Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Aiden Azrael
DAHAN-DAHAN akong lumapit sa aming tahanan, nanginginig ang aking katawan dahil sa kaba at takot na aking nararamdaman.
Napakatuso mo talaga Braxton, isa kang demonyo, bakit di mo nalang ako palayain, bakit ako pa, wika ko sa aking isipan habang unti-unting nagbagsakan ang aking mga luha sa mata. Pinahid ko ang aking mga mga luha bago tumuloy sa paglalakad.
Bago pa man ako makarating sa aming pintuan ng aming bahay ay lumabas ang isang lalaking nakaitim buhat-buhat ang mga bagahe mula sa loob ng aming bahay.
Pinigilan ko ang lalaki upang tanungin kung bakit niya kinukuha ang aming mga gamit, wag niyang sabihin na inutusan siya ni Braxton upang kunin ang aking magulang at gamitin laban sa akin.
"Sandali po, bakit niyo dala ang gamit namin at saan mo dadalhin mga magulang ko?" sunod-sunod na tanong ko habang nakaharang sa kaniyang daraanan.
Pero kung tutuusin ay isang pitik lamang ako nitong taong nasa aking harapan sa laki ng kaniyang pangangatawan.
"Kung inutusan ka ni Braxton para kunin ang magulang ko pwes hindi ako makakapayag, hindi kami sasama sayo, lumayas kana at akin na ang mga gamit namin, makakaalis kana." wika ko pang muli ngunit kukunin ko na sana ang mga bagahe na bitbit niya ng iniwas niya ito at tinabig ako upang makadaan siya kaya medyo napalakas ang tulak niya kaya napaupo ako sa lupa.
"Anak ano ba ang nangyayari, bigla na lamang dumating ang lalaking yan at pinagiimpake kami ng gamit, wala na kaming magawa dahil sabi niya ay para daw ito sa kaligtasan mo." sambit ni Inay, kakalabas lamang mula sa loob ng bahay at may dala din ibang kagamitan. Inalalayan akong tumayo ni Itay mula sa pagkakaupo ko sa lupa.
"Hindi na kami umangal anak dahil kaligtasan mo ang sinasabi ng lalaki na iyan, kilala mo ba siya? saka ano ba talaga ang nangyayari anak? Nag-alala na kami ng sobra ng Inay mo." Nag-aalalang sambit ni Itay.
"Kailangan na po natin maka-alis ngayon din." singit ng lalaking may bitbit ng bagahe namin kanina.
"At huwag ka mag-alala Sir Aiden dahil hindi po ako tauhan ni Braxton kaya pinapangako ko po na para lamang po ito sa kaligtasan ninyong lahat." wikang muli ng lalaki kaya medyo napanatag ako sa kaniyang sinabi ngunit hindi parin ako kumbinsido.
"Pano kami makaka-sigurado't maniniwala sayo eh di ka nga namin kilala at bigla-bigla ka na lamang sumusulpot dito sa pamamahay namin." singit naman ng Itay.
Nagulat kami't napaatras dahil biglang binunot ng lalaki ang kaniyang baril sa tagiliran. Pero mas nagulat kami nang iabot niya sa amin ang kaniyang baril.