Chapter 14: I Ship You

548 17 5
                                    


Lumipas ang isang linggo mula ng magsimula ang shooting ng bagong teleserye na pinagbibidahan nina Steven at Daniela. The scenes they've shot so far is good for one week already.

Wala ring naging problema sa set kahit na ba may "past" ang dalawa. Indeed, they're both professionals. Ang tanging nakakaalam lamang ng kanilang "nakaraan" ay ang kaibigan nilang si Sara at si Ms. Marya. Ngunit ang dalawa ay hindi rin gaano ang nalalaman sa namagitan sa kanila. Pili lang din kase ang mga naikwento ni Daniela kay Sara at si Steven naman kay Ms. Marya.

Dahil may alam ang dalawang aktres ay hindi nila maiwasang biruin minsan sina Daniela at Steven. Nariyang kunwari'y di sinasadyang nabangga ni Ms. Marya si Steven kay Daniela kaya biglang napayakap ang binata sa dalaga upang hindi sila tuluyang matumba. Si Sara naman ay madalas gumawa ng paraan para magtabi ang kanyang dalawang kaibigan kapag sila'y sabay-sabay na kumakain o kaya naman ay tuwing sila'y naka-break sa set.

Parehong napansin nina Sara at Ms. Marya ang mga ginagawa nilang "tactics" para paglapitin ang dalawa. Kaya naman isang araw sa set ng magka-eksena ang dalawa at wala si Daniela at Steven dahil sila ay mamaya pa kukunan sa kanilang eksena ay biglang nagkakwentuhan ang dalawa.

"Nay tignan nyo po ito o. Eto po sina Dani at Steven nung mga teens palang sila. O di ba? Bagay na po sila noon pa man no?" sabi ni Sara habang pinapakita ang isang picture ng dalawa.

"Sara, may napapansin ako. Napapansin mo rin ba?" tanong ni Ms. Marya habang nakatingin sa picture ng dalawa.

"Ay? Ano po yon?"

"Napaka-bagay talaga nina Steven at Daniela no? Ang lakas ng dating nila on and off screen! Alam mo yung chemistry nila? Parang sumasabog eh!" pagbibida ng aktres.

"Ay opo, Nay! Wala talagang kupas yung tambalan ng dalawang yon!Biruin nyo po, 3 years na silang di nagkakasama pero kahit ganon, nandun pa rin yung chemistry nila. Parang walang nagbago mula noong nagkahi-- ay!" putol ni Sara.

"Mula noong ano?" mabilis na tanong naman ng aktres.

"Ahh..mula po noong huli silang nagtambal! Yun po!" nakangiwing sagot ni Sara.

"Hindi yon ang gusto mong sabihin eh. Sabi mo 'mula noong nagkahi--' --walay? Nagkarelasyon ba ang dalawa?" pagdurugtong at panguusisa ni Ms. Marya.

Natigilan naman si Sara sa sinabi ng aktres at muling napangiwi.

"Hmm... Naku, Sara, matanda na ako at MAS matagal na ko sa industriyang ito. Hindi mo ko madadaan sa pilit mong ngiti, hija. Ituloy mo na yung hindi mo matuloy-tuloy." sabay kindat ng aktres.

"It's complicated po, Nay."

"Try me. Napagdaanan ko na lahat yang 'complicated' na yan!" she encouraged.

"Lagot ako kay Dani nito." bulong nito.

"Ano nga yon? Dali! Dali!" nakangiting parang sabik sa kwentong nakaabang si Ms. Marya sa sasabihin ni Sara.

Napasinghal ang dalaga at napapikit ang mata.

"Nay Maryaaaaaa... Sa atin lang 'to ah? Pramis?" parang batang itinaas pa ni Sara ang kanang kamay na parang nagpapanatang-makabayan.

Ginaya naman sya ni Ms. Marya. "Pramis!"

"May...past po kase yung dalawa." panimula nito.

"So alam mo nga!" napalakas na sagot ng aktres sabay turo sa kanya.

"Nay, huwag nyo pong lakasan baka marinig tayo sa labas!" she hushed her.

"Ay sorry! Naeexcite lang kasi ako!" parang teenager na kinikilig ang beteranang aktres na siya namang tinawanan ng batang aktres.

"Teka! Alam nyo rin po?" she asked at bigla itong naconfuse dahil hindi nya inakalang may alam ang aktres tungkol dito.

"Well...sabi ko nga sayo, matanda na ko. Kaya hindi makakalampas sa akin yung mga ganyan. Lalo na sa dalawa na madalas magsulyapan at magnakaw ng tingin. Dumaan din ako sa ganyang stage no! Nung kala mo sa kin?" kunwaring supladang sagot ng aktres.

"Andami nyo pong napapansin kahit one week palang po tayong magkakasama." natatawang sagot ni Sara.

"Pero ang pinagtatakahan ko ay kung bakit biglang naputol ang communication ng dalawa."

"Ay naku, Nay, kay Steven nyo po itanong yan."

"Bakit sa kanya? Di ba dapat kay Dani?"

"Kay Dani po? Hindi nga rin po nya alam. Eh si Steven po ang biglang umiwas." depensa ni Sara.

"Ha? Teka, teka... Naguluhan ako! Paanong si Steven ang biglang umiwas?"

"Ganito po kase yon Nay Marya, sa pagkakaalam ko po, yung dalawang yon eh may agreement na maghihintayan hanggang sa makabalik si Dani dito sa Pilipinas. During the time na nag-e-air po yung show namin 4 years ago nung magsimulang mamuo yung 'relasyon' nila pero wala pong confirmation yon. Parang M.U. sila pero talagang walang aminang nangyari. Basta sweet po sila sa set at talagang kita nyo po yung love nila sa isa't-isa. Mas malambing po sila off-cam eh. Saka nakwento po sa akin ni Dani noon na they want to reach their dreams first kaya okay sila sa ganung set-up." mahabang kwento ni Sara.

"Ano yon? Sila pero hindi sila?" naguluhan bigla ang aktres.

"Parang wala lang pong label pero alam nila sa isa't-isa kung anong namamagitan sa kanila." paliwanag naman ni Sara.

"Alam mo hija, anghirap ng walang label...pero, siguro since bata pa sila noon kaya mas ginusto nilang focus muna sa career."

"Parang ganun na nga po, Nay."

Biglang tumahimik ang dalawa ng ilang minuto na tila napaisip ng malalim sa sitwasyon nina Steven at Daniela.

"Pero sa nakikita nyo po--may chance pa po kayang manumbalik yung dati sa kanilang dalawa?" biglang tanong ni Sara na bumasag sa kanilang katahimikan.

"Hmm... Right now? Civil lang yung dalawa eh. I mean si Steven obvious na he treats everybody just the same even kay Dani. Pero yung titig nya kay Dani kapag magkaeksena sila? Parang dun nya nagagawa yung gusto nyang gawin off-cam. It's either mali ako dahil magaling lang talaga na aktor yung batang yon or tama ako sa observation ko. Pero kay Dani, I can see that she's trying to reach out."

"Sana po tama kayo na may feelings pa si Steven kay Dani. Kase po kung nakita nyo lang kung paano po sila noon? For sure you'll ship them, Nay!" natatawang sagot ni Sara.

"Ano yung 'ship', hija? Ano yon? Ipapadala ko sila? Ha?" confused na tanong ng aktres.

Natawa naman si Sara ng marealize nyang hindi familiar ang beteranang aktres sa term na ginamit nya.

"Ay hindi po ganun, Nay Marya. Ha ha ha... Ginagamit po yung term na yon kapag may pair po kayong gustong magkatuluyan and you're really rooting for them." paliwanag ni Sara.

"Ahh... So, I ship Dani and Steven. Tama?" sabay thumbs up ni Ms. Marya.

"Ha ha ang cute nyo po! Tama po yon, Nay."

Pagkasabi nito ni Sara ay biglang pasok ni Daniela sa loob ng tent.

"Hello po Nay Marya! Hello te!" sabay beso ni Dani sa dalawa.

"Hi anak!"

"Mukhang nagkakasiyahan po kayo ah?" nakangiting paguusisa ni Dani.

"Ha? Ah! Eto kasing si Sara tinuruan ako ng isang term na pang-millenial!"

"Anong term po?"

"Yung ano nga kase yon Sara? Ship?" sabay tango ni Sara.

"Yun! Ship!"

"Ah... Ha ha! Bakit po may shiniship po ba kayo?" tanong ni Dani habang natatawa.

"Ay oo!" mabilis na sagot naman ni Ms. Marya.

"Ay talaga po? Sino?" tanong naman ni Dani na mukhang excited malaman na may shiniship pala ang beteranang aktres.

"Kayo ni Steven. I ship you! O di ba?" mapangahas na tugon ng aktres na ikinagulat naman ni Sara.

"Ano po yon, Nay? Shiniship nyo po kami Dani?"

Napalingon ang tatlo at biglang nagulat ang lahat sa biglang pagdating ni Steven.

Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon