CHAPTER 18

743 58 85
                                    

Aiden Azrael

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aiden Azrael

PAGKATAPOS ng naganap na sagutan sa hapag-kainan ay di ko maiwasan na mawalan ng pag-asang makawala pa sa kaniya at sa dami-dami ng babae ako pang bakla ang napag-intresan niya o baka naman bakla siya kaya ganun pero grabe sa itsura niya kahit saang parte ay hindi nababahidan ng kabaklaan, kailangan ako ng mga magulang ko wala pa sa isip ko ang ganitong bagay, saka hindi sa isang katulad niyang demonyo ang gusto ko makasama habang buhay.

Sa naganap naman sa sala niya ay di niya talaga ako pinaalis sa kandungan niya hanggang sa nakatulog nalang ako at nararamdaamn ko din ang paghimas niya minsan sa ibang parte ng katawan ko pero wala din naman akong magawa dahil di din siya magpapapigil. Naririnig ko din ang mga mahihinang mura niya.

Heto nga pagkamulat ko ng aking mata ay nandito na ako sa kwarto niya, nakita ko siyang lumabas mula sa banyo at nakatapis lamang ng tuwalya't may tumutulo pang tubig mula sa kaniyang buhok syempre malamang sa malamang naligo siya.

Grabe kitang-kita ko ang kanyang batak na pangangatawan kung ihahalin-tulad lang ito sa akin magmumukha lamang akong barbeque stick. Kaya talagang wala akong laban sa kaniya kapag binalibag ako neto.

Napaiwas ako ng tingin dahil tumingin siya sa gawi ko. Baka isipin niya pinag-papantasiyahan ko ang katawan niya. Hindi lang naman siya ang may ganyan kagandang katawan, saka ang panget ng pag-uugali niya kaya pano ko siya gugustuhin. Masiyado siyang mapag-angkin kala mo naman talagang pagmamay-ari niya ako.

Naalala ko may dinner pala na magaganap mamaya at lalabas kami siguro hahanap ako ng tyempo para makahanap ng butas at makatakas ako.

"Get up mi conejito, it's already 7pm in the evening, we need to be there at exactly 8pm." wika niya kaya tumayo na lamang ako at dumiretso sa banyo upang maligo may mga bagong toothbrush naman dito atsaka tuwalya kaso wala nga lang damit.

Pagkatapos niya ako bihisan at tama ang narinig niyo na siya mismo ang nagbihis sa akin, wala na akong nagawa dahil binigyan niya ako ng isang mapagbantang tingin kaya di na ako umangal man lang. Pero syempre napaka-uncomfortable dahil siya palang ang nakita at nakahawak sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

Pagka-baba namin ay kinausap niya muna si Manang, pagka-alis ni Manang ay ako naman ang hinarap niya't nilapitan kaya napa-atras ako bigla niya hinila ang batok ko saka nilapat ang kanyang labi sa leeg ko kaya di ko naiwasang mapa-ungol sa paraan ng pagsipsip niya may halong hapdi pero sobrang banayad ng halik.
Ano ba ito nagiging malandi na ba akong bakla tanong ko sa isip ko.

"Let's go." sambit niya kaya nagpahila na lamang ako.

Bagtas namin ang lugar na sinasabi niya pero wala akong pakialam ang tanging nasa isip ko lamang ay kung papano ako tatakas mamaya siguradong nakadikit ang mata neto sa akin.

El Monstruo [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon