Braxton Barrette
TAHIMIK lamang ang biyahe namin at sa totoo lang hindi ko alam kung saan ko ba dapat siya dalhin para mawala ang pagka-bored niya. Naisipan ko na siya mismo ang tanungin ko. Sinulyapan ko siya at nakatanaw lamang siya sa bintana, di manlang kumikilos, halatang malalim ang kaniyang iniisip.
"Where do you want to go mi conejito?" tanong ko sa kaniya kaya napagawi ang tingin niya sa akin ngunit binawi niya din ito agad.
"Gusto kong pumunta sa mga magulang ko, gusto ko nang umuwi sa kanila." mahinang tugon niya at kita ko ang pagpunas niya ng kaniyang mga luha.
"Except that." maikling tugon ko naman sa kaniya.
"Yun lang ang tanging lugar na gusto kong puntahan, wala nang iba." walang ganang sambit niya.
Tumagilid siya ng upo upang matalikuran ako, dinig ko ang mahina niyang pag-hikbi. Naisipan ko na dalhin na lamang siya sa lugar na lagi kong pinpuntahan kapag malungkot at puno ako ng problema.
Napaisip ako kung tama pa ba talaga ang mga ginagawa ko kay Aiden dahil tuwing nakikita ko siyang lumuluha at malungkot parang may mga karayom na tumutusok sa puso ko, naaawa ba ako o may nararamdaman na ba talaga ako para sa kaniya.
Dahil sa puro galit na lamang ang tanging laman ng puso ay hindi ko na alam kung ano ang pagmamahal at pano ba ang magmahal. Kung puso ba ang paiiralin ko mamahalin ba ako ni Aiden, kung hahayaan ko ba na pag-ibig ang mangibabaw sa akin hindi niya ba ako iiwan.
Ngunit ang pagmamahal na iyan ay minsan ko nang naging kahinaan kaya ako sobrang nasaktan at iniwan, ang pag-ibig na iyan ang siyang naging dahilan kung bakit ngayon ay tanging galit na lamang ang aking nararamdaman.
Ilang oras din akong nag-isip ng nag-isip habang nagmamaneho ngunit patuloy lamang akong naguguluhan. Malapit na din kami sa aming pupuntahan. Sinulyapan ko si Aiden at nakita ko na nakapikit ito at nagbibitaw ng mga mumunting hilik na parang bata.
Sa tuwing nakikita ko ang maamong mukha ni Aiden lagi na lamang akong napapangiti at kumakalma ang aking buong sistema.
"Sa lahat ng kilos mo mi conejito mas lalo mo lamang akong binibigyan ng dahilan para huwag kang pakawalan." bulong ko, kaya napailing-iling na lamang ako.
"What you've done to me mi conejito." pahabol na bulong ko, saka sumulyap muli sa kaniya na payapa ang tulog.
Itinuon ko muli ang aking sarili at paningin sa daanan, gigisingin ko na lamang siya mamaya kapag nandoon na kami.
BINABASA MO ANG
El Monstruo [BxB]
Teen FictionEl Monstruo: On-going| Rated 18 | Bl | Mpreg "Ang akin ay akin lang, walang kahit sino mang magmamay-ari sayo maliban sa akin." -Braxton Barrette🍁 @Jayjaymoan😻