Chapter 11: A Portion of You

474 19 3
                                    


It was already 8 in the evening at medyo traffic pa rin sa daan. Maririnig ang busina ng mga driver na walang pasensya -- nag-uunahan at pilit na sumisingit sa daan.

Nakatingin lamang si Daniela sa labas habang nakasandal ang ulo sa bintana.

Sa pagkakakilala ni Steven sa dalaga, malamang ay gutom o inaantok na ito. Yun lamang kase ang madalas na rason para maging tahimik si Daniela. Pero sa oras na ito ay malamang gutom ang dahilan ng pananahimik nito. Hindi nya nakitang kumain ang dalaga throughout their photoshoot kaya malamang ay gutom na ito. Isa pa ay may dala itong kape pagdating nila sa venue kaya malamang ay gising pa rin ang diwa nito.

He doesn't want to bother asking her pero old habits are hard to kill kaya kusang lumabas ang natural nyang mga gawi when it comes to Dani.

"Hey, gutom ka na no?" pambasag nito sa katahimikan.

He caught her attention kaya naman napatingin ito sa binata.

"No, I'm good." pagkasabi nito ay sya namang pagreklamo ng bituka ni Daniela animong may sariling utak at hindi sumasang-ayon sa sagot ng dalaga.

"You're good pala ah? Kaso iba ang sinasabi nyang alaga mo. Dinig ko eh." pang-aasar ni Steven.

She just sighed, ngumuso at muling tumingin sa labas ng kotse.

With this kind of situation ay hindi na kailangan ni Steven na mangulit pa at tanungin si Dani kung anong gusto nitong gawin. Kaya ng magkaroon ng pagkakataon ang binata ay iniliko na nito ang sasakyan para humanap ng ibang dadaanan.

"Huy! San tayo pupunta?" gulat na tanong ni Daniela.

"Relax ka lang." mahinahong sagot ng binata.

"Steven Chan, sinasabi ko sayo, wag kang gagawa ng kalokohan!" banta ng dalaga.

"Napaka-paranoid mo. Kailan pa kita pinahamak?" natatawang sagot ni Steven.

"Eh, saan mo nga ako dadalhin?" pangungulit nito.

"Basta. Mga 15 minutes lang nandun na tayo. Matutuwa ka for sure." he said seriously but with assurance in his tone.

"Talaga ha?"

"Oo nga. Ang kulit eh."

She folded her arms in front of her at pinagmasdan ang dinadaan nila. Mukha namang ligtas pero kakaunti lamang ang mga dumadaan. Then the car came to a stop at paglingon ni Daniela sa labas ay may isang simpleng Chinese restaurant sa tapat.

"Anong gagawin natin dito?" she asked as if not really knowing what Steven is planning to do after stopping by a Chinese resto.

"Pagmamasdan lang natin yang Chinese resto. Tapos magiimagine tayo na kumakain nung nasa menu nila." he said sarcastically.

"Ha-ha" she laughed dryly not really laughing at may pag-irap pa.

"Lalabas ka ba, o ilalabas kita?" pagbabanta nito.

"Lalabas na po!" mahinang pagdadabog ni Daniela while rolling her eyes.

Napailing lamang si Steven at hinayaang maunang lumabas ng kotse si Daniela.

Kinabahan ito ng hindi agad lumabas si Steven.

Paglabas ni Steven ay hindi na nya suot ang kanyang gray suit ngunit suot na nito ang eyeglasses nya.

Pagkalapit nya kay Daniela ay iniabot nito ang isang black cap.

"O, suot mo to pang-disguise."

Napatingin naman si Daniela sa binata at sa cap na iniaabot nito.

"Feeling mo si Clark Kent ka nyan?" pang-aasar nito habang sinusuot ang cap.

Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon