CHAPTER 42

947 47 59
                                    

Aiden Azrael

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aiden Azrael

NGAYON ang araw ng pagpunta namin sa aking mga magulang, hindi na ako makapaghintay makita ulit sina Inay at Itay, alam ko na sobrang nag-aalala na sila sa akin.

Narito ako sa kusina upang magluto ng umagahan namin, inagahan ko talaga ang paggising ko upang maaga kaming makalarga papunta kila Inay at Itay.

Pahirapan pa nga ang pagbangon ko dahil ang damulag na Braxton nakapulupot ang mga braso niya na parang sawa sa aking bewang. Hindi ko alam kung papano ko natanggal ang mga kamay niya, kasi bawat galaw ko siya namang pagsikip ng pagkakapulupot ng braso niya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ng isang iyon kapag nagising na siya. Sobrang kapit na kapit siya palagi sakin na akala mo ay mawawala ako. Halos lahat ng kilos ko ay nakasunod ang mata niya.

May mga ugali na nagbago kay Braxton pero ang pagiging mapagbanta at mainitin ang ulo ay hindi parin natatanggal, kaya minsan hindi ko maiwasan na matakot parin sa kaniya. Wala na ang pagiging marahas niya sakin kapag nagagalit siya. Kaso talagang may time na hindi maganda ang mood niya.

Nung una ko pa lamang nakita si Braxton pakiramdam ko napakabigat ng kaniyang pagkatao, hindi ko alam kung bakit, sa nakikita ko kasi sa kaniya na parang may mabigat siyang dinadala. Ngunit hindi maman ako sigurado baka itong nararamdaman ko ay dala lamang ng aking takot sa kaniya.

Nagising ako sa aking malalim na iniisip ng madinig ko ang malalakas na kalabog mula sa pangalawang palapag ng bahay ni Braxton. Binitawan ko ang aking mga ginagawa at lumabas ng kusina upang tignan kung ano man ang malakas na kalabog na iyon.

Dahan-dahan akong humakbang paakyat sa itaas nang mapatigil ako sa nadinig ko na isang malakas na sigaw at kasabay nun ang pagkabasag ng isang babasaging bagay.  Nagmadali akong umakyat dahil alam ko na kung saan at sino ang gumagawa ng mga ingay na iyon. Walang iba kundi ang pinaglihi sa sama ng loob ng mundo na si Braxton.

Ngunit bago ko pa man mapuntahan ang kwarto niya ay bigla itong bumukas ng kusa saka iniluwa nito ang pawisan at may mga nagbabagang tingin na si Braxton, bigla akong nakaramdam ng kaba sa nakikita ko sa kaniya. Naka-kuyom ang kaniyang mga kamao at nag-iigting ang mga panga. Nakayuko lamang siya at mukhang hindi niya ako napansin kaya kahit natatakot ako pinilit ko paring magsalita upang makuha ang atensyon niya.

"B-braxton a-anong nangyari s-sayo?" utal-utal na tanong ko kaya bigla siyang nag-angat siya ng tingin, nakita ko ang pagliwanag ng mata niya. Hindi niya ako sinagot bagkus malalaking hakbang siyang pumunta sa gawi ko. Napaatras ako ng kaunti dahil natatakot ako sa kung anong balak niyang gawin sa akin.

Nang makalapit siya sa akin ay walang pag-aalinlangan niyang hinapit ang aking bewang saka hiwakan ang aking batok at nagulat ako nang sinunggaban niya ng halik ang aking mga labi. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, wala akong ginawa na kahit anong tugon, naramdaman ko ang mapagparusang halik niya, pakiramdam ko mamamaga ang labi ko sa gingawa niya kaya pinilit ko siyang itulak ngunit sobrang higpit ng hawak niya sa bewang at batok ko. Napadaing ako nang kagatin niya ang labi ko kaya napabuka ang aking bibig at naramdaman ko ang dila niya na ginagalugad ang loob ng aking bunganga, nalasahan ko din ang dugo na lasang kalawang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

El Monstruo [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon