Braxton Barrette
HINDI ko maalis ang tingin ko sa kaniya habang kumakain siya ramdam ko din ang pagiging balisa niya dahil siguro sa mga titig ko. Hindi ko alam kong dapat ba ako makaramdam ng awa sa kaniya dahil sa mga ginagawa ko.
Pero alam kong di niya ako gusto, lahat ng mga bakla at babae nanaisin akong makasama pero kakaiba talaga siya. Kaya di ako maaawa sa kaniya hangga't hindi niya ibibigay ang buong pagkatao niya sa akin. I'm Braxton Barrette and I can get what I want. He's the apple of my eye.
I already marked him as mine so there's no way that he can escape from me. Ako yung taong walang ka-sweetan sa katawan. Kung kinakailangan na ikulong ko siya sa bahay na ito hanggang sa magustuhan niya ako ay gagawin ko.
Natigil ako sa aking malalim na pag-iisip nang bigla siyang nagsalita. Pero nanatili parin siyang nakayuko at nakatingin lamang sa kaniyang plato na paubos na ang pagkain.
"Ahm Braxton nasaan po pala ang mga gamit ko? yung bag na dala ko po." tanong niya sa akin at halatang may halong kaba ang bawat bigkas niya.
"Nasa akin mi conejito, why?" sagot ko naman sa kaniya saka umayos ng upo dahil nakailang subo naman na ako, di ako kumakain ng madami lalo pa at nawiwili akong panuorin siyang kumain.
"Kasi kukunin ko po sana cellphone ko tatawagan ko po sila Inay at Itay, kakamustahin ko sila." sambit niya habang pinaglalaruan niya ang kaniyang mga daliri. Parang bata talaga. I find it cute.
"You're not allowed to have communication to anyone except to me." wika ko gamit ang aking serious tone, lagi naman akong seryuso eh. Dahil sa sinabi ko ay napaangat ang kaniyang tingin sa akin.
"Pero Braxton wag naman ganun kinuha mo na nga po ako sa pamilya ko tapos hindi ko parin sila makausap kahit sa tawag lang, hindi naman po pwede habang buhay mo po ako ikulong dito." maluha-luhang sambit niya sa akin.
"Then learn to love me and surrender yourself to me that's the only way for you to get your freedom." sagot ko naman sa kaniya.
"Pano po kita mamahalin at magugustuhan kong hindi mo po ako binibigyan ng rason para mahalin ka po. Sa tingin mo po sa ginagawa mo ay matutunan po kitang mahalin, sinasabi ko na po na hindi, tinuturuan mo lamang po akong kamuhian ka pa ng sobra." mahabang lintaya niya kaya parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya.
Parang natapakan ang pride ko sa sinabi kaya pabagsak ko na ipinatong ang aking kamay sa lamesa kaya napapitlag siya sa gulat.
"Lahat ng gusto ko nakukuha ko kaya wala akong pakialam kahit kamuhian mo ako." galit na sambit ko sa kaniya.
"Hindi po lahat kaya mong makuha, opo makukuha ang katawan at pagkatao ko ngunit ang damdamin ko ay hinding-hindi mo po makukuha sa paraan na gusto mo po." mahabang lintaya niya sa akin habang nakayuko parin at may nakita akong ilang butil ng luha ang pumatak mula sa kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
El Monstruo [BxB]
Novela JuvenilEl Monstruo: On-going| Rated 18 | Bl | Mpreg "Ang akin ay akin lang, walang kahit sino mang magmamay-ari sayo maliban sa akin." -Braxton Barrette🍁 @Jayjaymoan😻