Heto Na Naman Tayo
'Ayan.
Pumapatak na naman.
Pumapatak na naman ang mga luha sa 'di malamang dahilan.
May isang bata na namang nalulunod sa kalungkutan.
Gusto nang makatulog ngunit patuloy na naglalayag ang isipan.
Kailan kaya siya makatatakas sa karimlan?
Kailan kaya niya matatamo ang kalayaan?
Hindi niya malaman kung saan siya nasasakal.
Hindi alam kung anong ikinapapagal.
Patuloy ang layag ng isip kahit pagod ang katawan.
Lumuluha, sa hindi tiyak na dahilan.
Heto na naman tayo.
Hindi na naman tayo makatutulog agad nito,
Umiiyak na naman si boss amo.
Hayaan n'yo na,
May mga gabi talagang gan'yan siya.
Titigil din 'yan 'pag napagod si mata.
Teka nga, puso,
Bakit hindi si utak ang sisihin n'yo?
Siya kaya ang nag-iisip dito,
Kaya hindi ko rin magawang huminto.
Oo nga, tama nga naman si mata.
Ako nga rin dito parang muling magugutom na,
Buti pa 'yong si paa, nakakapahinga.
Hoy, hindi ha,
Heto nga't hindi rin ako makaalma,
Panay ang galaw niya sa akin, walang palya.
Pasensya na, mga kasama,
Hindi ko na kasi talaga kinakaya,
Hayaan n'yo muna akong ngayong gabi ay maging mahina.
Hayaan n'yong ang lahat ng sakit ay aking mailuha,
Hayaan n'yong ang lahat ng bigat ay makawala,
Sapagkat bukas, ako'y muling makikidigma.
Muling makikipaglaban sa mga daluyong at sigwa,
Muling susubukin ang pasensya at tiwala,
Muli na namang mag-iipon, ng mga sakit, na sa susunod na iluluha.
--
Started: October 20, 2024
Finished: October 21, 2024
This is how I mourn Liam Payne, and all the bottled up frustrations and pain.
YOU ARE READING
The Poetic Side
PoetryThoughts of a Random, Twisted Mind, translated into Poems. The Poetic Side of an Emo. Lol
