Chapter 4: I Know You

617 27 4
                                    

"Hi... Steven." titig na bati naman ni Dani.

Akmang lalapit na si Daniela para yakapin si Steven ay biglang iniabot ng binata ang kamay para kamayan lamang ito.

"Nice to see you again." pormal na sabi nito.

Napatitig si Dani ng ilang segundo sa kamay ni Steven bago tumingin muli sa mukha ng binata. Nakatitig naman si Steven sa mata ng dalaga habang di pa din nito ibinababa ang kamay. May kung anong kirot na naramdaman si Daniela na di nya maipaliwanag. Kirot na di basta basta dahil ito'y nagdulot ng bigat sa kanyang dibdib.

Akmang ibababa na sana ni Steven ang kanyang kamay ay biglang naramdaman nito ang nakakapasong kamay ng dalaga sa kanyang palad.

"Long time no see." sabmit ng dalaga na may kasamang pilit na ngiti.

Tumango lamang si Steven at binawi na nito ang kanyang kamay.

"Come, everybody!" malakas na tawag ng big boss ng Kapuso Network na nakapukaw kaagad ng kanilang atensiyon.

Matapos marinig ng dalaga ang tawag ng kanilang big boss ay agad itong lumapit upang batiin ito.

"Sir Philip! Nice to see you again, sir! Thank you for inviting us." magiliw na bati ng dalaga.

"Of course! One of my precious gems is finally back! Marapat lang na makita kita agad. Baka maunahan ako at bakuran ka ng kabilang kampo." pagbirong sabi ni Sir Philip Gozun, ang big boss ng Kapuso Network.

"Haha... Sir, di po mangyayari yon.  Malaking parte po kayo bakit nandito ako ngayon sa kinalalagyan ko sa career ko." pa-humble naman tugon ng dalaga.

"No, hija. You're just really a natural...a natural talent! Kaya yun ang lumabas."

Napangiti naman ng matamis si Daniela sa narinig na compliment.

"Kayong dalawa ni Steven ang aking mga hiyas! Which is why, nandito kayo ngayon. Lou, Ben, itong mga alaga ninyo ang napili ko para sa susunod na ilolaunch nating projects." tumango naman ang dalawang managers habang kitang kita ang saya sa kanilang mga mukha.

Ng maupo na ang bawat kampo ng dalawang sikat na artista ay pumagitan si Sir Philip kina Dani at Steven. Magkaharapan ang dalawa at nasa ulo naman ng lamesa si Sir Philip.

Patuloy ito sa pageexplain sa mga projects ng dalawa ngunit maya't maya ay parehong nagsusulyapan ang dalawa kapag hindi nakatingin ang isa sa kanila at napansin agad ni Steven na hindi okay si Daniela. Iba ang pula ng pisngi nito at naalala nyang napakainit ng kamay nito kanina.

Biglang nagtama ang kanilang mga mata and it's too late for Steven na umiwas ng tingin. Kitang kita naman ni Daniela sa mukha ng binata ang gulat at concern mula sa mukha ni Steven. Ang gulat ay malamang dahil sa nahuli nito na nakatingin ang binata sa kanya but the look of concern ay hindi niya maisip kung bakit.

Makalipas ang ilang segundo ay naconcious na ang dalaga at umiwas na ito ng tingin na sya ring ginawa ng binata.

Parehong pinipilit ng dalawa na huwag pahalata sa awkwardness na nararamdaman na dapat lang dahil sa kanilang mga estado at reputasyon bilang mga artista. Sila ay tunay na mga professional. Kaya't kung ano man ang kanilang nakaraan ay hindi nila ito ipinahalata sa mga tao na nasa dinner meeting nila.

Ngunit iba naman ang nakikita ng mga ina ng dalawa. Alam nila kung kailan totoo at hindi ang ipinapakita ng kanilang mga anak.

Pagka-serve ng pagkain ay biglang napakunot ng noo si Steven at Daniela na napansin ni Sir Philip.

"Is there something wrong with the pasta? Gusto nyo bang umorder ng iba?" tanong ni Sir Philip sa dalawa.

"Sir, allergic po si Steven sa peanuts." sagot ni Dani na ikinagulat ni Steven.

"Naalala mo pa yon?" tanong ni Steven sa dalaga.

"Oo naman." mahinang sagot ni Dani.

"Oh... I didn't know. Steven, umorder ka nalang na iba." mungkahi ni Sir Philip.

"Ay, hindi po. Eto nalang pong isa ang sa akin. Gusto naman po ni mommy to. No worries po."

"Ikaw ang bahala hijo. Basta huwag kang mahiya kung may gusto kang iba ha?"

"Don't worry po. Ayos na ko dito. Baka po si Daniela may ibang gusto." sambit ni Steven habang may tingin na makahulugan sa dalaga.

"Dani, do you want anything else?" tanong naman ni Sir Philip.

"Po? Ah, eh, wala po. Okay po sa akin to." sagot ng dalaga.

"Sure ka? Baka may iba kang gusto..." sabat ni Steven na mukhang iba ang pinatutungkulan.

"Wala." Simple but certain ang sagot ng dalaga.

Ngumiti naman at umiling ng kaunti si Steven sa sinabi ng dalaga na para bang kinukwestiyon and sagot nito.

"Ahem..." kunwaring pagubo ni Boss Ben para matigil ang namumuong tensiyon na dalawa. "Sir Philip, kelan po pala start ng unang project nila?" mabilis na segway ng manager ni Steven.

"In two weeks, Ben. May mga iba pa kasing characters na di pa finalized and we want to select them carefully. Yung iba naman, we're still negotiating with them. Alam mo na, may mga ibang conflicts pa sa schedules nila kaya I'm giving them two weeks para maayos nila."

Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam ang dalaga na pumunta ng CR.

"Kindly excuse me, punta lang po ako sa restroom saglit." paalam ni Daniela.

Ng makalayo na ng kaunti ang dalaga ay napahawak ito sa kanyang ulo. Para itong bibiyakin sa sobrang sakit. Mainit na din ang kanyang buong katawan. Sa katunayan ay kanina pa masama ang kanyang pakiramdam ngunit ayaw lang nitong magpahalata. "The show must go on" ika nga nila. Bilang isang professional performer ay ito na ang nakasanayan nya sa halos lahat ng aspeto ng kanyang buhay. At sa mga pagkakataong ganito ang pakiramdam nya habang nasa "trabaho" ay lagi itong "lumalayo" muna para makahugot ng "lakas".

"Not now, Daniela. Ilang minuto pa." bulong nito sa sarili.

Nasa harap ito ng salamin sa restroom at pini-pep talk ang sarili.

"Kaya mo yan. Kaya mo pa. Konti na lang makakauwi ka na rin. Huwag ka munang bibigay. Daniela, please kayanin mo. Inaapoy ka lang ng lagnat, masakit lang ang ulo mo at nahihilo ka lang. Di ka naman mamamatay." patuloy nitong pagkausap sa sarili sa harap ng salamin.

Matapos gawin ito ay huminga ng malalim ang dalaga. Ngunit paglabas niya ng pinto ay biglang nagdilim ang paningin nito.

"Shit! Matutumba ako!" she said in her head.

At yun na nga ang nangyari. She's 12 inches away from the carpeted floor ng biglang may anghel na sumalo sa kanya.

"Dani, wake up. Open your eyes!" concerned na sabi ng anghel na sumalo sa kanya.

Alalang alala ang tono nito at ramdam niya ang bilis ng pintig ng kanyang puso.

Oh how she feels so safe in her angel's arms right now yet she wonders why the touch feels VERY familiar.

Ilang segundo pa ay nakapagmulat na din ito ng mata.

"Thank God, nagkamalay ka na!" her angel said with relief.

"I knew you're not alright! Bakit kasi di ka nagpasama!" galit ang tono pero alalang alala ang mukha ng kanyang anghel.

Ng manumbalik na siya sa kanyang sarili, saka lang niya na-recognize kung sino ang nakasalo sa kanya. At tuluyan ng nanlaki ang singkit nitong mga mata.

"S-steven?"



Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon