil obligasiyon ko po na protektahan po kayo." wika ni Kuya Rico upang gumaan ang aming nararamdamang pangamba.

"Pasensiya kana iho kung hindi pa ganun kabuo ang tiwala namin na naibibigay sayo, marami ka nang naitulong sa amin at tina-tanaw namin na utang na loob iyon." wika ni Inay.

"Ayos lamang po iyon sa akin, saka wag po ako ang pasalamatan ninyo kundi ang nagutos po sa akin upang tulungan po kayo, tauhan lamang po ako na taga-sagawa ng utos." nakangiting lintaya ni Rico.

"Kung wala ka na taga-sagawa ng utos wala din mangyayari kaya dapat ka lamang din na pasalamatan." sabat naman ni Itay sabay lapit kay Kuya Rico saka tinapik ang balikat.

"Oh siya sige kung may darating dapat kahit papano ay makapag-handa tayo ng kaunting maihahandog para sa ating bisita kahit hindi pa natin kilala kung sino man iyang darating." wika naman ni Inay kaya sumang-ayon na lamang kaming lahat.

"Sabi po kasi niya surpresa nalang daw po ang pagdating niya, ayaw ko nga po sana sabihin na may darating kaso nangati po ang dila ko eh." natatawang sambit naman ni Kuya Rico kaya natawa naman kaming lahat.

Nagpatuloy na kaming muli sa pagkain ng tanghalian. Napaisip ako kung sino kaya ang taong darating na iyon baka yung taong nagligtas sa amin kasi sure ako na siya ang unang-una sa nakakaalam kung nasaan kami, pakikipag-usap ko sa aking isip.

Pagkatapos naming kumain ay nagpresenta na ako nalang ang maghuhugas ng pinagkainan namin dahil si Inay ay maghahanda naman ng mga gagamitin niya sa pagluluto para daw mamaya handa na, isasalang na lamang.

Nagumpisa na kaming maghanda dahil alas-tres na ng hapon, si Inay at Itay ang nagluluto kami naman Kuya Rico ay naisipan naming gumawa ng buko salad, macaroni salad at coffee jelly, bumili kanina si Kuya Rico ng buko sa labas. Sa laking tao ni Rico di mo mapagkakamalan na mabait ito, mukha din kasi siyang nakakatakot, sabi niya ituring ko na lamang din siya na parang Kuya ko.

"Kuya Rico nasaan po ba ang pamilya mo?" curious na tanong ko sa kaniya habang naghahalo ng salad.

"Kung ang tinutukoy mo ay asawa at anak ay naku wala pa ako niyan lalo pa't sa trabaho ko laging nasa hukay ang isa kong paa, ang mga magulang at isa kong kapatid naman ay nasa probinsiya ayaw ko na ipasok sila sa mundong ginagalawan ko ngayon." wika ni Kuya Rico at kita ko dumaang lungkot sa mga mata niya.

"Sorry Kuya Rico kung natanong ko pero habang wala sila ituring mo na din kaming pamilya mo." nakangiting sambit ko sabay yakap sa kaniya upang iparamdam na pamilya na din ang turing namin sa kaniya.

"Salamat Aiden sobrang bait mo at nang mga magulang mo wala akong masabi." wika ni Kuya Rico kaya tinapik ko ang likod niya saka kumalas sa yakap at pinagpatuloy ang aking ginagawa, ganun din siya.

Saktong ala-sais ng gabi natapos na lahat at naihanda na namin ang mga ito sa lamesa, kaya nagpaalam na muna ako upang maligo at makapag-ayos ng kaunti manlang dahil nangangamoy kusina na ako.

Kasalukuyan akong nagsusuklay ng aking buhok hanggang balikat na ito dahil medyo matagal na akong hindi nakakapag-pagupit. "Anak lumabas ka na diyan dahil narito na ang ating bisita." tawag ni Inay sa akin mula sa labas, napahinga ako ng malalim, sana talaga hindi si Braxton itong dumating alam kong tuso ang isang iyon.

Pagkalabas ko ay nakita ko ang isang taong nakaupo sa isang sofa ngunit nakatalikod siya sa akin at pamilyar sa akin ang postura ng taong ito. Habang palapit ako nang palapit sa kaniya ay siya namang unahang sa pagbagsak ng aking mga luha sa mata. Siya ba ang nagligtas at tumulong sa amin. Ngunit papano, tanong ko sa aking isip.

______________________________________
Hello po mga kaungol😊 Kamusta na po kayo? Hulaan po natin kung sino yung tao na dumating. Sana po magustuhan po ninyo. Sa nagtatanong po kung umaabot daw po ba ng 1000 words ang bawat chapters, yes po lahat po ng chapter more than one thousand words pwera lang po ang prologue. 1000 words po ang goal ko po lagi sa bawat chapters. Maraming salamat po. Enjoy reading po.

📍Plagiarism is a crime
Please vote and follow💕
@Jayjaymoan😻

El Monstruo [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon