Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Aiden Azrael
NAGISING ako sa aking malalim na pag-iisip nang madinig ko ang pag-sarado ng pintuan. Napa-ayos ako ng upo sa gilid ng kama at mas binalot pa aking hubad na katawan.
Naramdaman ko na may tubig na dumadaloy sa aking mga pisngi, hindi ko manlang naramdaman na naiyak na pala ako sa aking iniisip. Sa totoo lang hindi ko na naabutang buhay ang aking lolo't lola pero sinabi sa akin ng aking Inay na sobrang mapagmahal daw ang mga ito. At hindi ko iyon maipagkakaila dahil kita ko kung papano din ako mahalin ng lubos aking mga magulang.
Tinanggap nila kung ano at sino ako dahil ang lagi nilang rason ay dugo't laman nila ako at kahit baliktarin nila ang mundo anak parin nila ako, hindi sila tutol sa pagiging ganito ko, ang tanging layunin lamang daw nila ay gabayan at suportahan ako.
Kasi may mga magulang na mas iniisip nila yung sasabihin ng iba kaysa sa nararamdaman ng anak nila, hindi nila kayang tanggapin kung ano at sino ang anak nila dahil baka mapahiya sila. Kaya ako bilang anak ay saludo ako sa mga magulang na bukas ang isip.
Napaigtad ako ng kaunti nang biglang nagsalita si Braxton, napatingin ako sa gawi niya.
"Come here mi conejito." utos ni Braxton ngunit gamit ang malumanay na pananalita. Naupo siya sa kabilang gilid ng kama at saka niya tinapik ang kaniyang kandungan. Tumingin siya ng diretso sa akin at tila hinihintay ang kilos ko. Naiiyak akong nakatingin sa kaniya.
"Don't make me repeat it mi conejito." ngayon naman ay may bahid ng inis na wika niya.
Kahit natatakot ako ay kailangan ko parin sumunod sa kaniya. Kaya dahan-dahan akong bumaba sa kama at naglakad papunta sa gawi niya. Nakatakip pa din ang kumot na malaki sa katawan ko habang naglalakad palapit kay Braxton.
Tumigil ako sa harapan niya saka yumuko pero dahil nakaupo siya kita ko parin ang kaniyang mukha. Tinignan niya ako kaya mas lalo akong napayuko at napahigpit ang hawak sa kumot na nasa aking katawan.
"Tanggalin mo ang kumot na iyan." maawtoridad na sambit niya, tumingin ako sa kaniya ng may pagaalinlangan ngunit tumalim ang tingin niya kaya mas minabuti ko na lamang na bitawan ang kumot at naging dahilan ito upang ma-ibalandra ang kabuuan ko sa kaniyang harapan.
"So sexy." dinig kong bulong niya habang titig na titig sa aking katawan.
Tinakpan ko ang aking hinaharap dahil sa sobrang hiya, alam ko na nakita niya na lahat sa akin pero hindi ko parin maiwasan na mahiya.
Tinaasan niya ako ng kaniyang makakapal na kilay na sinasabing bilisan ko at gawin ko na ang inuutos niya. Mas lumapit pa ako sa kaniya saka dahan-dahang naupo sa kaniyang kandungan. Parang tuod lamang akong nakaupo sa kandungan niya at tanging nasa dibdib niya lamang ang aking mga tingin.