Chapter 30: Issue

413 21 7
                                    

Author's POV


Pagkauwi ni Daniela mula sa "date" nila ni Steven ay nagulat itong madatnan ang isang boquet of red roses. Hindi sya pwedeng magkamali dahil iisang tao lang ang nagpapadala sa kanya ng ganoon--si Charlie. Pinulot nya ito at binasa ang nakasulat sa note.

"I hope you'll find it in your heart to accept these like how I want you to accept me...again. --C."

Bumuntong hininga ito at napailing. "Ang kulit naman talaga." Usal nito.


Pagbukas nya ng kanyang unit ay sa basurahan ang kinalagyan ng mga rosas. Hindi nya talaga gusto ang mga bulaklak na ito. Dahil para sa kanya, nakakasugat ang mga tinik ng mga bulaklak na ito kaya kahit anong ganda at bango pa nila ay hindi nya magugustuhan ang mga iyon. Katulad nalang ng nagbigay sa kanya. Sya man ay kaaya-aya sa paningin, hindi nya makakalimutan ang sakit na naidulot nito sa kanya. Kaya para kay Daniela, wala ng pwedeng paglagyan pa si Charlie sa buhay nya. Dahil napunan na ni Steven kung ano man ang kulang sa kanya.





Kinaumagahan, nagising si Daniela ng malakas na tunog galing sa cellphone niya.

Sinagot naman nya ito ng makitang ate nya ang tumatawag.


"Hello? Ate, napatawag--?" Hindi pa natatapos ni Dani ang sinasabi nya ay sumabat na agad si Neri.

"Daniela de Guzman, may hindi ka yata kinukwento sa akin?" Neri blurted out the moment Dani answered her call.

"What do you mean, ate?" Takang tanong nya.


"Check your Twitter account. May isesend ako sayo. Then I'll call you back." Utos nito.

"Oka--" bago pa man nya natapos sa sasabihin ay binabaan na sya ng ate nya.

She opened her Twitter and checked her DM at laking gulat nya ng makita ang mga letratong bumungad sa kanya.



May dalawang pictures ni Charlie going out of her building and another one was a picture of Steven and her last night. The first picture of Charlie was when he first went to see her nung isang linggo and the other one was probably last night nung may nag-iwan ng boquet of roses sa tapat ng unit nya.


Okay lang sana ang lahat pero hindi maganda ang caption na nilagay roon.
'Sinong pipiliin mo? The past or the present?' sabi sa caption.

Daniela froze for a moment upon seeing the photos. Iisa lang ang sumagi sa utak nya matapos makabawi sa pagkagulat. It's not her family, not her fans, not even her career. It's Steven.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib nya. Kung nagulat sya sa nakita nya, ano na lang ang magiging reaksyon ni Steven? She automatically prayed na hindi sana makita ni Steven iyon dahil malamang ay may away na uusbong mula sa mga larawan na iyon.


After a minute ay tumawag muli si Neri.

"Ate--"



"What's happening, Dani? Ilang months pa lang ang nakalipas mula ng makabalik ka, bakit may ganyan na?" Batid ni Daniela ang concern na may kasamang inis ng kapatid nya.


"You know what? Pupuntahan nalang kita." dagdag ni Neri ng hindi sumagot ang kapatid nya.


"Di pwede ate, may taping kami today." Pagtanggi nito gustuhin man nyang magkwento na sa kapatid.


She heard her sister sigh on the other line before saying another word.


"Okay, kailan ka pwedeng umuwi ng bahay? We need to talk about this. Hindi maganda ang pwedeng maidulot ng mga pictures na yon sa image mo. Kahit kilala kita na wala kang pakialam sa sasabihin ng iba, alam kong sa iisipin ni Steven ay malaki ang concern mo." She stated.



Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon