CHAPTER 14

867 68 54
                                    

Aiden Azrael

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aiden Azrael

ISANG LINGGO na ang nakakalipas mula noong nangyari ang eksena sa restaurant na sobrang kinatakot ko kay Braxton at talagang di ko na napigilan na hindi maiyak sa mga oras na iyon. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon. Nakakatakot magalit si Braxton at alam kong may mas malala pa.

Kaya hangga't maaari ay iniiwasan ko si Braxton pero hindi yun iwas na di kami nagkikita kasi boss ko siya at secretary niya ako kaya di maiiwasan na kausapin ko siya, kapag nagkakasama kami talagang usapang trabaho lang at wala nang iba.

Napapansin ko na naiinis siya pero di ko maintindihan kung bakit ganun siya baka maraming problema o kaya baka nag-aaway sila palagi ng girlfriend niya. Sama kasi ng ugali niya.

Nasabi ko na kila Inay at Itay kong sino ang amo, kilala pala nila ito ngunit sa apelyido lamang dahil may isang malawak na lupain daw dito sa malapit lang sa amin na binili daw ng isang Braxton. Pero ang sabi-sabi ng mga chismosa ay pinambayad utang ang lupaing iyon. Wala na akong pakialam doon buhay nila yun kaya sila ang mas nakakaalam sa dapat at hindi nila nararapat gawin.

By the way nandito pa ako sa bahay at nagaayos dahil Lunes nanaman ngayon at may oras ng trabaho syempre.

"Anak bumaba ka na diyan at nang makakain na tayo ng almusal dahil sabi mo maaga ka aalis diba." tawag ni Inay sa akin mula sa labas.

"Opo Inay papunta na po." sagot ko kay Inay at lalabas na sana ako naalala ko yung isasauli kong panyo ni Sir Braxton pero naisip ko may kunting kabaitan pa naman siya ngunit katiting lang talaga.

Kinuha ko ang panyo niya nilabhan ko ito ng mabuti para di naman nakakahiya sa kaniya, inilagay ko na ito sa akin bag ko bago lumabas ng kwarto.

"Oh halika na anak ng makakain kana at nang may laman iyang tiyan mo pagpasok mo ng trabaho." wika ni Inay pagkalabas ko ng kwarto at si Itay naman ay nakaupo na din nagkakape ito.

"Halina anak baka malate ka, saka ang ganda talaga ng aming nagiisang prinsesa." lintaya naman ni Itay kaya lumapit muna ako sa kanya saka humalik sa pisngi niya at ganun din kay Inay bago ako naupo.

"Naku Itay wala pa ho akong sweldo." natatawang sagot ko kay Itay at natawa na lamang din si Inay.

Nagumpisa na kaming kumain ng umagahan na may kaunting kwentuhan tungkol sa trabaho ko at kung maayos ba ang trato ng boss ko sa akin sinabi ko nalang na ayos naman kahit na medyo hindi naman talaga, ayaw ko lang mag-alala sila. Kaya ko nga ito ginagawa para sa kanila.

Habang nasa kalagitnaan kami ng aming pagaalmusal nang bigla na lamang may bumusina ng malakas mula sa labas ng bahay namin kaya nagkatinginan kaming tatlo.

"May inaasahan po ba kayong bisita Inay at Itay?" tanong ko sa kanolang dalawa ngunit umiling lamang sila.

"Oh siya sige pagpatuloy niyo na pagkain niyo at ako na ang titingin kong sino ba iyong bisita, baka naman anak may manliligaw ka." sambit ni Inay at medyo nang-aasar pa sa huling sinabi niya. Tumayo na Inay kaya pinagpatuloy na lamang namin ni Itay ang pagkain namin.

Umiinom ako ng tubig ng biglang sumigaw si Inay mula sa labas at tinawag ako, nasamid ako sa sinabi ni Inay.

"Anak lumabas ka na diyan at nandito ang boss mo!" sigaw ni Inay mula sa labas kaya naubo-ubo ako dahil sa pagkasamid ko. Panong nandito siya? Ano naman gagawin nun dito? Kaya dali-dali akong lumabas baka mamaya nagbibiro lang si Inay ngunit laking gulat ko sa nakita ko paglabas ko.

"S-sir Braxton a-ano po ginagawa niyo dito?" medyo nauutal kong tanong kay Sir na ngayon ay seryuso lang ang ekspresyon ng mukha na nakatingin sa akin kaya napalunok ako ng laway ko ng wala sa oras.

"What do you think?" seryusong tanong ni Braxton sa akin.

"Ah Mr. Braxton pasensiya na po kung late po ang anak ko kasi sabi niya mamaya pa daw po ang oras ng trabaho niya kaya po pinag-almusal ko muna po siya." pagsingit ni Inay at pagpapaliwanag kay Braxton.

"No po it's okay medyo napaaga lang po talaga ang pagpunta ko sa company kaya naisipan ko to visit the house of my secretary ofcourse it's your son or daughter I mean po, so don't apologize po, I'm just bored." nakangiting paliwanag niya kay Inay, aba parang ibang tao nanaman itong kaharap namin. Saka iba din pala siya mabored kung saan-saan pumupunta.

"Ah ganun po ba Mr. Braxton, sige halika ka po pumasok ka muna po sa mumunti naming bahay pagpasensiyahan mo na po ang bahay namin kasi di naman po kami mayaman." pagpapaliwanag at pagaaya kay Sir Braxton.

"No it's fine po I like your house po, simple lang pero napaka-presko tignan po, I also dream of a simple life even though many problems come, but there, you will learn to be responsible and the one that will strengthen you to continue to fight the challenges of life." mahabang lintaya ni Braxton.

Nakakagulat may ganitong side siya bigla siyang bumait. Pero dahil siguro matanda ang kausap niya at ayaw niya bastusin syempre may magulang din siya kaya ganun.

"Napabait mo namang bata ka iho, di ko akalain na kahit mayaman ikaw ay may ganyan kang paniniwala sa buhay." sambit naman ni Itay mula sa likuran ko.

"Anak papasukin mo muna ang Boss mo at pupunta muna ako kay Aling Bet para kumuha ng kakanin para kay Mr. Braxton, kumakain ka ba ng kakanin iho?" wika ni Inay sa akin at baling na tanong niya kay Braxton.

"Yes po pero wag na po kayo mag-abala, I already buy some cakes po kukunin ko lang po sa sasakyan ko po, wait me in a second po." magalang na sabi niya kay Inay at naglakad na siya papunta sa sasakyan niya at kinuha niya ang mga cake mula sa loob, grabe dalawang cake na may kalakihan ang dala niya.

"Here po take this simple gift from me po." wika ni Braxton sabay abot ng dalawang cake kay Inay at Itay.

"Maraming salamat po Mr. Braxton at nagabala ka pa po, hala sige pasok po tayo para maihanda ko po itong cake at mapagsalu-saluhan po natin." pasasalamat ni Inay at nauna nang pumasok kasama si Itay.

Lalakad na sana ako upang sumunod sa loob kila Inay nang biglang nagsalita si Sir Braxton.

"Why are you avoiding me, you think I don't notice, I'm not that f*cking stupid Aiden." naiinis na wika niya halata na gigil nanaman siya bumalik nanaman siya sa dating pag-uugali niya.

"Hindi po kita iniiwasan Braxton saka bakit naman po kita iiwasan." sagot ko sa kanya na may nagaalinlangan na ngiti hindi ako ganun kagaling magsinungaling.

"Just make sure it's not because I'm not good at holding back my anger." sambit ni Braxton in his serious deadly tone. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako ngunit hinapit niya ang bewang ko saka niya itinapat ang bibig niya sa tenga ko at bumulong.

"Then you can't avoid me because I own you from the very start." bulong niya sa akin sabay iwan ng munting halik sa aking leeg na sobrang nagpagulat at nagpakaba sa akin.

Binitawan niya ako saka naunang naglakad papasok sa loob ng bahay namin, ako naman ay parang natuod na kahoy sa aking kinatatayuan sa mga sinabi at sa ginawa niyang paghalik sa leeg ko.

______________________________________
Hello po mga kaungol kamusta po kayo? Sana po magustuhan niyo po ang Chapter na ito pasensiya na po kayo sa mga wrong grahams at typos ni author, di ko po ineedit ang mga chapters ko po diretso na po talaga published kaya pag-pasensiyahan niyo na po. Maraming salamat po sa mga navovote super malaking bagay po nun. Keep safe and stay healthy po mga kaungol.

📍Plagiarism is a crime
Please vote and follow💕
@Jayjaymoan😻

El Monstruo [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon