Aiden Azrael
"Oh Aiden nandiyan kana pala pasensiya na di kita agad napansin, teka ayos ka lang ba?" tanong ni Dariel na parang nagtataka kaya ngumiti ako sa kanya.
"Oo naman Dariel ayos lang ako siguro medyo kinakabahan lang talaga ako hehe." masigla kong wika sa kanya upang hindi na siya magtaka.
"Ah ganun ba grabe ka pala kabahan medyo nanginginig pa hehe, btw tara na baka naiinip na si bossing kasi habang nasa CR ka ay lumabas siya pero di ko napansin kong saan nagpunta pero ang pagkaka-alam ko ay nakabalik na din si bossing, nagtext kasi ang magulang ko kaya di ko masyado napansin." mahabang lintaya ni Dariel sa akin. Tumango na lamang ako.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa isa pang pintuan dito. Pagpasok namin isang magandang set-up ng kwarto ang aming naabutan, masasabi mo talagang lalaki ang nagmamay-ari ng lugar dahil sa design neto, minimal lang ang mga gamit. May isa pang pintuan siguro iyan ang office ng boss namin.
Office of Aiden Azrael
(Cttro)
"Aiden ito ang magiging opisina mo at yang isang pintuan na yan ay opisina naman ng CEO. Ilagay mo na ang mga gamit mo diyan sa desk mo upang makilala mo na ang magiging boss mo. So ako muna ang papasok upang itanong kung maaari ka nang pumasok, okay?" paliwanag ni Dariel sa akin."Okay Dariel, pero wait, ahmm mabait ba talaga yung CEO?" medyo nahihiyang tanong ko kay Dariel na nakatingin sa akin ng diretso saka lumapit sa tabi ko.
"Ahm ang tanging masasabi ko lang Aiden ay talagang maiksi ang pasensiya niya at nakakatakot ang aura niya minsan pero di ko pa nakita magalit ang CEO. Saka wala talagang nagtatagal na secretary sa kanya di ko din alam kung bakit basta bigla-bigla nalang lagi kami nagkakaroon ng urgent hiring ng secretary." mahabang paliwanag ni Dariel sa akin kaya ako ay tumango na lamang.
Naglakad na siya patungo sa pinto at kumatok ng tatlong beses saka binuksan ang pinto, ako naman ay nakatayo lamang sa malapit sa desk ko.Pero sa totoo lang napakaganda ng ng opisina ko kahit secretary lang ako. Syempre kaya maganda sa floor na ito although lahat naman maganda pero alam naman natin na ito ang pinaka-espesyal dahil nandito ang pinakalugar ng CEO kaya di na dapat ako magtaka.
BINABASA MO ANG
El Monstruo [BxB]
Teen FictionEl Monstruo: On-going| Rated 18 | Bl | Mpreg "Ang akin ay akin lang, walang kahit sino mang magmamay-ari sayo maliban sa akin." -Braxton Barrette🍁 @Jayjaymoan😻