Chapter 15: Feels Like Home

539 16 13
                                    


"Ano po yon, Nay? Shiniship nyo po kami ni Dani?" sabat ng nakakunot noong si Steven.

Napalingon ang tatlo at biglang nagulat ang lahat sa biglang pagdating ng aktor.

"Ha? Ah, eh, napaka-bagay nyo kasi ni Dani, hijo. Yun ang ibig kong sabihin." Mabilis na depensa ni Ms. Marya. "Ako ha, sa tagal ko na sa industriyang to, madalang lang akong makakita ng magkapareha na sumasabog ang chemistry sa screen." Dagdag pa nito.

Pagkasabi nito ay nagtinginan sina Dani at Steven. Nginitian sya ng dalaga ngunit kaagad na nagiwas ng tingin si Steven in a subtle way at kay Ms. Marya ibinaling ang tingin nito.

"Ikaw talaga, Nay. Yun din sabi mo sa amin ni Tanya dati." Natatawang sabi ni Steven.

"Ha? Ahh...Oo nga, pero di ko naman sinabing sumasabog ang chemistry nyo sa screen. Alam mo kase anak, yung sa inyo ni Tanya swak kayo sa kakulitan eh. Dun lumalabas chemistry nyo. Pero kayo ni Dani, itsura palang bagay na bagay na. Magkahawig nga kayo eh. O, tignan mo, Sara. Nakikita mo ba ang sinasabi ko?" baling nito kay Sara.

"Ay! Yes na yes, nay!" Pagsang-ayon ng dalaga na nag-thumbs up pa.

Akmang magsasalita si Steven ay biglang pumasok ang isang staff sa kanilang tent upang abisuhan na malapit na silang mag-shoot.

"Five minutes po daw sabi ni direk. Get ready na po." Sabi nito.

"Tara na?" Aya ni Dani kay Sara pati kay Steven.

"Sige mauna na kayo. Susunod nalang ako." Ani Steven.

Pagkalabas ng dalawa ay ngumuso ang binata sa beteranang aktres.

"Kayo nay ha, binubuking nyo po ata ako sa dalawang yon." Nagtatampong parang bata na sabi nito.

"Of course not! Totoo naman sinabi ko na bagay na bagay kayo. Wala namang pambubuko doon ah?" Depensa naman ni nay Marya saka niya niyakap ang binata na para talagang bata.

"Naku ikaw talaga! Ang cute cute mo!" Saka nito pinisil ang pisngi ng binata.

"Pumunta ka na doon!"

"Opo."

"Yan. Very good."

Pagkalabas ni Steven sa tent ay nag-isip-isip ang aktres.

Papaano ko kaya mapag-aayos ang mga batang yon? Napabuntong hininga na lamang ito sa kanyang pag-iisip.

Natapos ang taping ng walang aberya kaya naman kaagad silang nakapag-pack up.

"Let me just remind you guys, sa Friday ang press con natin. Don't be late ha?" Paalala ni direk Tom.

"Yes, direk." Sagot ng lahat.

Friday came and both Dani and Steven are excited and nervous at the same time.

Dani came with her mom, manager and her ate Neri while Steven came with his mom and his manager.

"Ate, okay na ba?" Dani asked pertaining to her outfit and make up.

"Sus! Oo naman no! Ganda ganda mo na. For sure laglag panga yung kilala ko mamaya." Neri teased.

"Ate naman eh. Hindi naman ako nag-ayos para sa kanya." Lingad nito.

Napataas naman ang kilay ng kanyang ate habang napapailing sa sinabi nito.

"Wag ako, Daniela. I know you." Ani to na may pagturo pa kay Dani.

Inirapan lang ng dalaga ang kanyang ate na tinawanan lang ni Neri. They both know that Neri is right kaya walang maiganti si Dani sa sinabi ng kanyang ate.

Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon