Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Aiden Azrael
"Aiden! Aiden hey are you with me? Are you okay? namumutla ka eh." nagulat na lamang ako nang bilang nagsalita si Connor, ganun na ba ako katagal nakatulala, sabi ko sa isip ko.
"Ah-mm a-ayos lang a-ako, Connor s-sorry pero may emergency kasi n-nagtext ang magulang ko kaya kailangan ko n-ng umuwi." nauutal kong wika sa kanya, kasi hanggang ngayon ramdam ko parin ang galit nang taong yun, sobrang natatakot ako para sa mga magulang ko at ayaw ko din na madamay si Connor.
" Ah ganun ba, sige ayos lang, wait lang hintayin mo ako ipapa-take out ko nalang yung order natin para may kakainin ka pagdating mo sa inyo." kaya tinanguan ko na lamang dahil parang di ko kayang magsalita ng maayos dahil sa takot. At pumunta si Connor sa counter para ipa-take out ang order namin.
Maya- maya pa ay dumating na si Connor dala-dala ang mga paper bag kung saan nakalagay ang mga pagkain na take out niya.
"Cute Aiden ito na, tara hahatid na kita sa inyo para di kana mahirapan maghanap ng masasakyan." wika niya habang naglalakad kami palabas ng kainan.
"Naku hindi na po, makaka-abala pa po ako, saka yakang-yaka ko na po mag-commute mag-isa, btw Connor maraming salamat sa palibre mo po sakin and nice meeting you po. Pasensiya na po talaga at di na po kita masasamahan." Mahabang lintaya ko sa kanya.
"Naku di ka abala sakin basta ikaw Cute Aiden walang problema. Nice meeting you too Aiden at sana magkita ulit tayo." Nakangiting sambit ni Connor.
"Loko ka po talaga Connor, malay po natin magkasalubong po muli tayo. Sige po mau-una na po ako sayo, bye po Mr. Connor Constance." pagpa-paalam ko kay Connor na ngayon ay malaki ang ngiti, parang may saltik ata talaga to.
"Bye and see you soon Ms. Aiden Azrael." nakangiting paalam niya sakin, kaya namula naman ako sa sinabi niya kaloka mga bakla naging Ms. Aiden Azrael na ako.
Tumalikod na ako habang kuma-kaway sa kanya at sinulyapan siya ng isang beses tapos nginitian ganun din ang ginawa niya, ngayon itinuon ko na ang paningin ko sa daan ng biglang nag vibrate ang phone ko sigurado ako na yung nakakatakot na tao nanaman ito at pagkabasa ko tama siya nga talaga.
099******4 "Cute Aiden huh! That f*cking bastard, tandaan mo ito Aiden Azrael sisingilin kita. At ipapaalala kong muli sayo na lumayo ka sa mga lalaki dahil pagmamay-ari kita at wala kang karapatan sa sarili mo dahil akin yan, akin ka. Don't push me to my limits beautiful bunny." -BB.
Di ko maintindihan pero natatakot ako sa mga sinasabi niya sigurado akong hindi lang siya pangkaraniwan na lalaki, mga salita niya pa lamang alam mo nang batas at makapangyarihan. Kaya naglakas loob ako na replayan ang kanyang mensahe baka sakaling tigilan niya na ako.