📍WARNING: SLIGHT MATURE & SENSITIVE CONTENT AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK.
Aiden Azrael
MABILIS ang lakad ko habang nakayuko dahil bala nasa paligid lamang si Braxton. Ngunit sa pagmamadali ko ay di ko napansin ang taong nasa harapan ko, kaya nabunggo ko siya.
Napaupo ako sa lakas ng pagkabangga ko sa kaniya pero kita ko na hindi manlang siya nagalaw sa kinatatayuan niya.
"It looks like you're in a hurry mi conejito." wika nang taong nasa aking harapan, ramdam ko ang panganib sa boses niya.
Nanginig ako sa takot dahil nandito na siya, pero di ko pinahalata, nanatili lamang akong nakayuko saka mabilisang tumayo.
"S-sorry po Sir, m-mauuna na p-po ako." nautal-utal na sabi ko sabay lakad sa gilid niya upang lagpasan sana siya. Ngunit bigla niyang hinigit ang aking braso saka ako kinaladkad papunta kung saan.
"Braxton nasasaktan ako, parang awa mo na tama na" umiiyak na sambit ko habang mahigpit na hawak ni Braxton ang aking braso.
"Masasaktan ka talaga may balak ka pang tumakas at bakit may lalaki ka na ba na maipagmamalaki, diba sabi ko sayo pagmamayari kita." Galit na saad ni Braxton habang hila-hila ako papunta sa parking lot ng mall.
" Braxton ayaw ko na di na ako babalik sa impyernong bahay na yun at sa demonyong kagaya mo." Sigaw ko sa kaniya, kaya napatigil si Braxton sa paglalakad at hinarap ako, napaigtad na lamang ako ng makita ko ang nagbabagang mga mata ni Braxton sa sobrang galit at mas lalong humigpit ang pagkakahawak neto sa aking braso.
Hinawakan ni Braxton ng mahigpit ang pisngi ko at pinisil kaya napabuka ang bibig ko at mas lalong napaiyak sa sakit "Wala akong pakialam kung ayaw mo dahil sa ayaw at sa gusto mo akin ka wala nang ibang magmamayari sayo." Sambit ni Braxton sa mukha ko at binitawan ang mukha ko at pagkarating namin sa sasakyan ay mas lalong akong nagpumiglas sa pagkakahawak ni Braxton.
"Bitawan mo ako demonyo ka hindi ako sasama sayo, wala nang mas sasama pa sayo, bitawan mo ako." nagpupumiglas na sigaw ko ngunit ramdam ko na si Braxton ay sobrang nagpipigil na nang galit.
Binitawan niya ako, tatakbo na sana ako nang biglang nagsalita si Braxton. "Ang saya naman ng mga magulang mo, ano kaya kong kamustahin ko sila." nanlumo ako't nanghihina ang mga tuhod na humarap kay Braxton na ngayon ay malaki ang ngisi sa labi.
"Braxton parang awa mo na wag ang mga magulang ko." umiiyak at nagmamaka-awa na wika ko.
"Madali naman ako kausap Aiden, sige hindi ko gagalawin ang magulang mo pero kailangan mo sumunod ka sa lahat ng gusto ko." nakangising sambit niya saka lumapit sa akin na hindi na makagalaw sa aking kinatatayuan sabay hila muli sa akin papunta sa sasakyan niya at pabalya akong itinapon sa harapang upuan. Hindi na ako nakapalag pa dahil ang iniisip ko ang mga magulang ko, ayaw ko silang madamay pa dito, alam ko na marami pang kayang gawin si Braxton.
BINABASA MO ANG
El Monstruo [BxB]
ספרות נוערEl Monstruo: On-going| Rated 18 | Bl | Mpreg "Ang akin ay akin lang, walang kahit sino mang magmamay-ari sayo maliban sa akin." -Braxton Barrette🍁 @Jayjaymoan😻