Aiden Azrael
TATLONG BUWAN na ang nakakalipas simula noong nakatakas ako sa kamay ni Braxton. Sa tatlong buwan na iyon ay wala manlang akong nakitang senyales nang pagpapa-ramdam niya, kaya kahit papano ay napanatag ang loob ko.
Nakakalabas na din ako pero lagi kong kasama si Kuya Rico. Dahil medyo kampante na din ako ay naisipan kong maghanap ng trabaho, balak ko mag-apply na maging salesman o kaya waiter sa fast food chain para kahit papano ay may ambag din ako, nakakahiya na kay Dariel.
Speaking of Dariel sa tawag ko na lamang siya nakaka-usap pero sobrang dalang lang tapos ilang minuto lang ang binibigay sa kaniya kaya di kami nakakapag-usap ng matagal, tanging kamustahan lang at wala na din siyang nababanggit about kay Braxton.
Narito kami sa sala ngayon dahil katapos lang namin nag-linis ng bahay, nagpapahinga't nag-memeryenda kami ngayon kaya naisipan ko na magsabi sa kanila sa balak ko na paghahanap ng trabaho.
"Ahm balak ko po sana na maghanap ng trabaho." paninimula ko habang nagsasalin ng juice sa aming baso.
"Eh anak hindi pa tayo sigurado na hindi kana ba talaga hinahanap ni Braxton." wika ni Inay at sinang-ayunan naman ni Itay.
"Kaya nga Aiden wala pa tayong kasiguraduhan sa bagay na iyan." sambit naman ni Kuya Rico saka ako inabutan ng isang slice ng tinapay.
"Pero kasi naman po nakakahiya na, saka wala naman na pong Braxton na nagpapa-ramdam, kinalimutan na po ako nun." paniniguradong wika ko sa kanila.
"Hindi mo pa kilala ng husto si Braxton, Aiden." sagot naman ni Kuya Rico at sinang-ayunan naman nila Inay.
"Ngunit hindi naman po pwede na habang buhay nalang akong makukulong dito at aasa sa kaibigan ko na nagdudusa din sa mga kamay ni Connor." lintaya ko naman sa kanila kaya nagkatinginan na lamang silang tatlo.
"Pasensiya kana Aiden kung hindi ko sinabi sayo ang tungkol kay Dariel at Connor dahil takot din ako sa amo(Connor) ko halos hindi lang sila nagkaka-layo ng ugali ni Braxton." paghingi ng paumanhin ni Kuya Rico sa akin.
"Ayos lang po iyon Kuya Rico alam ko naman na kailangan mo din ingatan ang buhay mo lalo pa't may umaasa pa sa iyong mga magulang at kapatid mo." sagot ko naman habang nakangiti upang ipabatid na ayos lamang talaga.
"Sige kung ganun sasamahan na lamang kita para sigurado tayong ligtas ka, kasi mukhang ayaw mo magpa-pigil eh." sambit ni Kuya Rico kaya medyo natawa ako.
"Buo na ba talaga ang loob mo anak para dito." tanong naman ni Itay sa akin.
"Opo buo na po talaga ang desisyon ko, pero para mapanatag po ang loob niyo papatusin ko na ang alok ni Kuya Rico na samahan ako, ayos na po ba iyon sa inyo?" wika ko naman sa kanila.
BINABASA MO ANG
El Monstruo [BxB]
Teen FictionEl Monstruo: On-going| Rated 18 | Bl | Mpreg "Ang akin ay akin lang, walang kahit sino mang magmamay-ari sayo maliban sa akin." -Braxton Barrette🍁 @Jayjaymoan😻