Aiden Azrael
HINDI ko na lamang pinatulan ang mga pinasasabi ng hinayupak na ito, galit parin ang nararamdaman ko sa mga ginawa niya sa akin.
Ngayon ay nasa may hapag-kainan na kami dahil hinahanda na niya ang mga niluto niya. May parang soup pero di ko alam kasi kakaiba, tapos may mga tocino at hotdog din.
"Here try this creamy shrimp and crab bisque that I made for you mi conejito." sabi niya sabay lagay ng mangkok sa aking harapan.
Creamy Shrimp and Crab Bisque
(cttro)Inabutan niya ako ng kutsara saka siya pumwesto sa kabilang panig ng lamesa upang kumain syempre, pero pagka-upo niya ay nakatitig siya sa akin. Itinuro niya ang mangkok na nasa harapan ko kaya tumango na lamang ako saka sumandok upang matikman ko na at matahimik na ang kaluluwa ng isang ito.
Pagkasubo ko palang ay linamnam at sobrang creamy talaga ang sumalubong sa aking panlasa. Masasabi ko na pwede na nga siyang maging chef.
"Anong lasa?" parang excited na tanong niya sa akin. Hindi ko pinahalata na nasasarapan ako sa niluto niya.
"Ayos lang ang lasa mapagtyatygaan pa naman kahit papano." sagot ko at kita ko ang pagbagsak ng kaniyang balikat sa aking sagot, nadismaya siya.
Tumayo siya saka lumapit sa may pwesto ko. "Give it to me and i will throw it, huwag mo na iyan pagtyagaan, oorder nalang ako." dismayadong sambit niya at akmang kukunin niya ang mangkok ay inilayo ko ito sa kaniya.
"Huwag na sayang ito kung itatapon mo lang, ang daming taong nagugutom tapos ikaw magtatapon ka lang ng pagkain." lintaya ko pero parang sumama ang timpla niya.
"I don't care." inis na wika niya saka pilit na kinukuha ang mangkok sa akin.
Tinulak ko siya ng medyo malakas ang kaniyang dibdib pero di manlang napa-atras kahit kaunti.
BINABASA MO ANG
El Monstruo [BxB]
Teen FictionEl Monstruo: On-going| Rated 18 | Bl | Mpreg "Ang akin ay akin lang, walang kahit sino mang magmamay-ari sayo maliban sa akin." -Braxton Barrette🍁 @Jayjaymoan😻