Chapter 29: Changes

542 24 9
                                    

Daniela's POV

Magdadalawang linggo na ang nakalipas mula ng may mang-yari sa amin ni Steven. Hindi ko yon pinagsisisihan. Sa kanya ko lang naman kayang ibigay ang sarili ko.

Sa bawat araw na nagdaan ay mas nagiging sweet sya sa akin na kahit may ibang mga tao pa kaming kasama ay lantaran nya ng hinahawakan ang kamay ko. No more stealing glances and chances of holding each other. Kapag gusto niya ginagawa nya.


Tanging mga mapanuksong tingin at ngiti lang naman ang ibinibigay sa amin ng mga kasamahan namin maliban kay Nay Marya at Sara na nakwentuhan ko na kung ano nga bang meron sa amin ni Steven ngayon.


Masayang masaya sila para sa amin kaya mas komportable din kami ni Steven na maging malambing sa isa't-isa kapag sila ang kasama.



Mula ng maging okay kami ay nagrequest syang sa iisang tent nalang kami. Pinagbigyan naman sya.




Okay na sana ang lahat maliban sa isa--si Charlie.



Last week ay nasa iisang show kami kung saan kami nag-guest. Steven was extremely protective that day. Nakasingit lang si Charlie nung paalis na ito dahil sandaling umalis si Steven dahil may kumausap sa kanya.




Mabuti nalang hindi nya nakita nung yakapin ako ni Charlie ng mahigpit at laking gulat ko nang humalik ito sa aking pisngi. Aaminin ko, may naramdaman akong kung ano sa ginawa nya pero hindi yon matindi katulad ng nararamdaman ko pag si Steven ang gumagawa nun.




Charlie has been messaging and trying to call me also mula nung nakuha nito ang number ko sa isa sa mga kaibigan namin sa industriya.



Hindi ko alam bakit ang kulit pa rin nito. Matagal ko ng tinapos kung ano man ang namamagitan sa amin mula nung si Steven ang piliin ko.




"Akala ko ba magpapahinga ka muna?" Napangalong babang tanong ni Steven habang tinititigan ako. Nilingon ko naman sya at ngumiti ng kaunti.


"Nag-iisip lang sandali." I told him truthfully at inilapit nito ang mukha nya.


"Dani, pagod na ko." Seryosong sabi nito.


"H-huh?" Naguguluhan kong tanong dahil hindi ko alam anong ibig nyang sabihin at medyo kinabahan pa ko ng kaunti.


"Pagod na ko kase...kanina pa ako tumatakbo sa isip mo e." Seryoso pa ring sabi nya. Natampal ko tuloy sya when I realized na bumabanat ang mokong.



"Loko ka talaga. Ang corny pa ha." kunwaring inis kong sabi pero natawa na ako ng ngumiti ito ng pagkacute-cute.



"Hala! Paano yung ngiti? Ang arte Steven ha!" Natatawa ko pa ring sabi.


"O, e di tumawa ka rin. Ang seryoso mo kanina eh."


"Hay nako, ikaw talaga." at tinampal ko nanaman ang pisngi nito na ikinatawa naman nya.





"Nabasa mo na to sa script?" Pagiiba nya ng usapan.





"Hindi pa. Dyan ka na nga? Advance mo naman!" Nagulat ako ng makitang nasa next episode na ang binabasa nya samantalang ako ay hindi pa totally nababasa ang para sa araw na to.




"Hindi naman ako nagmememorize. Binabasa ko lang. Meron kasing magaganap sa mga characters natin dito, o." At pinabasa na nga nya ang nakalagay sa script.



Nanlaki ang mga mata ko ng mabasang love scene iyon. Tawa naman sya ng tawa na parang kinikilig habang binabasa ng malakas ang script.



Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon