Daniela's POV
Nakakaflatter naman ng tingin ng morenong chinito na to. Para akong matutunaw. Bakit naman kasi ang gwapo at hmm...ambango pa.
He's wearing my favorite scent of him. Wait lang, date ba to? Teka, consider bang date kung sa church kami pupunta? May church date ba? Parang wala naman, kasi si Lord ang pakay mo pag nagsisimba. Di ba?
Ah basta, this is just a usual Sunday.
Our Sunday routine...noon. Bigla kong naisip yon. Hindi pa nagsisink in sa akin. Mula kasi ng makauwi ako ay ito palang ang pangalawang beses na makakapagsimba ako. Nung una ay yung first Sunday ko dito.
Lord, patawad. Bulong ko sa sarili.
Binilang ko sa daliri ko kung ilang Sundays na ba ang naskip ko. Napansin naman ni Steven ang ginagawa ko.
"Anong binibilang mo dyan?" Natatawa nyang sabi at tiningnan ako saglit bago niya ibinalik ang tingin sa daan.
"Seven Sundays na pala akong hindi nakakapagsimba."
"Hala! Andami na ah? More than two months ka na palang nandito?"
"Oo nga eh. Ambilis no?"
The mood became light and it felt like...what it used to be.
"Dani, wala ka namang ibang gagawin today di ba?" He asked while his eyes are still focused on the road.
"Hmm...wala naman." I checked my phone for any reminders for today and wala nga talaga. "Yup. It's a free day." I added.
"Good." Tanging sagot nito.
Bakit naman nya natanong? May balak ba 'tong lalaking to?
Buti nalang ay napaaga kami ni Steven sa pagalis. Hindi pa kasi puno ang parking lot kaya mabilis itong nakahanap ng pwesto.
"Buti nalang sinundo kita ng mas maaga." Sabi nito.
Ngumiti lang ako at nag-alis na ng seatbelt. Akmang bubuksan ko na ang pinto ay pinigilan nya ako.
"Wait, let me." Sabi nito at mabilis na lumabas para pagbuksan ako. Napakagentleman talaga.
"Thank you." Sambit ko at saka ko isinabit sa balikat ko ang dala kong shoulder bag.
Pagpasok namin sa simbahan, biglang hinawakan ni Steven ang kamay ko at dinala nya ko sa left wing ng simbahan. Medyo gilid ito at hindi masyadong visible sa mga tao yung pwestong napili nya.
"Dito na lang tayo para hindi tayo masyadong mapansin." May point nga naman sya. Pero sa gwapo nyang to, di malabong hindi sya mapansin mamaya pag dumami na ang mga tao.
Nagsimula na ang misa at pareho kaming seryoso ni Steven na tutok sa ginagawang seremonyas sa altar.
"Please be seated." Sabi ng lector.
Tahimik kaming nakikinig sa homily ni Father at pukaw na pukaw ang atensyon ko sa mga sinasabi nya.
"Brothers and sisters, forgiveness is not a simple transaction. It is never a simple act of will like paying for groceries at the store. It is a process, it happens over time, and it requires prayer, as we heard in Ecclesiasticus. Without God we are not able to please God, so without asking God’s help to forgive a person, we are not able to do it ourselves on our own. We must, Jesus teaches, forgive from our heart. This means our deepest and most secret place of awareness, because in the Bible, the “heart” is where we encounter God."
Biglang hinawakan ni Steven ang kamay ko at napatingin ako sa kanya. Hindi sya tumingin sa akin ngunit patuloy pa rin syang nakahawak sa kamay ko. Hinayaan ko nalang sya at nagpatuloy sa pakikinig.
BINABASA MO ANG
Love Deferred
Fanfiction"Saan ka man mapadpad, asahan mo, pagbalik mo, ako pa rin ang sasambot sayo." That's what he told me three years ago. Three years ago mula ng piliin kong sundan ang mga pangarap ko. Will he still remember what he told me? May babalikan at sasalo pa...