Chapter 7: Denial and Confusion

501 20 3
                                    

Habang malalim at tahimik na ang gabi ay sya namang gising ng diwa ni Steven habang nakatitig sa kawalan.

What are you doing, Steven? Bulong nito sa sarili while he keeps on replaying what happened during their dinner meeting.

Ang mukha ng babaeng di nya makalimutan ay patuloy na gumagambala sa kanyang isipan dilat man sya o hindi.

Her beautiful face na kailan man ay di nya pinagsawaang titigan, her inviting lips and captivating eyes, lahat ng iyon ay kabisadong kabisado nya.

He felt stupid though sa lahat ng instances na nagnakaw sya ng tingin sa dalaga during their dinner meeting. Oh how could he not? Lahat naman yata ay di mapigilang di mabighani sa ganda ng isang Daniela de Guzman, including himself.

Sa kanyang pag-iisip, he decided to call a friend na lagi nyang tinatakbuhan for more than a year now. Laking pasasalamat nya at nagkaroon sya ng isang kaibigang tulad ni Tan.

"Come on pick up, Tan." nakapikit na sabi ni Steven habang hinihintay na sumagot ang kaibigan sa kabilang linya. At ilang sandali pa ay...

"Mmm... Tebong, alas-dos na ah? Bakit napatawag ka?" tanong ng naalimpungatang si Tan.

"Tol, I'm confused." natatarantang sagot naman ni Steven.

"Bakit nanaman? Yung ex mo yan no?" muling tanong ni Tan.

"Unfortunately...oo." pasinghal na sagot ng binata.

"Tol, ilang beses ko na bang narinig yan sayo? Paulit-ulit tayo eh. Alam mo, itulog mo muna yan, please lang at ng maituloy ko na rin tulog ko. Maaga pa call time ko bukas." reklamo ni Tan.

"Pero tol, this is important! She's back!"

"Ha? Yung ex mo nandito na sa Pinas?" gulat na tanong ni Tan na napabalikwas pa mula sa pagkakahiga. Animo'y nawala ang antok sa kanyang narinig.

"Yes. You heard it right. Nandito na sya ulit. Actually, I met her yesterday during our dinner meeting.

"Ha? Teka, dinner meeting? E di ba para yon sa new projects mo sabi mo?"

"Correct." matipid na sagot ni Steven.

"Wait lang ha? Naguguluhan ako. Don't tell me, yung pini-pair sayo ni Sir Philip na sinisikreto pa nila is none other than your ex?"

"Ang galing mo talaga, tol. Tumpak." 

"Oh my gaaaaadddd!!! Seryoso???" malakas na bulalas ni Tan sa kabilang linya.

"Aray! Di masakit sa tenga ah. Sige lakas mo pa!" sarkastikong sagot ni Steven.

"Sorry, Tebong. Gulat ako eh. How come? Sino nga pala yang ex mo? Antagal ko ng tinatanong sayo kung sinong artista yan never mong sinabi sa akin. Lagi nalang anonymous. Lakas makablind item."

"Makikita mo rin sya, tol. Basta, my problem right now is how I'm going to be around her!"

"Bitter ka pa din? Tagal na non ah?"

"I'm not bitter!"

"That's what you always say but you don't hear your tone everytime you say that." prangkang sagot ni Tan.

"See? Tol, aminin mo na kase na di ka pa nakaget-over sa ex mo." patuloy ng kaibigan.

Sa kabilang linya ay dinig ni Tan ang pagbuntong hininga ni Steven.

"If I were you, I'll tell her what I saw and I'll ask for an explanation. Yun dapat ginawa mo when you went to London to surprise her. Kaso, ano? Walk out ka agad. Di mo man lang kinonfront. E di sana di ka ganyan ngayon."

"Ewan ko, tol. Naguguluhan na ko. Ansakit na ng ulo ko sa kakaisip."

"E yung puso mo?" sabat ni Tan.

Nanahimik lamang si Steven sa kabilang linya.

"Tol, still there?"

"Yah... Andito pa ko."

"Hay... Ang mabuti pa, itulog mo muna yan. Ok? Saka ka na mag-isip. Kelan kayo ulit magkikita?"

"Two days from now. We'll have a pictorial para sa new drama namin."

"Okay... Later tonight after ng taping, kita tayo sa fave coffee shop natin, game? Unless you're going to be busy..."

"Sige, gusto ko yon." mabilis na sagot ni Steven.

"Okay I'll just text you then pagkatapos na pagkatapos ng taping."

"Sunduin nalang kita." alok ni Steven.

"Ha? Sigurado ka? Medyo malayo yung location namin. Sa Tagaytay pa." sagot ni Tan.

"It's fine. Road trip na rin yon." nakangiting sagot ni Steven kahit di sya nakikita ng kaibigan.

"Uuuyy... Namiss mo lang yata ako eh." biro ni Tan.

"I just really need to talk to a friend, tol."

"Okay. Sabi mo eh. Sige tol, tulog na ha. I'll see you. Goodnight!" paalam ni Tan.

"Salamat, tol. Goodnight."

Matapos makausap ang kaibigan ay gumaan ang pakiramdam ni Steven kahit papaano. Ngunit sa kanyang isipan ay di nya maalis ang posibilidad na baka tama nga si Tan na hindi pa sya nakakamove on, na kailangan nya ng explanation mula kay Daniela para sa ikatatahimik nya.

Hindi pa ba ako nakaka-move on, Daniela? Kaya ba hanggang ngayon ay naaapektuhan pa rin ako? Bulong nito sa isipan.

********************************

The next morning, halos tanghali na ng gising si Daniela. She must've been really exhausted the previous day kaya late na syang nagising. Her sister is no longer beside her. Mukhang pumasok na ito sa trabaho. On her table beside her bed, she saw a tray of food, a glass of water, some meds and a note that says "Ubusin mo lahat yan and take the meds. You'll feel better. :)"

"Sweet talaga ng ate ko." nakangiting sabi ni Dani.

Kinain naman nya lahat ng pagkaing nasa tray kahit almost lunch time na. Habang kumakain, she turned on her flat screen and browse on different channels. Sa paglilipat nya ng channel ay biglang tumunog ang kanyang celphone. When she checked who's calling ay ang manager pala niya ang tumatawag. Pagkasagot nito saktong napatingin sya sa tv. Isang commercial ang bumungad sa kanya and the guy on the commercial looks so hot with a hat and the buttons on his shirt are all open. From waist up ang unang pinakita kaya napatitig sya sa bandang abs ng commercial model. When she finally saw the face of the model ay napanganga na lamang sya sa gwapong mukha ng morenong chinito sa tv.

"Dani, are you listening hija?" tanong ni mother Lou sa kabilang linya.

"Ay, teka lang po." sagot nito and she's really surprised sa batak na katawan ng kanyang ex.

"Gosh! Why are you so hot now?" mahinang sabi nito but loud enough for mother Lou to hear.

"Hey! Dani! Sinong kausap mo?" malakas na sabi ni mother Lou that brought her back to reality.

"I-I'm sorry mother, y-yes, andito, I'm here. Ano po yon ulit?" she stuttered.

"Sabi ko, you'll have a pictorial two days from now with Steven."

"Ho? W-with S-steven?"

"O bakit? Parang gulat ka hija. Okay ka lang ba?" concern na tanong ng manager nya.

Kinalma muna nya ang sarili bago sumagot. Isang inhale, exhale and she felt her heartbeat relaxed a bit.

"Yes, mother. Baka dahil sa lagnat ko lang to kagabi. I'm okay now don't worry." paliwanag nito.

"Okay, so, ayun na nga, don't forget yung pictorial sa studio. I'll pick you up at 4pm sasamahan kita since I need to check din yung mga shots na makukuhanan. Don't worry about the outfits, may mga nakaprepare na kayong susuotin. Okay, hija?" pagkaklaro ni mother Lou.

"Copy, mother." matipid na sagot ni Dani.

However, inside her, she felt anxiety.

Pagkababa sa kanyang celphone ay napasinghal na lamang ito dahil two days from now, makakaharap nanaman nya ang lalaking gumugulo sa kanyang puso't isipan.

Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon