"Ma... I think I'm too late." sambit ng dalaga kay Mama Rose pagkapasok sa kotse habang nangingilid ang kanyang luha.On their way home, mas lalong sumama ang pakiramdam ni Daniela. Hindi lang physically but also emotionally ang sakit na nararamdaman nya. Mukhang hindi kakayanin ng gamot na ininom nya na mapagaling pati ang kirot sa puso nya.
She never expected that Steven would act the way he did nung magpaalam ito sa kanya.
He's really trying to avoid me. Akala ko pa man din, false alarm lang dahil tinulungan nya ko ng kamuntikan akong magcollapse. Nagkataon lang siguro na nandun sya. She thought.
Napabuntong hininga na lamang ito sa lalim ng kanyang iniisip.
*knock knock*
"Pasok."
"Hey! O, bat ganyan ang mukha mo? Para kang inapi. Second night mo palang nagmumukmuk ka na? Anong drama yan girl?" usisa ng ate Neri nya.
At sa mga tanong ng ate nya ay napasibi nalang ito at tuluyang bumagsak ang luhang pinipigil nyang bumuhos kanina pa.
Kaagad naman lumapit si Neri to offer comfort sa kapatid.
"Ate..." sambit nito habang humihikbi na sa pag-iyak.
"Shhh... Tahan na. Napano ka ba?"
"Ansakit ate."
"Ang ano?"
"Si Steven..."
"Napano sya?"
At lalong bumuhos ang luha ni Daniela.
"Shhh... Sige iiyak mo lang muna." sambit ni Neri while trying to calm her sister.
Makalipas ang ilang minuto ay tumahan na rin si Dani at ngayo'y nasa higaan na sila ni Neri habang yakap pa rin ang kapatid.
"Okay ka na bunso?"
Tumango lamang si Daniela bilang tugon.
"Ano bang nangyari at iniiyakan mo si Steven? Nagkita ba kayo?"
"Kanina." matipid nitong sagot.
"Ha? Saan? Kailan? Paano?" sunod sunod na tanong ni Neri.
"Sa Shangri-La, during the lunch meeting with Sir Philip. Siya pala yung makakapareha ko sa mga ni-line up na upcoming projects ko." paliwanag nito.
"Oh my gulay! Seriously? Hindi mo ba alam na sya yung ipi-pair sayo?"
"I don't have any idea. Even my manager doesn't know. Di ba sinabi ko naman na sayo yon?"
"Hay grabe naman! Akalain mo yon? Si Steven pa pala makakasama mo ulit?"
"Kaya nga eh."
"Okay, now that I know about that, bakit naman ansakit ng iyak mo ng dahil kay Steven? It's been 1 year and half mula ng huli kayong nagusap di ba? Don't tell me ngayon mo lang naramdaman na wala na kayo?"
Napatingin lang si Daniela kay Neri dahil wala itong maisagot.
"Oh my! Don't tell me wala kayong closure?"
Dahil wala na namang maisagot ay tumalikod na lamang si Daniela.
"Bunso! Uy! Wag mo naman akong talikuran. Ang simple lang naman ng tanong ko eh. Oo o hindi lang. May closure ba kayo o wala?" pangungulit ng ni Neri.
"Hindi ko alam."
"Ha? Panong di mo alam? Daniela, may hindi ka kinukwento sa akin. What really happened between you and Steven?"

BINABASA MO ANG
Love Deferred
Fanfiction"Saan ka man mapadpad, asahan mo, pagbalik mo, ako pa rin ang sasambot sayo." That's what he told me three years ago. Three years ago mula ng piliin kong sundan ang mga pangarap ko. Will he still remember what he told me? May babalikan at sasalo pa...