Chapter 25: Unwanted Caller

442 23 4
                                    


Mabilis na nakarating sina Dani sa condo ni Steven. Pagkapark ng sasakyan nito sa ground floor ay magkahawak kamay silang pumasok sa elevator paakyat ng 14th floor kung saan naroon ang unit ni Steven.

Pagbukas ng pinto ng kanyang unit ay pinaupo muna nya si Dani sa sala.

"Dyan ka muna ha, iprepare ko lang yung kakainin natin." Malambing na sabi nito.

"Tulungan na kita." Alok naman ni Dani.

"Hindi na. Kaya ko na. Saka bisita kita kaya maupo ka lang dyan." Pinindot nito ang on button at saka ibinigay ang remote control sa dalaga.

"Relax ka lang dyan." Pinaupo nya ito saka humalik sa ulo bago iniwan sa sala.

"Lola?" Natatawang biro ni Dani na tinawanan naman ni Steven kahit nakatalikod na ito sa kanya.

Naghanap ng mapapanood si Dani and she settled sa isang channel sa cable.

Habang nakaupo ay nilibot nito ng tingin ang paligid ng condo ni Steven. Ngayon nalang sya ulit nakatuntong dito makalipas ang ilang taong namalagi sya abroad.

Malinis at masinop pa rin ang itsura nito. 

Napatingin naman sya sa mga picture frames na nasa side table

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napatingin naman sya sa mga picture frames na nasa side table. Isang solo picture ni Steven at family picture nila ang laman ng mga yon. Napangiti sya ng makita yung picture nya. It's a picture of Steven when he was young.

"Ang cute nya talaga pero ngayon gwapo na." nangingiting kausap ni Dani ang sarili nya.

Her attention wasn't really on the tv. Patuloy lang niyang tinitignan ang detalye ng unit ni Steven.

Tumayo sya malapit sa glass window at tanaw nya ang mga ilaw sa daan at mga buildings na katabi ng building na yon.

Mukhang naaliw sya sa mga ilaw kaya naman nagulat sya ng yumakap mula sa likuran nya si Steven at hinalikan siya nito sa balikat.

Natawa naman si Steven sa reaksyon ni Dani.

"Ikaw, kanina mo pa ko ginugulat." Kunwaring inis na sabi ni Dani habang nakapalupot parin ang mga braso ni Steven sa kanya.

"Eh bakit ka naman kasi nagpapagulat?" Natatawang tanong ni Steven at pinatong nito ang baba nya sa balikat ni Dani.

"Eh sa nagugulat ako eh." Kasabay naman nito ang mahinang palo ni Dani sa kamay ni Steven. Tinawanan lamang sya ulit ng binata.

"Kain na tayo?" Aya ni Steven.

"Ambilis ah?" Tiningnan ni Dani ang relong suot nya upang icheck kung ilang minutong nagprepare ng makakain nila si Steven.

"Alam ko gutom ka na din kaya binilisan ko talaga. Tara na nakahain na sa lamesa."

Steven prepared a creamy pesto penne pasta. Mabilis lang nyang naiprepare to dahil madali lang naman lutuin yon. Nagbukas lang sya ng canned mushrooms na nakahiwa na at canned tuna. Pinaghalo lang nya ang mga ito sa cream at saka hinalo ang pesto sauce. Pagkatapos timplahin using salt and Parmesan cheese ay hinalo lang nito yung natirang sobrang penne sa ref niya at ito ang hinalo nya sa creamy pesto sauce niya. Sinamahan lang nya ng buttered bread na pinainit sa microwave at natapos na sya.

Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon