Daniela's POV
"Please don't break his heart again."
Paulit ulit kong inisip kung anong ibig sabihin ni Nay Marya sa sinabi nyang yon.
Break his heart? E si Steven nga itong nanakit ng puso ko. Pero bakit parang iba ang dating sa iba?
What am I missing? May mali eh. May mali talaga sa mga nangyari.
Natigil ang aking pagiisip ng biglang marinig ko ang aking phone na tumunog. May tumatawag. When I checked kung sino, nagulat ako at bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang pangalan ni Steven. This is the first time na tumawag sya mula ng magexchange kami ng number a month ago. Yes, a month ago na at pa lang, pero never pa nya akong tinext o tinawagan kaya nakakagulat na sa ganitong oras sya tumatawag. Maghahatinggabi na kasi.
"H-hello?" Bungad ko.
"Naistorbo ba kita?" Tanong nito.
"Hindi naman. Hindi pa naman ako tulog. May kailangan ka?"
"Oo." Matipid nyang sagot. Nagtanong naman ako ulit.
"Ano?"
"Ikaw." Sagot nya.
Napatahimik ako saglit. Tama ba yung narinig ko? I felt like my heart skipped a beat.
"H-ha?" Nauutal ako sa kaba at narinig ko syang tumawa.
"I just want to know kung anong gagawin mo bukas."
Bukas? Ano nga bang gagawin ko bukas? Nagisip muna ako ngunit wala akong maalalang may commitment ako para bukas. Sigurado akong my sched is clear for tomorrow which is a Sunday.
"Wala naman...I think...Ah! Meron pala!"
"Ay? Ganon ba? Ano? Saan?" Sunod sunod nyang tanong.
"Magchichurch ako bukas." biglang naalala ko na.
"Ahhh...pwedeng sumama?"
Nagulat naman ako sa sinabi nya at hindi nakasagot.
"Dani? Pwede?" Hindi pa rin ako makasagot dahil hindi ko maintindihan kung anong nangyayari.
"Kung hindi pwede, okay lang. Next t--"
"Sige." Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya at pumayag nalang ako. Curious din kasi ako sa kung ano mang 'pagbabagong' nangyayari ngayon sa kanya.
"Talaga, payag ka?" Dinig ko ang tuwa sa boses nya at napangiti naman ako.
"Oo nga. Payag ako."
"Anong oras kita susunduin?"
"Ay hindi na. Magpapadrive nalang ako."
"Sunduin na kita. Papagdayoff mo na driver mo bukas. Ako muna driver mo for tomorrow." Sabi nya.
"Wow ah! Parang sira to--"
"Pleeeeaassseee..."
Parang bata, ang kulit.
"Sige. 9am." Pumayag na din ako. I thought kailangan din ng driver ko ng day off.
"Yaaannn...San nga pala kita susunduin?"
"Dito sa condo ko. Dito muna ako umuuwi ngayon."
"Dun sa dati?"
"Dun sa dati."
He was silent for a while. I think I know what he's thinking so I broke the silence.
"See you at 9?"
"Yeah. See you at 9...goodnight." Paalam nya.
"Goodnight." And I ended the call.
(Flashback)
BINABASA MO ANG
Love Deferred
Fiksi Penggemar"Saan ka man mapadpad, asahan mo, pagbalik mo, ako pa rin ang sasambot sayo." That's what he told me three years ago. Three years ago mula ng piliin kong sundan ang mga pangarap ko. Will he still remember what he told me? May babalikan at sasalo pa...