📍WARNING: MATURE & SENSITIVE CONTENT AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK.
Aiden Azrael
PAGKATAPOS ng ganap sa bahay nakipag-kwentuhan lamang siya kay Inay at Itay, ako naman ay di na kumibo dahil hindi parin ako makaalpas sa pagkagulat at pagkakilabot sa ginawa ni Braxton sa akin sa labas ng bahay. Nagsasalita lamang ako kapag kinakausap ako nila Inay at Itay ngunit hindi ko ginagawi ang tingin ko kay Braxton.
Ngayon ay narito kami sa sasakyan niya papunta na sa opisina ngunit isa man sa amin ay walang nagbalak na magsalita. Ngunit naputol ang katahimikan nang biglang nagsalita si Braxton pero nasa daan parin ang tingin niya.
"Do not avoid me Aiden, understood?" wika niya saka sumulyap sa akin.
"Hindi naman po kita iniiwasan dahil secretary mo po ako, talagang kumikilos lang po ako ayun po sa dapat ginagawa ng isang sekretarya." sagot sa kanya habang sa labas parin ang tingin ko dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya.
Bigla na lamang niyang itinigil ang sasakyan kaya nagulat ako at napatingin sa gawi niya saka nagtanong.
"A-ahm B-braxyon bakit po t-tayo tumigil?" medyo utal na tanong ko sa kaniya. Humarap siya sa akin kaya medyo natakot ako dahil nag-iba nanaman ang aura niya.
"Hindi ka ba talaga nakakaintindi huh, uulitin ko sayo at itatak mo ito sa utak mo Aiden Azrael, I said do not avoid me, and especially don't forget that I own you so it means you're my property, you don't have the rights to yourself. Always remember that mi conejito." may mga diing wika niya sa akin.
Kaya gulat na gulat ako kasi totoo pala lahat ng sinasabi niya akala ko nantritrip lang siya. Naalala ko yubg taong laging nagtetext at nagbabanta sa akin kaya napatingin ako sa gawi niya at nabalot ako ng takot dahil kong siya nga yun delikado siyang tao. Napasiksik ako sa kinaka-upuan.
"I-ikaw y-yung taong l-laging nagbabanta sa a-akin." nauutal na sambit ko ngunit di man lang siya nagulat bagkus ngumisi pa ito sa akin.
"Yes it's me my little bunny, nice meeting me mi conejito." nakangisi niyang wika habang diretsong nakatingin sa takot na takot kong mga mata.
Hindi ko alam ang gagawin ko sobrang umusbong ang takot ko dahil alam kong delikado siyang tao. Kaya ang naiisip ko na lamang na paraan ay tumakas dito. Kaya hinawakan ko kaagad ang pintuan ng sasakyan upang sana ay makalabas ngunit naka-lock ito kaya mas lalo akong nilukob ng kaba.
"Trying to escape huh?" wika ni Braxton kaya tumingin ako sa kaniya at nilakasan ang loob upang magsalita sa kaniya.
"Palabasin mo na po ako dito Braxton, hindi mo po ako pagmamay-ari at walang kahit sinong nagmamay-ari sa akin kundi sarili ko lamang po. Saka alam ko na alam mo po na hindi ako babae kaya humanap ka nalang po ng iba maraming babae po ang humahabol sa iyo. Hindi po kita gusto at hindi po isang katulad mo pinapangarap kong magmamay-ari po sa akin." mahabang lintaya ko sa kaniya habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
El Monstruo [BxB]
Novela JuvenilEl Monstruo: On-going| Rated 18 | Bl | Mpreg "Ang akin ay akin lang, walang kahit sino mang magmamay-ari sayo maliban sa akin." -Braxton Barrette🍁 @Jayjaymoan😻