CHAPTER 7

835 79 20
                                    

Aiden Azrael

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aiden Azrael

"Anak gising na at gumayak kana diyan dahil alalahanin mo Lunes na ngayon sabi mo diba ngayon ang unang pasok mo sa trabaho." malakas na tawag ni Inay sa akin mula sa labas kaya dahan-dahan na akong bumangon at nagpatanggal ng antok ko sandali.

"Sige ho Inay ito na po magaayos na po, magpapatanggal lang ako ng antok, sobrang aga naman Inay sabi ko po ang pasok ko po doon ay 8:00 am eh 6:25 am palang po Inay eh." reklamo ko kay Inay, sobrang advance ni Inay masyado eh.

"Naku anak mas mabuti nang maaga kaysa hindi dahil mag-aayos ka pa o kung ano pang gagawin mo kaya ayos lang yan anak, para sakto lang at hindi ka hugahol sa oras mamaya mahaggard kana dahil kulang kana sa oras." lintaya ni Inay kaya di na ako sumagot alam ko naman na wala akong panalo kay Inay pero sobrang laking pasasalamat ko na palagi akong pina-pangaralan ng Inay at Itay dahil ako'y natututo at mas lalong lumalawak ang aking pag-intindi sa mga bagay-bagay.

" Mag-aayos lamang po ako ng hinigaan ko at mahihilamos muna po ako Inay." pahabol ko na sagot kay Inay.

Nagligpit na ako ng hinigaan ko saka ako pumunta sa banyo at ginawa ang aking morning rituals, inaayos ko muna ang itsura ko bago ako pumanhik papunta sa hapag kainan. Naabutan ko si Inay at Itay na nakaupos na sa hapag kaya humalik muna ako sa kanila bago ako naupo sa aking pwestong upuan.

"Kamusta tulog mo anak at bakit mukha kang kinakabahan nak?" tanong ni Itay sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Ayos lamang po ang tulog ko Itay saka opo medyo kinakabahan po ako kasi di lang po basta-basta ang pagtratrabahuhan ko, tapos amo ko pa po ay isang CEO po kaya medyo nakabog po ang dibdib ko, pero ayos lang po ako Itay kayang-kaya ko po ito." nakangiti kong lintaya kay Itay upang ipakita na talagang ayos lang ako at yakang-yaka ko ito.

Hindi naman talaga maiiwasan itong kaba lalo na dahil unang araw ko pa lamang tapos big time pa ang magiging amo ko baka mamaya magkamali agad ako ipatapon niya na kaagad-agad ako. Sana naman mabait magiging amo ko.

"Wag kang kabahan dahil alam namin ng Itay mo na kayang-kaya mo yan, naku ikaw pa ba, basta kapag di kinaya wag pilitin kasi lahat naman tayo ay may limitasyon . Saka natural lang talaga yan anak palaging present ang kaba na yan sa mga ganitong first time, ganyan din ako noon nung first time namin ng Itay mo na nag-----." sambit ni Inay kaya bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay pinutol ko na ito alam ko na ang kasunod ng kwento.

"Naku po Inay wag mo na po ikwento yan part na first time na yan po baka maloka po ako." natatawang wika ko kay Inay.

"Tama na nga muna itong chikahan natin at magumpisa na tayong kumain dahil may pasok pa itong prinsesa natin, talagang nagdadalaga na." nag-aasar na sabi ni Inay.

Grabe talaga to si Inay bakit kasi mali ang naikabit sa akin sa halip na monaylisa naging talongganisa pa pero wala tayong magagawa ito ang ibinigay sa atin, ang tamang gawin lang natin ay magpasalamat at palaguin ang kung anong meron tayo wag lang ang b*lbol.

Pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng plato kasi maaga pa naman. Nang matapos ako sa gawain ko sa kusina ay pumanhik na ako sa kwarto upang mag-umpisang mag-ayos ng aking sarili at ng mga gamit na dapat kong dalhin.

Pero siguro nagtataka kayo kung bakit di ako lumalabas ng bahay para makipag-bonding sa mga kaibigan, sa totoo lang may mga kakilala ako pero nag-iisa lang talaga ang kaibigan ko ngunit siya ay isinama ng kanyang magulang sa ibang bansa, siya lang ang tanging kaibigan ko na pinagkakatiwalaan ko at nila Inay, hindi din kasi ako mahilig makipag-barkada mas gugustuhin ko na lamang na manitili dito sa bahay at tumulong kaysa lumabas baka mamaya mapahamak pa ako.

Kahit dati noong nag-aaral pa ako bahay to school lang talaga ako pwera lang kapag inaalok ako ng kaibigan ko na iyon pero syempre siya ang nagpapaalam kila Inay at dahil malaki ang tiwala nila sa kanya ay pumapayag sila.

Saktong pagkatapos ko nag-ayos ay sinigurado ko na kompleto na ang gamit ko at wala na akong nakalimutan. Naglagay muna ako ng kaunting pulbo at lip balm dahil sa tingin ko naman ay ayos na iyon saka di naman ako marunong mag-make up.

Ang suot ko pala ay isang white polo at slacks pants na fit sa akin tapos naka tuck in kaya kitang kita ang hubog ng aking katawan lalong-lalo na ang may katambukan kong pang-upo, ang pang-yapak ko naman ay isang white shoes na may katagalan na ngunit nanatiling malinis tignan dahil talagang iniingatan ko dahil di naman pinupulot ang pera na pinambili.

Pagkalabas ko ay naabutan ko sila Inat at Itay na nakaupo sa sala.

"Nay! Tay! aalis na po ako." sabi ko habang papalapit ako sa kanila. Kaya tumayo sila.

"Aba grabe anak ang ganda mo at ang sexy ng dalaga namin manang-mana sa Nanay." nakangiting sambit ng Inay.

"Kaya nga anak baka naman tumaas libido ng boss mo kapag nakita ka niya." natatawang lintaya ni Itay kaya natawa naman ako baka mamaya babae pala ang boss ko.

"Jusko ka naman Itay kung ano-ano po ang sinasabi mo, sige mauuna na po ako baka unang araw palang po eh may record na po ako kaagad." wika at paalam ko kila Inay at Itay saka ako humalik sa kanila at ganun ang ginawa nila, pinaalalahanan pa nila ako na mag-iingat daw ako.

Nandito na ako sa sakayan ng jeep at kaloka tinitignan ako ng mga tao lalo na ng mga lalaki. Sumakay na kaagad ako sa jeep at maya-maya pa ay umandar na.

"Manong bayad po, isang A. B. Company po, makikisuyo po ng bayad." pag-aabot ko ng bayad, pagkatapos kong magbayad ay itinuon ko na ang pansin ko sa labas. Parang kina-kabahan ako na hindi ko alam.

Ngayon ay narito na ako sa harapan ng A. B. Company, bakit ganito ang nararamdaman parang di ko talaga maipaliwanag.

"Kaya ko ito para sa magulang ko." bulong ko bago nag-pasyang pumasok at sinalubong ako ng ngiti ng guard kaya ngitian ko din ng napakatamis medyo namula si kuyang guard.

"Goodmorning po Ma'am!" masiglang bati sa akin ni kuyang guard.

"Magandang umaga din po! Saka hindi po ako babae, lalaki po ako." sambit at paliwanag ko pabalik.

"Ayos lang po yan mukha ka naman pong babae, sige po pasok kana po Ma'a-- ay este Sir po pala." sabi ni kuyang guard kaya medyo nahiya tuloy ako. Pumasok na ako at may babaeng lumapit sa akin pero parang feeling ko di siya babae.

"Hello po Sir Aiden! Goodmorning! Ako po si Dariel Davis at ako po pala ang naka-assign to assist you po. Nice to meet you po at sobrang ganda mo po pala sa personal." sabi niya, talagang tama ang kutob ko kagaya ko din pala siya. Grabe mukhang mas maganda pa nga siya sakin eh.

______________________________________
Hello po mga kaungol ito na po. Happy 1k reads po, maraming salamat po sa inyong lahat. Napakalaking bagay na po sakin ito lalo na po at baguhang writer lamang po ako. Thank you po at keep safe po sa inyong lahat.

📍Plagiarism is a crime
Please follow and vote💕
@Jayjaymoan😻




El Monstruo [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon