CHAPTER 30

640 56 33
                                    

Braxton Barrette

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Braxton Barrette

KASALUKUYAN akong nakaupo sa aking swivel chair dito sa aking opisina sa bahay/mansyon. Halos isang linggo nang ginugulo ang isip ko ng katanungang ibinato sa akin ni Aiden noong nilalagyan ko ng ointment ang kaniyang katawan.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Aiden ang tanging alam ko lang ay gusto ko ay akin lang siya. Ayaw ko na makikita siya na masaya sa ibang tao, hindi ko maatim na makita siya sa kamay ng ibang lalaki.

Hindi na muling naulit ang nangyari sa amin dahil pinipigilan ko ang aking sarili na huwag siyang angkinin kahit na kating-kati na ako, dito din ako nagtratrabaho pinapadala ko sa aking kanang kamay ang mga dapat kung pirmahan at may naguupdate sa akin sa lahat ng nangyayari sa loob ng aking kompanya.

Sa mga nagdaang linggo hindi naging matigas ang ulo ni Aiden kaya kahit papano hindi nagiinit ang ulo ko. Hindi niya na din muling inulit ang pagtakas niya. Kahit na tumakas siya hindi parin naman siya makakawala dahil ang mundong ginagalawan niya ang nasa aking mga palad.

Ngunit napapansin ko din ang pagiging iwas niya sa akin sa hindi ko malamang dahilan, siguro dahil sa ginawa ko sa kaniya.

Aaminin ko na kapag nakikita ko siyang lumuluha ay parang may kung anong humahaplos sa puso ko na hindi ko maintindihan. Oo masaya ako dahil naangkin at namarkahan ko na siya ng tuluyan.

Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko dahil gusto ko ay manatili siya at walang makakuha sa kaniyang iba. Ako lang ang para sa kaniya, ngunit hindi ko alam kung ano nga ba ang tunay na nararamdaman ko.

Sa isang Braxton Barrette ay nabura na ang salitang awa at pagmamahal dahil minsan na akong iniwan ng taong minahal ko ng lubos pero sa huli kulang parin pala ako kahit na halos kaluluwa ko ay ibigay ko para lamang manatili siya ngunit talagang hindi sapat.

Kaya hindi ako maaawa kay Aiden dahil gagamitin niya lamang ang tiwala ko para makatakas at makalayo muli sa akin. Hindi ako papayag na sa pagkakataong ito ay ako nanaman ang iiwang wasak sa huli. Ang salitang pagmamahal para sa akin ay isang kahinaan kaya hinding-hindi ko hahayaan pangunahan ako ng walang kwentang pagmamahal na iyan.

Kung kina-kailangan na lumpuhin ko si Aiden ay gagawin ko para lamang hindi siya makawala pa sa akin, kahit na pagawan ko pa siya ng mahabang kadena para lamang manatili siya.

Kapag minahal mo ng lubos ang isang tao ay papaniwalain ka nila na hindi ka nila iiwan kahit anong mangyari pero kapag nakahanap sila ng mas makaka-pagbigay ng pangangailangan nila ay ipag-papalit ka din nila.

Sabihin na nating napakawalang puso ko ngunit ito ang ibig sabihin ng pagmamahal para sa akin kung ito nga ba talaga ang nararamdaman ko para kay Aiden.

Nabalik ako sa aking pag-iisip nang may narinig akong nabasag mula sa ibaba, agaran akong tumayo at lumabas ng opisina ko saka dali-daling bumaba.

Naabutan ko si Aiden na pinupulot ang mga piraso nang basag na vase na binili ko sa isang auction sa Barcelona, Spain.

"What did you do?"seryusong tanong ko sa kaniya kaya napatayo siya at tumayo ng tuwid habang nakayuko at pinaglalaruan ang ang kaniyang mga daliri na parang bata.

"K-kasi B-braxton n-nagtatanggal ako ng mga a-alikabok dito t-tapos di ko s-sinadya na m-matabig." dinig ko ang panginginig ng boses niya kaya napabuntong hininga na lamang ako. Hindi naman ako nanghihinayang sa nabasag.

"Napakatigas kasi ng ulo mo sabi na huwag kana mag-linis diyan, tapos talagang kamay-kamay mo lang na pinupulot ang mga piraso ng bubog na iyan." pagsesermon ko sa kaniya dahil sa katigasan ng ulo niya.

"Eh kasi naboboring na ako dito tapos bawal ko din kausapin magulang ko, alam mo bang nagaalala na sila ngayon sigurado sa akin." tugon naman niya.

"Then you can play with my little buddy down here." nakangising wika ko sabay nguso ng ibaba ko. Kita ko ang panlalaki ng mata niya at napanganga ang kaniyang bibig.

"Manyakis ka! kahit na mamatay ako sa pagka-boring hindi ko pipiliin na makipaglaro sa little buddy mo na maliit talaga." pasigaw na tigon niya sa akin, naliliitan pa pala siya sa akin.

"Maliit ka pala buddy, pero bakit di siya nakalakad ng ilang araw." pakikipag-usap ko sa ibaba ko sabay himas. Tinignan ko ulit si Aiden at sobrang pula niya parang nilutong hipon.

"Hmmpp ewan ko sayo, baliw na manyak pa, dapat tawag sayo creepy maniac." bulyaw niya sa akin saka tumakbo papa-akyat.

Napiling-iling na lamang ako dahil para siyang bata lagi, tapos napaka-iyakin pa. Hindi ko maipagkaka-ila na talagang nagugustuhan ko ang pang-aasar ko sa kaniya. Ayaw ko lang na sobrang mapalapit ang loob ko sa kaniya dahil sure ako sasamantalahin niya ang pagkakataon na iyon para umalis sa puder ko, hindi ako makakapayag akin lang siya.

Naka-isip ako nang paraan para kahit papano ay matanggal ang pagka-bored niya, mamayang gabi ko nalang itutuloy ang trabaho ko, pero bago ang lahat may tatawagan at ipapabili ako para kay Aiden.

Umakyat akong muli papunta sa opisina ko para tawagan ang aking kanang kamay upang mapabili ko na ang kailangan ko para kay Aiden.

Kinuha ko ang phone ko sa lamesa saka ko dinial ang number ng kanang kamay ko, nakakadalawang ring palang ay sinagot niya na.

"Hello po Sir Braxton, ano po ang aking maitutulong?" tanong ng tauhan ko sa kabilang linya.

Sinabi ko sa kaniya ang detalye ng aking papabili. " I need it right now, so I expect that within 15 minutes, understand? And also magpadala ka ng isang maid dito para malinis ang kalat sa ibaba." ma-awtoridad na utos ko sa kaniya.

"Naiintindihan ko po Sir Braxton." tugon ng kabilang linya. Pinatay ko na ang tawag saka sumandal ulit sa upuan ko.

Sigurado pagaawayan nanaman namin ito ni Aiden, pero wala naman siyang magagawa dahil ako parin naman ang masusunod sa dulo. Kasi maihahalin-tulad mo ako sa isang Aplha at siya ang aking Omega kaya nasa ilalim siya ng kapangyarihan ko.

Mga ilang minuto pa akong nagmumuni-muni at nag-isip ng kung ano-anong bagay. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako doon at may nagtext. Binuksan ko ang message, mula ito sa aking tauhan na nagsasabing nabili na daw niya at papunta na siya dito, napangiti ako.

"This gonna be fun mi conejito."pabulong na wika ko habang nakangiti na parang baliw. Ako magugustuhan ko ito pero si Aiden sigurado akong hindi.

______________________________________
Hello po mga kaungol😊pasensiya na kayo pero bitin parin po ito. Katapos ko lang po kasi naglaba skl po. Sana po ay magustuhan po ninyo. Nasakto pa po talaga na may naghahanap ng POV ni Daddy Braxton kanina pero ang sinusulat ko po talaga ay POV ni Daddy Braxton skl po ulit. Maraming salamat po. Enjoy reading po mga kaungol.

📍Plagiarism is a crime
Please vote and follow💕
@Jayjaymoan😻

El Monstruo [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon