📍WARNING: SLIGHT MATURE & SENSITIVE CONTENT AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK.
Aiden Azrael
ANG lakas ng loob na mayroon ako kanina upang magsalita sa kaniya sa aming pag-uusap ay parang nawala sa sitwasiyon ko ngayon. Lumabas nanaman ang pagiging demonyo niya. Siya pa talaga ang may gana na magalit, nanghihingi siya ng second chance pero ganito ang ginagawa niya sa akin. Kaya ngayon napatunayan ko na hindi siya seryuso sa mga sinasabi niya kanina sa akin.
Dahil kung totoo at bukal sa loob niya ang mga sinambit niya sa aking harapan dapat siya itong nagpapakumbaba pero hindi eh mas mataas pa sa langit ang pride ng hay*p na ito. Ngunit sabagay ano pa ba ang aasahan ko sa isang hangal at baliw na katulad niya, diba wala.
Akala siguro ng mga lalaki kapag nagpakumbaba sila ay mababawasan ang pagiging lalaki nila. Maling pag-iisip dahil kung tunay na lalaki ka dapat hindi ka takot harapin ang consequences ng mga ginawa mo. Ang tawag sa mga lalaking di marunong magpakumbaba at lumunok ng kaanilang pride ay isang malaking duwag. Takot silang aminin na nagkamali sila.
Nagpupumilit akong kumawala sa kaniyang pagkakahawak ngunit ang lakas ko ay wala pa sa kalingkingan niya. Gusto ko nang maiyak ngunit pinipigilan ko lamang dahil ayaw ko ipakita sa kaniya kung gaano ako kahina.
"Brax-ton na-sa-sak-tan a-ko." nahihirapang ani ko. Pilit ko paring tinatanggal ang kamay niya sa panga ko.
"Mas masasaktan ka kung hindi ka aayon sa kagustuhan ko, hindi ako naging marahas sayo netong mga nakaraan baka sakaling magbago ang tingin mo sa akin, pero p*tang*na napupuno na ako." gigil na sambit niya sa akin. Kita ko ang pag-igting ng kaniyang mga panga.
"Bi-ta-wan mo na a-ko, plea-se." naiiyak na wika ko. Nanghihina ang aking mga kalamnan dahil sa napapangunahan na ako ng aking emosyon.
Ano ba ang dapat kong gawin? Hindi ko kayang kontrolin si Braxton dahil ang tanging pinapakinggan niya lang ay ang sarili niya dahil makasarili siyang tao. Wala siyang pakialam kahit magdusa ang mga tao sa paligid niya dahil sa mga ginagawa niya. Ang importante lamang sa kaniya ay makuha ang gusto niya.
Binitawan niya ang aking mukha. Ngunit napa-sigaw ako nang bigla niya akong buhatin saka ibinato sa kama. Napa-igik ako sa sakit dahil kahit malambot ang kama niya ngunit mali naman ang pagkakabagsak ko.
Napa-atras ako at napasiksik sa head board ng kama dahil humakbang na siya paakyat sa kama habang malagkit na nakatingin sa akin.
"Tutal lahat naman ng gusto ko ay hindi mo sinasang-ayunan, ngayon ako nalang ang magdedesisyon kung ano ang dapat kong gawin sayo." nakangising wika niya pero ramdam mo parin ang gigil sa bawat salitang binibigkas niya.
BINABASA MO ANG
El Monstruo [BxB]
Dla nastolatkówEl Monstruo: On-going| Rated 18 | Bl | Mpreg "Ang akin ay akin lang, walang kahit sino mang magmamay-ari sayo maliban sa akin." -Braxton Barrette🍁 @Jayjaymoan😻