Chapter 26: Not My Lover

379 23 10
                                    

Steven's POV

Mukhang nabadtrip talaga si Dani ng sinabi kong si Tanya ang tumawag. Kasalanan ko din naman kung mag-iisip sya ng hindi maganda dahil pinakilala kong "special friend" ko si Tanya noon.

Espesyal naman talaga si Tanya pero magkaibigan lang talaga kami.

"Kung tatayo lang tayo dito ay uuwi na talaga ako." Inis niyang sabi sa akin at aktong aalis na.

Mabilis ko naman syang napigilan at dinala sya sa sala.

"Huwag mo akong hawakan." Inis pa ring sabi nito.

"Dani, please relax. It's not what you think it is." Mahinahon kong sabi sa kanya.

Huminga ulit ito ng malalim saka pabagsak na umupo sa sofa crossing her arms in front of her chest saka dumekwatro.

Okay, I think makikinig na sya. I thought to myself.

"Tumawag si Tanya just to remind me sa lakad namin this Sunday." Panimula ko which made her brows knit.

"Hep! Before ka magreact, let me tell you why." Patuloy ko.

"Nung nakita mo syang pumasyal sa set last month, she asked me a favor para samahan sya sa kasal ng friend nya...and, I said yes. She just called me a while ago to remind me about that. Nothing more, nothing less." Mabilis kong paliwanag sa kanya dahil hindi naman kailangan ng mahabang paliwanagan.

Pagkasabi ko nito ay umirap sya at napasandal sa sofa. Animong batang nagmamaktol dahil sa hindi nagustuhang narinig.

Magsasalita na sana ako ulit ng bigla syang nagtanong.

"E bakit ikaw ang hiningan nya ng favor? Saka bakit ganitong oras sya tumawag? Ano mo ba talaga sya?" Dirediretsong tanong nito.

I can sense annoyance and if I'm not mistaken, may kasamang selos din. Ganito si Dani noon kapag may hindi kami pagkakaintindihan. Pinapakita nya ang nararamdaman nya sa tono ng pananalita at itsura nya. Kahit pagalit syang magsalita ay marunong pa rin syang makinig. Yun nga lang, hindi talaga sya magpipigil ng emosyon nya kaya mas madalas ako ang nagpapaubaya.

Natawa ako habang naiiling na lang. Hindi pa rin sya nagbabago.

"O, bat tumatawa ka dyan? Nageenjoy ka na naiinis ako?"

"Ang cute mo kasing magselos." Sabi ko saka lumipat sa tabi nya at inilapit ang mukha ko sa kanya para tignan sya mata sa mata.

"Sabi ko inis hindi selos!" She pouted and looked on the other side. Halatang umiiwas para hindi ko mapaamin.

Mas lalo akong natawa at niyakap sya. I placed my chin on her shoulder. At first nagreresist sya pero mas hinigpitan ko pa ang yakap ko.

When she stopped resisting, I spoke again. "She's not my lover." at napatingin na ito sa akin.

Alam kong yun lang ang gustong marinig ni Dani na sabihin ko--ang amining walang namamagitan sa amin ni Tanya.

"Sus! E bakit ganun ang pakilala mo sa kanya sa amin ni Sara?" sumbat nito.

"I just want to see how you would react that time."

That's a lie, Steven. There's more than that. Bulong ko sa sarili.

"Bakit?"

"Gusto ko kasing makita kung magiging affected ka kung sakaling may iba na talaga ako."

I saw her pursed her lips after I said that. I can see different emotions in her eyes.

This time, I loosened my embrace on her and make her body shift towards me. We just looked at each other for a while before I spoke again.

"Kaibigan ko lang si Tanya. Okay?" Diretsong sabi ko. I made sure she'll see through my eyes and tone of my voice na hindi ako nagsisinungaling. With that ay tumango lamang siya bilang tugon sa akin.

Sumandal ako kasama sya at hinalikan ko ang ulo nya.

We were like that ng magsalita na syang muli.

"So...sasamahan mo sya sa Sunday? We won't do our Sunday routine?" Malamig ang tono nya ng tanungin ako.

"Yeah... I'm sorry about that. I'll make it up to you. Promise babawi ako. Hmm?" At muli akong humalik sa ulo nya.

Daniela's POV

Halos makalimutan ko na si Tanya sa mga linggong nagdaan na nagkakalapit kami ni Steven. Hindi ko alam kung masyado lang akong kampante na ako pa rin ang mahal ni Steven o dahil baka hindi ko naramdaman na may kahati ako sa attention niya mula ng maging maayos uli kami. Basta nakalimutan kong itanong sa kanya noon kung sino ba talaga si Tanya sa buhay nya. Ikinahinga ko naman ng maluwag ang ngayong pagamin na sa akin ni Steven na wala talaga silang relasyon ni Tanya. Pero hindi ko pa rin gusto yung idea na sasamahan nya ito sa isang kasal.

I don't like my man escorting another woman to an event kahit na pa kaibigan lang nya ito.

I'm not possessive pero ayoko lang ng kahati.

I know Tanya is a good person dahil nabasa ko naman yon sa awra nya noong pinakilala sya ni Steven but I'm very curious right now kung gaano nga ba sila kaclose bilang magkaibigan nitong lalaking to.

Kailangan ko syang tanungin tungkol dito para mas mapanatag ako at hindi mag-overthink.

"How did you two become friends?" Biglang basag ko sa katahimikan naming dalawa habang nakahilig ang ulo ko sa balikat nya.

"I met her on set." Casual na sagot ni Steven.

"Kelan? When I left?"

"Yes. Months after you left, nagkaroon ako ng romantic-comedy series kasama sya at si Nay Marya."

"Gaano kayo kaclose?" Biglang tanong ko.

"Why are you asking that?" Nagtatakang tanong nya.

I have to ask everything now para matapos na to. I told myself.

"Gusto ko lang malaman. Kase..." napabuntong hininga muna ako bago nagpatuloy. "Kase, napansin ko parang masyado kayong close."

There, I said it.

"Hey, are you jealous?" Natatawang tanong ni Steven.

"Bat natatawa ka? Sagutin mo nalang yung tanong ko." Parang batang sagot ko.

He sat us up straight saka niya ko hinarap sa kanya bago siya sumagot.

"To be honest? We're really close but not in a romantic way. Para ko lang syang kapatid." he assured me.

"Talaga?"

"Oo naman. Kaya wag ka ng magselos dyan." I looked in his eyes intently para basahin kung may kahit katiting man na kasinungalingan sa sinabi nya pero wala akong makita.

When I finally sigh and broke eye contact, he embraced me and isinama nya sa paghiga sa sofa.

We stayed like that for a while at habang nasa dibdib nya ang ulo ko ay naririnig ko ang tibok ng puso nya. It calms me. Para bang sinasabi nito na hindi ako dapat mangamba.

Hindi nga ba?

Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon