Chapter 20: Improvisation

404 27 4
                                    


Steven's POV

Hindi ko akalaing things will turn out this way. Ang balak ko lang ay mag sorry sa kanya pero bakit biglang bumalik sa akin ang lahat? Sa isang yakap lang, lahat ng nararamdaman ko sa kanya na binaon ko na sa limot ay parang patay na bigla nalang nabuhay. Tama pa ba to? Nababaliw na yata ako.

Sa dami na ng nakasama kong babae sa loob at labas ng trabaho ay bukod tanging sya lang ang nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Lahat na yata ng pwedeng maramdaman, naramdaman ko na ng dahil sa kanya. Tuwa, lungkot, inis, galit, pero higit sa lahat... pagmamahal. Sya lang ang minahal ko ng sobra. Kahit alam kong noon pa man, hindi ko buong nakuha ang loob nya. Pero pinilit kong makuntento noon dahil na sa akin naman na sya.

Pero ng mawala sya, I pretended as if okay lang...na kaya ko. Pero sino bang niloloko ko? People who are close to me must've known na sya pa din.

Sa kanya pa din ako nagpapakatanga. Kahit anong tago ko, kusang lumalabas ang kung ano mang meron dito sa loob ko kapag nandyan sya.

So much effect she has on me. To the point na hindi na tama dahil ako lang ang nasasaktan sa huli.

Pero paano nga ba pipigilan ang pusong tanga? Ilang ulit pa ba bago ito sumuko? Ilang sakit pa ba ang kailangang indahin? Hanggang kailan ang hihintayin para maging ako nalang--ako nalang ang mahalin nya. Yung walang pangamba na baka maagaw sya. Yung walang kahati.

Ilang oras din akong nagmuni-muni sa balcony ng condo ko habang nilalasap ang lasa ng beer na hawak ko. Gusto kong magchill pero kung ano-ano ang pumasok sa isip ko. Mainly si Dani ang laman nito.

She confused me with that hug. Parang miss na miss nya ko nung niyakap nya ako. She hugged me liked she didn't wanna let me go.

On my part, I felt like I want to reconsider the feelings I have for her. Dahil sa ginawa nya, parang ayaw ko na ding bumitaw.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka mariing napapikit. 

"Isang beses nalang. Isang beses pa and this will be the last."

************************************

Daniela's POV

I didn't expect na magsosorry sya sa akin. Hindi pa rin pala sya nagbabago. Akala ko wala na syang pake pero gumawa pa rin sya ng paraan para hindi na sumama ang loob ko sa kanya.

How did I let myself lose such a man? Kung kailan nawala sya saka ko naman lalong narealize yung worth nya. I will never find anyone like him.

Siguro ganun talaga. You'll never know how precious what you have is, til it's gone. Kaya naman hindi ko napigilang yakapin sya ng mahigpit when I saw his sincerity sa paghingi ng sorry. Gusto kong sabihin sa kanya na bumalik na sya sa akin. Pero natatakot ako sa isasagot nya kaya niyakap ko nalang sya ng mahigpit at sana naramdaman nya kung ano man ang hindi ko masabi.

I was so relieved when he hugged me back. Ibinalik nya yung higpit ng yakap ko. Ako lang ba, o talagang nagets nya? Sana...

Naging magulo ang lahat sa amin sa mga nakalipas na taon. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya--sa amin. Gustong gusto kong malaman kung bakit dahil ayoko ng mag-isip ng paulit-ulit na nauuwi lang sa pagiyak dahil naaalala ko din ang sakit.

He promised to wait for me, to be there for me if I'll end up defeated in my journey sa pagabot sa mga pangarap ko but he left me hanging. Actually, he ghosted me.

Eto nanaman, naiiyak nanaman ako. Pero I know may dahilan sya kung bakit nya nagawa yon.

Sa nangyari kanina, I can't help but think that our storm is about to end. Pagkatapos nito, I feel like masasagot na din ang mga katanungan ko...sana.

Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon