📍WARNING: MATURE & SENSITIVE CONTENT AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Aiden Azrael
PAGKADATING namin sa gate nang bahay ni Braxton ay hindi na ako makapag-isip pa ng dapat kung gawin upang makatakas.
Takot ang bumabalot sa aking pagkatao sa mga oras na ito. Naalala ko na nasa bulsa ko pa pala ang aking cellphone ang kailangan ko nalang ay makakuha ng tyempo para matawagan sila Inay upang makahingi ng tulong. Medyo nabuhayan ako ng loob.
"Be ready mi conejito we're already here." pananakot na wika ni Braxton.
"Braxton please huwag mo gawin kung ano man ang binabalak mo." naluluha na sambit ko sabay hawak sa braso niya nagbabaka-sakali na magbago pa ang kaniyang isipan.
"Ang angkinin ka ang huling pamimilian sa aking listahan, sana inisip mo yan noong tumakas ka pero sabi ko naman sayo lahat nakukuha ko at lahat napapaikot ko sa mga kamay ko." nakangising sabi niya kaya umiling-iling ako.
"Hindi ako papayag na magawa mo ulit ang gusto mo sa akin, kung nakatakas ako sayo noon magagawa ko ulit yun ngayon." bulyaw ko sa kaniya na mas kinasama ng timpla niya.
"Talaga lang ha, let's just see later who is begging to be f*cked." wika niya sa akin kaya mas tinapangan ko ang loob ko.
"Mas pipiliin ko pang lumandi at magpatira sa panget kaysa sa katulad mong may itsura nga demonyo naman." galit na sambit ko sa kaniya habang dinuduro-duro siya.
"Ang tanong may pagpipilian ka ba, wala! dahil ako lang aangkin sayo at wala nang iba, tandaan mo yan." sigaw niya sa akin.
Nakarating na kami sa harap ng bahay ni Braxton kaya mas lalo akong kinain ng kaba at takot ko sa mga susunod na mangyayari.
Lalabas na sana si Braxton kaya naisipan ko na pigilan siya at magmakaawa baka sakali na magbago ang isipan niya.
"B-braxton kung ano man b-binabalak mo p-please huwag mo n-nalang ituloy, nagmamakaawa a-ako sayo." naluluha na wika ko, nakita ko na may ibang emosyon na dumaan sa kaniyang mga mata ngunit agad din na nawala.
"You think I'll believe you, you ran away once and I know you'll do it again, this is the only way for me to make sure you're really mine." galit na sambit niya sa akin.
Tinaggal niya ang pagkakahawak ko sa kaniyang mga braso saka lumabas ng sasakyan kaya dali-dali kong kinuha ang aking cellphine para matawagan sila Inay upang makahingi ng tulong.