Steven's POV
"So, anong balak nyo ngayon?" Unang tanong ni Boss Ben sa amin ni Dani matapos naming ipaliwanag ang mga kumalat na larawan sa social media.
Si Dani naman ang unang sumagot. "Ang napag-usapan po namin ni Steven ay umamin na sa relasyon once na may nagtanong."
"Sabagay hija, okay din naman yan. Pero mas maganda siguro kung sa guesting nyo nalang aminin yan. For publicity na din. Lalo na may upcoming movie kayo ni Steven after ng serye nyo." Mungkahi ni Boss Ben.
"Teka lang naman, Ben. Hindi ba parang mabibilisan naman yung mga fans ng dalawa kung aaminin na nila agad? E tapos may Charlie pang dumagdag. Baka naman bansagang "malandi" yung alaga ko!" Kunot noong kontra ni Mother Lou.
"Pwede naman nyang itanggi na dumidiskarte yung isa." Sangga naman ni Boss Ben.
"Eh what if tanungin yung Charlie? Tapos umamin! Magmumukhang nagpapaasa tong si Dani pag nagkataon! Ben naman! Si Dani ang babae rito. Sya yung magmumukhang masama sa publiko. Parang hindi mo naman alam mag-isip ang mga tao. Saka sikat yung si Charlie. Tiyak kong maraming fans ang mangbabash kay Dani at malamang gawan ng rivalry with Steven." Paliwanag ni Mother Lou.
Mukhang nagkakainitan na ang mga managers namin dahil sa issue. Magsasalita na sana ako ng naunahan ako ni Dani.
"Ah, Mother Lou, Boss Ben, siguro po mas magiging okay kung aminin na din po namin na matagal na kami ni Steven before pa ako nag-abroad."
Nagulat ako sa suggestion ni Dani pero parang natuwa din ako na sa wakas ay aaminin din nyang matagal na kaming may relasyon.
"Sigurado ka?" Paniniguradong tanong ko.
"Oo. I think that's a good option. Lalo na yun naman talaga ang totoo. So hindi na magtataka ang mga tao kung bakit nila tayo nakikitang malapit na ngayon."
"Agree ako kay Dani. Saka Steven, wala namang nalink sayo in the past years na wala ang alaga ko. Makakaganda din yun lalo sa image mo dahil naging loyal ka dito kay Daniela kahit nawala sya ng matagal." Pag-sangayon naman ni Mother Lou.
"Eh, pano yung Charlie?" Ani Boss Ben.
"I'll just say na wala yon sa akin. He's just visiting as a friend. Ganon nalang po."
"Dani, walang maniniwala dun." Walang ganang sagot ko.
"O ikaw, ano bang suggestion mo?" Balik ni Dani sa akin.
"Sya nga pala since malapit na din ang Linggo, let me remind you about your guesting sa noontime variety show on Sunday. Tapos meron din kayo this Friday sa isang radio station. Tapos on Saturday naman ay dun sa afternoon showbiz talkshow." paalala ni Mother Lou.
"For sure may mga press na magaabang sa inyo." Dagdag naman ni Boss Ben.
Napabuntong-hininga naman ako matapos maisip na medyo komplikado nga ang sitwasyon. Kahit naman naiinis ako kay Charlie ay ayoko namang magmukhang masama sya sa mata ng publiko dahil sa binalak nyang pang-aagaw kay Dani noon. Isama mo na yung binalak nyang pagporma ngayon.
Maybe I just have to show kung sino ang tunay na panalo sa puso ni Dani.
Natapos ang pag-uusap namin ng walang pinal na desisyon.
"Basta Dani, Steven, act naturally. Huwag nalang patulan kung may hindi man magandang balita kayong marinig. Mamamatay din yang issue at makakaramdam din yung isa kapag nakita kayong malapit sa isa't-isa." Advise ni Mother Lou.
"At sigurado ako, susuwayin din sya ng kampo nya sa pagdalaw-dalaw sayo hija. May pangalan syang iniingatan kaya paniguradong hindi nya yon isusugal." Dagdag ni Boss Ben.

BINABASA MO ANG
Love Deferred
Fanfiction"Saan ka man mapadpad, asahan mo, pagbalik mo, ako pa rin ang sasambot sayo." That's what he told me three years ago. Three years ago mula ng piliin kong sundan ang mga pangarap ko. Will he still remember what he told me? May babalikan at sasalo pa...