CHAPTER 31

669 52 138
                                    

Braxton Barrette

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Braxton Barrette

SAKTONG pagtayo ko mula sa pagkaka-upo ay siyang pagkatok naman ng tao mula sa labas ng aking opisina.

"Come in." sabi ko upang pumasok na ang taong nasa labas ng aking pintuan.

Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang tauhan ko na inutusan ko upang bumili ng kailangan ko.

"Sir Braxton ito na po ang ipinabibili niyo sa akin." wika ng tauhan ko saka lumapit at iniabot sa akin ang hindi kalakihang paper bag na kaniyang dala-dala.

"Okay you can go now." tugon ko naman sa kaniya, yumuko siya ngunit akala ko ay aalis na siya, humarap siya sa akin saka nagtanong.

"Para po ba kay Sir Aiden iyan?" tanong ng tauhan ko sa akin, napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Why do you care hmm?" balik tanong ko habang salubong ang aking mga kilay. "Do you like him?" pahabol ko pa at diniinan ang huling salita.

"W-wala po akong g-gusto kay Sir A-aiden, sobrang bait po niya, sana po huwag mo po gawing miserable ang buhay niya, subukan mo po kaya na ligawan siya para po makuha mo po ang loob niya. Pasensiya na po sa sinabi ko, mauuna na po ako Sir Braxton." lintaya niya, sa totoo lang para akong binatukan sa ulo dahil sa sinabi niya.

Bago pa ako makapag-react ay nakalabas na siya. Gustuhin ko mang magalit sa sinabi ng tauhan ko ngunit totoo ba.

Totoo bang nagiging marahas na ako ng sobra kay Aiden at nagiging miserable ba ang buhay niya sa mga kamay ko pero kasi kapag naging maluwag ako sa kaniya sigurado ako na tatakas siya.

Saka ligaw hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya tapos liligawan ko siya, nagpapatawa ba ang tauhan kong iyon. Wala akong katamisan sa aking katawan kaya hindi mo ako maaasahan na gawin iyon.

Hindi naman siya babae para ligawan pa. Naangkin ko na nga siya't lahat kailangan ko pa ba kunin loob niya. Hangga't hawak ko siya sa leeg hindi siya makakawala sa akin, di na mahalaga kung makuha ko man ang loob niya o hindi, ang mahalaga nasa akin siya at sa akin lamang siya.

Mahuhulog din ang loob ni Aiden sa akin, ngayon hindi niya pa ako gusto pero magugustuhan din ako niyan walang makakatanggi sa kagwapuhan na meron ako. Swerte na nga siya dahil isang Braxton Barrette ang nagkainteres sa kaniya. Lahat ng babae at bakla ay sinasamba ako.

Pano kung sa iba mahulog ang loob niya? tanong ng aking isipan. Kapag iniisip ko may ibang magmamay-ari sa kaniya at sa puso niya parang gusto kong pumatay ng tao.

El Monstruo [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon