Steven's POV
"Yun na ba lahat?"
"Yes, sir Steven. Checked na po lahat ng nasa list." Sagot naman ng manager ko dito sa resto. He even showed me the check list.
"Sige. Pasok na lahat sa stockroom yan." Utos ko.
Pagkacheck ko sa watch ko ay alas sais na pala. Pero may time pa naman ako to rest a bit bago pumunta sa party mamaya.
Iniwan ko na sila matapos non at dumeretso muna ako sa condo. Habang nagdadrive, tinawagan ko muna si Dani. Sabi ko kanina di ko sya madadaanan e. Pero good thing natapos kami kaagad. Kaya lang di sya sumasagot.
I just decided to text her dahil baka natutulog pa sya. Alam nyo na, beauty rest.
When I got to my condo, nagpahinga lang ako ng kaunti and took a warm shower. Naginhawaan naman ako. I think nangawit din ako kanina habang nagchecheck ng supplies.
I set my alarm. Pwede pa kong matulog ng two hours bago pumunta sa party. Pero bago ako natulog, I checked on Dani again.
"Hello, my love. Nasa condo ka na?" Bungad nya sa akin.
"Yes, love. I'll just sleep muna bago pumunta sa venue. I just called to check on you and sabihin sayo na masasabay kita mamaya."
"Ha? Huwag na. Idagdag mo nalang sa oras ng tulog mo yung time na spend mo sa pagdaan sa akin. Sasabay na ako ni Sara. Out of way ka pa man din."
"Sure ka?" Antok kong tanong.
"Haha oo! Sige na sleep na, love. Naghihikab ka pa dyan e."
"Okay. See you later my love. Text or call me pag kasama mo na si Sara." I yawned again kaya naman natawa sya ulit.
"Sige na. Sleep well, love. I love you."
Ang lambing ng pagkakasabi nya kaya kahit antok na ko ay di ko napigilan ang ngiti ko.
"Napangiti ka no?" Biglang sabi nito sa kabilang linya.
"Syempre. Ansarap kayang pakinggan. I love you more, my love." balik ko sa kanya.
"I know. See you later, love! Bye!"
Pagkaend ng call ay nakatulog na din ako.
Gaya ng sabi ni Dani, hinayaan ko na syang sumabay kay Sara. Tumawag naman sya kanina to inform me na on the way na sya with Sara.
Medyo late na ko ng isang oras pero pag nightlife at party ang usapan, 11pm is still early.
I think nareserve ang buong place coz halos familiar faces ang nakikita ko. But my eyes immediately searched for Dani. As I scanned the crowd, a lady in an orange dress caught my attention. Her back was facing me pero sigurado akong sya yon. She's dancing with some ladies while holding their drinks.
I approached her and circled my arms around her waist ng makalapit na ko sa kanya.
"Hi, love." I wisphered in her ear.
"Hey! You're here na!" Nilingon nya ko and she gave me a peck on the lips.
"Angsweet!" Kunwaring kilig nina Sara. Kasama nya ang boyfriend. Nginitian ko naman sila at nakipagshakehands sa kasama ni Sara.
BINABASA MO ANG
Love Deferred
Fanfiction"Saan ka man mapadpad, asahan mo, pagbalik mo, ako pa rin ang sasambot sayo." That's what he told me three years ago. Three years ago mula ng piliin kong sundan ang mga pangarap ko. Will he still remember what he told me? May babalikan at sasalo pa...