Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Braxton Barrette
"Hala sige na iho puntahan mo na siya, gawin mo na ang dapat mong gawin, papasok na muna ako at may gagawin pa ako, basta ang mga paalala ko ah." wika ni Nay Sol saka ako bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya.
"Sige ho Nay maraming salamat talaga." masayang pagpapasalamat ko kay Nay Sol.
"Pero sandali iho may napapansin akong kakaiba sa kilos ni Aiden." tila nag-iisip na sabi ni Nay Sol.
"Ano po napapansin mong iba sa kilos niya Nay Soledad?" tanong ko naman kasi baka magka-iba kami ng napapansin ni Nay Sol sa kaniya.
"Para kasi siyang naglilihi, may nangyari na ba sa inyo iho?" muling tanong niya kaya bigla akong kinapitan ng hiya.
"M-mayron na p-po." utal na sagot ko kay Nay Sol.
"Baka buntis siya iho, kanina ko pa siya inoobserbahan at lahat ng nakikita ko sa kaniya ay senyales ng pagiging buntis." diretsang wika ni Nay Soledad.
"Napaka-impossible po niyan Nay Soledad dahil una sa lahat ay lalaki siya at walang matres saka inalam ko lahat ng tungkol sa kaniya pero wala akong nakalap na impormasiyon na pwede siyang mabuntis." paliwanag ko kay Nay Sol.
"Malay natin iho eh pinagpala siya kasi dahil noong pinagbubuntis ka nang iyong Ina ako ang lagi niyang kasama kapag pumupunta siya para magpa-check-up sa ob-gyn at naalala ko na may kasabayan kami noon na lalaki siya pero kaya niyang magdalang tao, ngunit yun nga lang napaka-dalang daw ng ganoong kondisyon pero malay natin pinapala si Aiden." mahabang lintaya ni Nay Soledad kaya medyo nagulat ako at napatingin kay Aiden na ngayon ay nakaupo sa tubigan at tahimik na nakatanaw sa karagatan.
"Sige na iho Braxton papasok na ako, puntahan mo na siya." pagpapaalam ni Nay Sol saka ito tumayo at tinapik ang balikat ko saka naglakad papasok.
Tumango na lamang ako dahil hindi ko maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Nay Sol. Possible kaya na buntis siya parang nilukob ako ng kaba at saya. Nasabi ko lamang na bubuntisin ko siya kasi sa sobrang inis at galit ko, hindi ko na alam kung ano ang tamang sabihin nang mga oras na iyon. Basta ang alam ko ay gusto ko siyang maangkin at maging ganap na akin.
May hindi pa ba ako nalalaman tungkol sayo mi conejito? Mayroon pa ba akong dapat malaman? Ilan lamang yan sa aking mga katanungan sa aking isip.
Ngunit kung totoo nga na pwede siyang mabuntis ay talagang napaka-espesyal niya. Ngayon kailangan kong alamin ang mga bagay na hindi ko pa alam patungkol sa kaniya.
"Wala kang maitatago sa akin mi conejito." bulong ko habang diretsing nakatingin sa kaniyang kinaroroonan.
Napangisi naman ako ngayon dahil kung totoo na kaya ni Aiden na magdalang tao may posibilidad na mayroon nang laman ang sinapupunan niya dahil hindi ako gumamit ng anumang proteksiyon noong inangkin ko siya. Mukhang kailangan ko siyang maangkin ulit para siguradong may mabubuo at talagang wala na siyang kawala pa.