Chapter 38: Awkward

542 19 14
                                    

Author's POV

Naging trending topic ang pag-confirm ni Steven sa status nila ni Daniela. Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng kanilang interview ay hindi na natigil sa pagtunog ang mga cellphones ng kanilang mga managers sa sunod sunod na tawag ng iba't ibang manunulat at programa sa tv at radyo upang makakuha ng scoop sa dalawa.

"Ah, hindi pa namin maconfirm kung kelan pwede yung dalawa. Call us again next week. Pasensya na. Bye." Sabay patay ni Mother Lou sa kanyang telepono.

"O sya, sige. Balitaan ko nalang kayo next week. Bye." Ani Boss Ben pagkatapos ay pinatay na rin ang kanyang cellphone.

"Sinasabi ko na nga ba, mangyayari to, Ben." Ani Mother Lou sa katabing manager ni Steven. Nasa isang private room sila ngayon sa isang restaurant. Dito sila dumiretso matapos ang interview ng kanilang mga alaga.

"Off mo muna yung cellphone mo, para wala munang istorbo." Mungkahi ni Mother Lou sa kapwa manager.

"Mabuti pa nga. Hay naku. Pambihira talaga kayong dalawa, Steven, Daniela." Natatawang sabi ni Boss Ben.

"Ganun talaga, Ben. Expect ko na to noon na ganitong ganito ang mangyayari sa oras na umamin itong dalawang to. Alam mo namang matagal ng usap-usapan kung anong meron sa kanila noon pa man." Sabi ni Mother Lou habang kumukuha na ng pagkain.

Sa harapan naman nila nakaupo sina Daniela at Steven na natatawa sa mga nangyayari. Hindi nila inakala na pagkakaguluhan ang pag-amin nila.

"Kumain na lang muna po tayo, Mother Lou, Boss Ben. Mukhang madami-daming tawag pa po ang sasagutin nyo pagka-on ng mga cellphones nyo." Biro ni Steven na hindi malayo sa mangyayari mamaya.

"O, basta, bukas, after nyong mag-guest, for sure, aabangan kayo ng mga paparazzi at maraming mangaambush interview sa inyo. Huwag nyo munang ientertain masyado. Answer some questions but not detailed. Ireserba nyo yung mga sagot nyo." Paalala ni Mother Lou.

Tumango naman ang dalawa bilang pagsang-ayon.

"Tama. Saka bukas nga pala ay maggiguest din si Charlie. Careful. Lalo ka na Steven." Paalala naman ni Boss Ben.

"Umiwas ka na din, Daniela. As much as possible ay huwag kang lalapit sa kanya. Alam mo naman na maraming nakamasid sa paligid nyo na hinihintay lang kayong magkamali para hatakin pababa. Lalo na ngayong naging matunog pa man din ang mga pangalan nyo." Muling paalala ni Mother Lou.

"Yes, Mother. Alam ko naman po yon." Sagot ni Dani at matipid na nginitian ang manager.

"Don't worry, Mother. Hindi ko po hahayaang mawala sa paningin ko to bukas." Masayang dugtong naman ni Steven saka umakbay sa kanyang girlfriend.

Steven's POV

Matapos kong ihatid si Dani sa kanilang bahay at dumiretso na muna din ako sa bahay ng mga magulang ko. Hindi kasi sya makapaghintay na ikwento ko sa kanya ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo dahil hindi ako sa bahay umuuwi.

Magaalas-nuebe na ng makarating ako sa bahay at nadatnan ko sina mommy na nasa terrace na nagpapahangin kasama si dad.

"Anak!" sinalubong ako ng yakap ni mommy.

"Mommy, dad, buti nandito po kayo sa labas?"

"Excited kasi itong mommy mo, anak." Niyakap din ako ni dad ng makalapit na kami ni mommy sa kanya.

"So, nagkabalikan na talaga kayo?" Tanong agad ni mommy.

Malaking ngiti ang kumawala sa aking mga labi bago ako nagsalita. "Yes, mommy. Kami na ulit ni Dani."

Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon