Chapter 31: Walk Away

455 23 21
                                    


Steven's POV

Parang nagulantang ang katauhan ko ng makita ko ang mga pictures na kumakalat ngayon sa Twitter. Parang ansaya ko lang bago ako natulog kagabi. Paggising ko pala mapapalitan kaagad iyon ng hindi ko maintindihan kung anong pakiramdam ba ito.

Yung lalaking yon, sya nga ang nagbigay kay Dani ng mga rosas nung Sunday.

Ansakit isipin na niloloko nanaman ako ni Daniela. Kase magkaiba ang suot na damit ni Charlie sa dalawang pictures na yon na nakunan na papunta at palabas ng condo ni Dani. Ibig sabihin, hindi lang minsan pumunta ang lalaking yon at nagsinungaling din sya nung tanungin ko kung kanino galing yung mga bulaklak.

Napasinghap ako ng hangin dahil sa nararamdaman kong hindi na ko makahinga sa sakit dito sa dibdib ko. Pero ayaw tumulo ng luha ko which makes me feel like my throat is being constricted.

Ilang minuto ako natulala sa kinauupuan ko at kanina ko pa binitawan ang celphone ko. Parang nahugot bigla ang aking lakas sa nakita ko. Ilang minuto na ring kanina pa tumutunog ito dahil sa kakatawag ni Dani. Pero ayokong sagutin ito. Hindi ko alam anong sasabihin ko. Hindi rin ako handa kung sasabihin nyang nagbalikan na sila ni Charlie. Ayoko ring buksan at basahin ang mga texts nya. Parang wala akong lakas at naduduwag akong mabasa ang mga yon.

Biglang naramdaman kong nabasa ang kanang pisngi ko ng may kumawalang luha mula sa isa kong mata. Natawa ako na para bang nabubuwang. Lumuluha nanaman ako for the same reason.

"History repeats itself?" Parang tangang tanong ko sa hangin.

Matapos ang dalawampung minutong pagtunganga ko ay pinilit ko na ang sarili kong tumayo at ayusin na ang sarili. I have to compose myself. May trabaho akong kailangang gawin kahit parang tinutusok ang dibdib ko.

Pagdating sa set ay dumiretso ako sa tent ni Nay Marya. I pretended as if everything's fine but I know she sensed something's wrong. Buti nalang at hindi muna ito nagusisa.

I tried my best to ignore Daniela the whole day. Good thing ay wala kaming gaanong eksena na magkasama ngayong araw pero alam kong hindi na ako makakaiwas pa mamaya.

Nagsiuwian na ang iba naming mga kasamahan na artista at iilang staffs nalang ang nasa set. Last scene for today ay ang love scene nina Vince at Sam.

Kanina ko pa hindi gustong isipin yon dahil hindi ko alam kung papaano ko yon itatawid ng maayos.


Direk Tom gave us the instructions but I was out of focus at ramdam kong malapit na itong mafrustrate kapag hindi pa ako umayos.


Ramdam na ramdam ko ang tension sa pagitan namin ni Daniela and if I won't pull my sh*t together ay maaapektuhan ang kailangan naming gawin ngayon.


So I closed my eyes and counted one to ten to get myself ready. At nang marinig ko na ang cue ni direk, pinaglaho ko muna si Steven at inisip na ako si Vince na mahal na mahal si Sam. Oo si Sam ang katabi ko ngayon at hindi si Daniela. Kaya hindi dapat galit ang maramdaman ko kundi pananabik sa aking kasintahang si Sam bilang si Vince.

Dahil doon ay naramdaman kong ibang tao muna ako. Pero pakiramdam ko ay si Daniela pa rin ang kasama ko. If we're not in front of the camera, I would think that this is Daniela giving herself to me again. She's following my lead so well responding to my kisses and touch without inhibitions.


At sa huling eksena ay may mga kataga itong sinambit na wala sa script.

"I love you." Masuyong sambit nito.

I thought for a second before responding.

"I love you too, babe." I added Vince and Sam's endearment to avoid any possible confusion coz this is just an act so why the hell will she say she loves me after a scene.

Ha! Magaling nga syang aktres dahil muntik na kong maniwala doon katulad ng pagarte nya na wala ng namamagitan sa kanila ng lalaking yon.

Buti naman at natuwa na si direk sa huling eksena na iyon kaya he told us to packup already.

Matapos ang eksena ay tinulungan ko pa rin kahit papaano si Dani para maisuot ang pantaas nito. Nakakumot naman kami kaya hindi kita na naka-tube naman ito at hindi talaga nakahubad. Nagpasalamat ito matapos ko syang bantayan habang mabilis nyang nasuot ang tshirt nito. Nang masiguro kong bihis na sya ay dumiretso na ako sa tent.


Nililigpit ko na ang mga gamit ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko namang sinagot ita ng makita ang caller ID.

"Tol, how are you?" Tanong nito kaagad mula sa kabilang linya.


Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Ewan ko, tol. Hindi ko na din alam." I answered truthfully.


"San ka? Pupuntahan kita." She offered.


"Pauwi pa lang."

"Okay. Sa condo mo ba ikaw uuwi?" Malumanay na tanong nito na animo'y ingat na ingat pero hindi naman offensive ang mga sinasabi nya.

"Yeah." Tipid kong sagot.

"Okay. Kita nalang tayo doon. See you. Ingat."


"Sige. See you. Ingat ka din." And I ended the call.


I'm really grateful to have a friend like Tanya. She's always there for me kahit hindi ko sabihin. Parang lagi nyang alam kung kailan ko kailangan ng karamay.



Pagdating ko ng condo ay naabutan ko kaagad si Tanya in front of my door.


She has this worried look on her face. I bowed my head not looking at her and without saying a word, she took me in her arms giving me a tight embrace. I buried my face on her neck. She patted my back and held my head carefully. I somehow felt comfort consuming me while being in her embrace. Ngayon ko naramdaman ang pagod. Physically and emotionally.


I don't know how long we stayed like that. Inangat ko lamang ang ulo ko when I heard my head being called.


"Steven?" Sabi nito. But it didn't come from Tanya. I looked at her but she's not looking at me.


When realization came to me, I figured whom that voice belongs to. I looked where Tanya's eyes were fixed. I didnt know how to react when I saw who it was.



Pain was evident on her face. Brows knitted, teary eyes, and trembling lips.



"Mukhang hindi mo na ko kailangan." She said.




"Daniela." I called. Pero parang bulong lang ito. Para akong natuod sa kinatatayuan ko.



Bago pa ko makakilos ay nagsarado na ang elevator na lulan sya and the last sight I have of her was her back until the door closed.





********************************

Si Dani naman muna ang magwalk out. What will you do Steven? Tigas mo din eh.

Tanya, ano na tol? Hahaha

Masarap yatang kumain ng pride chicken for lunch.

Hope you liked this guys. Malapit ko na pong paguntugin yung dalawa lalo na yung Steven. 😅

Thank you for reading! Eat well! 😊




💙,

Erza Mavis







Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon