Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Aiden Azrael
NAGUGULUHAN ako dahil may parte sa katauhan ko na nagsasabing dapat bigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon pero deserving ba talaga siya bigyan ng second chance sa lahat ng mga ginawa niya sa akin.
Pagkatapos ng pag-uusap namin sa dalampasigan ay ako na mismo ang umalis dahil baka hindi ko mapanindigan ang mga salita ko kapag nagmakaawa pa siya sa akin.
Mababa lang ang loob ko kaya ito ang problema sa akin. Mabilis ako magpatawad at nahihirapan akong humindi sa mga bagay-bagay.
Pero ngayon pinipilit ko nang tigasan ang loob ko. Ngunit hindi ko alam kung hanggang saan ko ito mapapanindigan dahil kilala ko naman si Braxton na kapag gusto nun makukuha niya talaga. Sigurado ako magpupumilit iyon.
Saka hindi niya ako masisisi kung hindi ko na kayang paniwalaan ang bawat lumalabas sa kaniyang bibig. Dapat ba akong maging masaya na gusto niya ako o dapat akong matakot dahil pati damdamin ko balak niya na din paglaruan.
Tama na ang mga ginagawa niya sa akin. Saka ni isang dahilan para patawarin ko siya't bigyan ng second chance hindi niya ako binigyan kaya dapat lang na magdusa siya. Naaawa ako pero kailangan ko pigilan, kapag pusong mamon ka talagang sasamantalahin ka nila.
Pagkapasok ko sa bahay niya ay naabutan ko si Nay Soledad na may inaayos sa sala ng bahay ni Braxton. Napatingin siya sa akin bago nagsalita at lumapit.
"Oh iho Aiden andiyan kana pala, ahy hala naku basa ka. Sandali at kukuha ako ng twalya baka ubuhin kang bata ka." parang natatarantang wika ni Nay Soledad at umalis sandali at agad din na bumalik dala ang isang kulay sky blue na twalya.
Inabot ni Nay Soledad ang twalyang kaniyang hawak, agad ko naman itong kinuha at ipinulupot sa katawan ko saka nagpasalamat kay Nay Soledad.
"Maraming salamat po Nay Soledad sa pag-aasikaso po sa akin." pagpapasalamat ko kay Nay Soledad.
"Naku iho wala iyon at masaya akong alagaan at asikasuhin kayo ni Braxton lalo pa't ikaw ang kauna-unahang taong dinala niya dito bukod sa akin. Ang magulang niya o kaya naman dating mga kasintahan ay hindi niya dinadala dito." lintaya ni Nay Sol. Dapat ba akong magpasalamat na ako ang unang tao na dinala niya dito.
"Ahy hala iho mamaya na tayo mag-kwentuhan ihahatid kita sa kwarto niyo ni Braxton para makapag-banlaw kana at makapagpalit ng damit mo." ani ni Nay Soledad saka ako hiwakan ng marahan sa kamay at hinila papunta sa kwarto namin ni Braxton. Pinigilan ko si Nay Soledad sa paglalakad kaya humarao siya sa akin at tumingin na parang nagtatanong ang mata.